Nagimbal ang buong Dagat Landia sa liwanag na nagmumula sa Rodenit na hawak-hawak ni Aquarius sa ilalim ng karagatan. Bolta-boltahe ng kidlat ang dumadaloy sa buo niyang katawan. Nagliliyab ang kanyang mga mata pero hindi siya nakukuryente o nasusunog man lamang. Kasabay ng puwersa at kapangyarihang bumabalot sa katauhan ni Aquarius ay ang paglakas ng hampas ng alon, kaliwa't kanang pagkidlat, at pagtaas ng tubig sa karagatan. Gulat na gulat din ang mukha ni Nympha nang personal niyang makita sa labas ng palasyong inangkin niya ang liwanag maging ang pagtaas ng alon sa buong Dagat Landia. Ang nilalang namang nagkukubli sa isang tagong lugar ay hindi maipinta ang mukha. Sumagi sa kanyang isipan na may mas malakas at papantay pa sa kapangyarihang mayroon siya ngayon. Alam niyang isa sa mga

