T H I R D P E R S O N SA isang opisina sa Lacritouz Academy ay may taimtim na nag-uusap. "Master, nasisigurado akong freshmen ang gumawa ng bagay na 'yon," sabi ng isang babae na nag-aaral din sa Academy. Nabalitaan niya ang nangyari kanina sa entrance exam kaya tinungo niya agad ang Headmaster. Napaisip naman ang kausap niya. Dalawa lamang sila sa opisina na nag-uusap, oras na ng pahinga kung kaya walang masyadong maingay at nag-iingay sa labas. "Pero hindi basta-basta masisira ang ilusyong iyon," sagot naman ng lalaking nasa 30's na. Siya lang naman ang namumuno ng Academy—ang Headmaster. Ang ilusyong tinutukoy niya ay ang entrance exam na nangyari kani-kanina lamang. Kanina pa sila naghahanap ng clue o dahilan kung paano nangy

