"Sayang ka, Aquarius dahil ang guwapo-guwapo mo pa naman. Type na sana kita pero hindi ito oras upang pagnasaan ka. Ito ang oras na pahihirapan kita ng todo. At kapag nahirapan na kita, madali na kitang mahuhuli. At kapag nahuli na kita, dadalhin na kita sa aking mahal na reyna, Nympha. Ha-ha. Bwaha-haha!" Tawa ito nang tawa sa harapan ng binata. Malakas ang loob nitong matatalo niya ni Shukira ang prinsipe. "Ha-ha. 'Yan ay kung mahuhuli mo ako, Shukida. Ang pangit na nga ng pangalan mo na kasing pangit pa ng mukha mo, malakas pa ang loob mong matatalo mo ako. Hindi mo ako kilala. Hindi ako natatakot sa mga banta mo. Baka ikaw ang dapat na matakot ngayon dahil kapag natalo kita, isa-isa kong titirisin yang mga taghiwayat sa mukha mong malalaki pa sa tumutubong taghiyawat sa katawan ng

