Chapter 14 Zaina POV Anim na taon na ang lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon. Lumaki na ang aking kambal—isang lalaki at isang babae. Pinangalanan ko sila ng kakaibang may kahulugan: Stone Zwar at Saphire Zwei. Sa kabila ng murang edad nilang lima, kitang-kita na ang talino at kabibo sa kanila. Kahit nasa kindergarten pa lamang, palagi silang may dalang medalya mula sa mga patimpalak. Sa totoo lang, parang mas matanda pa sila kung mangaral sa akin. Si Stone Zwar, ang panganay, ay seryoso, tahimik, at masipag mag-aral. Lagi siyang nangunguna sa klase. Samantalang si Saphire Zwei, ang bunsong kapatid, ay may kapilyahan, pero hindi mo maikakailang mabait at malambing. Medyo pasaway minsan—may napapaiyak, may napapagalitan—pero mabilis din itong yumakap sa akin para bumawi. “Mama,

