Agad na sumisid si Aquarius sa ilalim papunta sa kinaroroonan ni Erielle. Binilisan niya ang pagsisid at paglangoy upang iligtas ang babaeng napupusuan niya. Nang makita kung saan ito dadalhin ay napatigil siya. Napalibutan kasi sila ng mga lamang-dagat at mababahong mga lumot na nakapulupot naman sa leeg at katawan ni Erielle ang iba. "Bitiwan niyo siya!" Utos ni Aquarius. May diin ang utos nito. Humuhulma na rin ang galit sa mukha ng prinsipe na hindi na ikinagulat ni Shukira. "Bibitiwan ko lamang siya kung sasama ka sa amin," mula sa kanyang likuran ay rinig niya ang isang boses. Nilingon niya ito at nakilala. Lalo lamang nagigising ang natutulog nitong galit sa isipan. "Ikaw ang baklang nakasagupa namin ni Aqua-Sere noon. Hindi ba?" matatalim ang mga matang tinitigan ni Aquarius si

