Chapter 4

2610 Words
    "AHHH!" Napatingin ako sa babae na nakasakay ngayon sa ulo ng dinosaur. Sigurado akong siya ang sumisigaw kanina. Dinosaur? Paano nagkaroon ng hayop dito? Kahit nga bulate o langgam ay wala akong nakita rito kanina. Tumingin ang dinosaur sa direksiyon ko. Tinitigan ko naman ito sa mata.         "Q'ed lior gai boer." Bigla namang naglakad ng dahan-dahan ang dinasour at lumapit sa kinaroroonan ko. Umupo ito sa harap ko at yumuko. Binaba niya ang ulo niya at hinimas-himas ko ito.         Translation: Calm down, dinosaur.         Nakita ko naman ang pagkagulat sa mata ng babaeng nakasakay sa ulo ng dinasour.         "Bumaba ka na diyan," walang ganang sabi ko. Bumaba naman kaagad ang babae. Bakit ba ang daming epal sa mundo?         "Ahh he-he actually pinapaamo ko lang siya, hindi pa yata sapat ang ability ko." Napakamot siya sa ulo dahil hindi ako umimik, nakatingin lang ako sa kanya. Nagpapaamo? She's an animal user.         "I'm Shandie Bouria by the way," masaya niyang pagpakilala. Mukhang masayahin talaga ang isang 'to, halata sa mukha niya.         "Syranah..."         Nagsimula na akong maglakad ulit. Hindi ako masayahing tao kaya huwag siyang mag-expect na ngingiti ako sa kanya.         Hindi ko alam pero mukhang umalis na yata ang dinosaur. Mas lalong hindi ko rin alam kung saan 'yon papunta.         "Ano nga pala ang sinabi mo kanina? Q'sr ler gu bir?" tanong niya habang nakasunod sa akin.         "Nothing."         "Ehh?"         "Stop following," cold kong sabi. Mas binilisan ko pa ang paglalakad.         "Pasensiya, puwedeng sumama na lang ako sa'yo? Please? Wala kasi akong kaalam-alam sa gubat saka ang alam ko lang is no rule raw."         Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. Tiningnan ko siya na nakangusong nakatingin sa akin. Wala raw alam pero no rule? Pinagloloko niya ba ako? Saka kahit ipagtabuyan ko siya, ang mga kagaya niyang makukulit ay hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nila. Mangungulit talaga sila ng sobra at ayoko sa mga makukulit.         Mukha rin namang may alam siya sa entrance exam na ito. Sabi niya wala siyang alam? Sana, ginalingan niya ang pagsisinungaling para naman maniwala ako.         "Anong mayro'n sa test na ito?" I asked with a confused look. Tiningnan niya naman ako nang may gulat sa mata. Akala ko ba, wala siyang alam?         "Wala kang alam?!"         "What do you think?" pabalik kong tanong.         "Nakapagtataka naman. Dapat ay bago ka mag-enroll, alamin mo muna ang informations about sa school."         "I  have no time for that."         "Ahh he-he actually, this watch is our life in this game."         Tinuro niya ang relo na suot niya, kulay dilaw iyon.         Napahinto naman ako sa paglalakad. "Game?"         "Yes, this is not just a simple test, ginawa ito para maging exciting ang first day ng freshmens. All of this are just an illusion. Kapag namatay ka dito it will be a game over for you at gigising ka sa reality ng walang kahit na anong galos pero syempre, makakaramdam ka ng sakit kapag may nakalaban ka dito," mahabang sabi niya.         "Okay," maikling sabi ko at naglakad ulit.         "What?! Okay lang ang sasabihin mo? Ang haba kaya ng sinabi ko?!"         "Akala ko ba wala kang alam?" tanong ko habang naglalakad kami sa kawalan. Nasa may likuran ko naman siya na sumusunod sa akin.         "Ahh hehe j-oke l-ang 'yon!"         "Ba't ka nauutal?" seryoso kong tanong at lumingon sa gawi niya. Napaatras naman siya.         "Ha? A-Ako? Naku! Hindi ah! G-Ganito lang talaga ako magsalita m-minsan."     Lumapit naman ako sa kinatatayuan niya habang siya ay napalunok ng dalawang beses. Nang makalapit na ako sa pwesto niya ay may binulong ako.         "Pinagloloko mo ba ako nilalang?"         "Ahh a-ano—teka nga!"     Lumayo naman ako ng kaunti sa kanya at tinaasan siya ng kilay.                 S H A N D I E         "AHH ano—teka nga!"         Kasi naman e! Bakit ba ang creepy niya? Grabe. Umatras siya ng konti at tinaasan ako ng kilay.         "What now?"         Ba't ba siya ganyan? May galit ba siya sa akin? O kaya sa mundo? Saka paano ko ba sasabihin?         "Ano kasi—" Napakamot ako sa ulo.         "Earth elementalist ako at dito na ako nag-aaral noon pa," agad na sabi ko.         "Bakit? May paaralan ba sa gubat na ito?" tanong niya.         Napasampal naman ako sa noo ko. May pagka-slow din pala siya.         "Hindi ako slow. Ikaw ang slow. Clear your sentence first before you say that I am slow," seryoso niyang sabi dahilan para mangilabot ako.         Oo na! Ako na ang slow! Pero—t-teka! Paano niya nabasa ang utak ko? Hindi ko naman binubuksan ito ah? Tiningnan ko siya na may pagtataka sa mukha.         May narinig akong mga paparating na yabag ng paa kaya hinila ko si Syranah at pinaakyat sa isang puno. May puno kasi sa may gilid namin at doon ko siya pinaakyat. Umakyat din ako syempre.         "What happen?" tanong ng isang lalaki na kilala ko—si Draz.         "We're done bro!" sabi naman Krioz. Kilala ko sila. Ano na naman ang pinaggagawa nila? Ang hilig kasi nilang makialam sa entrance exam ng mga freshmens. Palagi silang may pinagtritripan.         Nanlaki naman ang mga mata ko nang unti-unti akong nahuhulog pababa. Teka—!         "Ahhh—ray!"     Napadaing ako dahil sa sakit ng pagkahulog ko huhuhu.         "Nice falling," sabi naman ni Syranah habang bumababa sa puno. Ang sama niya! Napanguso na lang ako.         May naramdaman akong kakaibang aura sa likod ni Syranah kaya napalingon ako roon. Oh no! Nanlaki ang mata ko dahil nakatingin sila ng masama sa akin. Ang alam nila, hindi ako pumunta dito at hinding-hindi ako pupunta. Wala naman kasi akong magawa kaya ako napunta dito. Lagot ako nito!         "Who are you?" Bigla namang nagtanong si Light. Napatingin naman ako kay Syranah na nanatili lang ang tingin sa akin. Siya ang tinatanong ni Light at hindi ako. Nakita ko naman si Narioz na nagbabalat kayo. Teka—bakit naman siya nag-iba ng mukha? Kilala ko siya—isa sa ability niya ang makapag-balat kayo.         "You don't have to know," walang ganang sagot ni Syranah. Nakatalikod pa rin siya kina Light.         "Ahhh!!" Napasigaw ako dahil unti-unti akong nawawalan ng hininga. Napaluhod ako at nabitawan si Syranah. Lagot ka sa akin mamaya Draz! Mapapatay talaga kita!         "Answer us," seryosong namang saad ni Narioz. Hindi naman nagbago ang damit, buhok, at mata niya na kulay brown. Ang mukha niya lang talaga ang nag-iba.         "Ahhh!!!" Napasigaw ako ulit dahil ngayon ay parang nagliliyab na naman ako sa init. Naikuyom ko ang kamao ko at tiningnan ng masama si Krioz. Lagot talaga kayo sakin!         Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, ang alam ko lang ay may binanggit si Syranah at biglang naglaho lahat.                S Y R A N A H         "HINDI ako slow. Ikaw ang slow. Clear your sentence first before you say that I am slow," sabi ko at naglakad ulit.         Hinila naman ako bigla ni Shandie sa may puno at pinaakyat ako. Ayoko sana pero wala rin naman akong nagawa, umakyat rin naman siya.         "What happen?" rinig kong tanong ng isang lalaki. Napakunot naman ang noo ko samantalang ang katabi ko ay halos mamatay na sa takot.         "We're done bro!" rinig ko ulit na sabi ng isa pang lalaki.         "Ahhh—ray!"         Napatingin naman ako sa katabi ko na wala na. Nabaling ang tingin ko sa ibaba ng puno. Kasalanan ko ba na mahulog siya? It's her fault not mine anymore, siya kaya ang nagpupumilit umakyat.         "Nice falling." Bumaba rin ako ng puno. Ngumuso naman siya. Napatingin siya sa likod ko at kita ko ang gulat na gulat niyang mata. I didn't look back dahil may mapapala ba ako?         "Who are you?" rinig kong tanong ng isa sa kanila. Isa sa mga nakita namin kanina sa itaas ng puno. Ramdam ko ang presensiya nila sa likuran ko.         "You don't have to know."         Hinila ko si Shandie pero napabitaw siya at napaluhod.         "Ahhh!"         "Answer us," ibang boses na naman ang nagsalita. Lumingon ako. And there, I saw an angry eyes. Lalaking white ang buhok, damit, at mata—a white guy?         "Ahhh!" muling sigaw ni Shandie.         Tiningnan ako ng masama ni white guy. Tinitigan ko rin siya at bigla na lang siyang napaupo kaya tinulungan siya ng mga kasama niya.         Itinuon ko ang pansin kay Shandie. Twelve percent na lang ang life niya. I touch her then naging twenty percent ang life niya. Napabuntong hininga naman ako at napailing-iling.         "Fs't houf x'er losh'v."                 S H A N D I E         IMINULAT ko ang mata ko at bumungad sa akin ang field kung saan may maraming mga freshmens. Sa may 'di kalayuan ay natatanaw ko si Syranah.         "Bakit ka ba pumunta roon?!" galit na tanong ni Draz. Bigla na lang siyang sumulpot kasabay nina Krioz, Light, at Narioz. Bumalik na rin ang mukha si Narioz. Kaya niyang magpalit ng mukha pero hindi niya nagagaya ang mukha ng sino man.         Tiningnan ko naman si Draz ng nakakamatay na tingin pati na rin si Krioz. May biglang pumulupot na bato sa paa nilang dalawa.         "Mga walang hiya kayo!" galit na sabi ko.         Hindi sila makagalaw. Wala rin namang nakakakita sa amin dito dahil malayo ang mga freshmens dito sa kinatatayuan namin.         "Kasalanan mo rin iyon! Ba't ka kasi pumunta doon?! At tinutulungan mo pa 'yong isang freshmen!" sabi ni Krioz.         "Hindi ko siya tinutulungan," may diin kong sabi. Nawala na ang batong pumalibot sa kanila.         "Hello, Creatures!"     Bigla namang sumulpot si Liry. Napangiwi naman ako sa hitsura niya. Puro pink ang nasa katawan niya e. Ang sakit lang sa mata.         "Magbihis ka nga, Liry," bigla rin namang sumulpot sa kawalan si Irza. Ibinalik rin naman ni Liry ang anyo niya.         "Bakit biglang nawala ang gubat? Anong nangyari?" tanong ni Liry. Nagkatinginan lang kami at kapwa naghihintay ng sagot pero walang sumagot ni isa sa amin.         "Wala kaming ideya sa nangyari," sabat ni Narioz. Napansin ko naman si Light na tahimik lang at may tinitingnan sa malayo.         Sinundan ko ang tingin niya at nakatingin siya sa kinaroroonan ni Syranah. Napakunot naman ang noo ko at nag-isip.         Posible kayang may kinalaman siya rito? She is just a freshmen. Pero ano nga ang nangyari? Wala kaming nakitang clues o dahilan para maglaho ang venue ng entrance exam.         "Let's go back," seryosong sabi ni Light. Nagsitanguan na lang kami. Bago kami umalis ay sinulyapan ko muna si Syranah saglit. May kakaiba sa babaeng iyon.                 S Y R A N A H         I'M here infront of my dorm, kakaalis lang ng Lacry—iyon ang tawag sa mga maid daw ng Academy.         Ang Lacry ang nagdala sa akin sa harap ng pinto na nasa harap ko ngayon. Sila raw ang naghahatid samin sa magiging dorm namin. Sinabi ng Headmaster kanina na hindi kami puwedeng umuwi hangga't hindi pa namin natatapos ang school year. Hindi naman siguro niya iniisip na may tatakas hindi ba? Bakit naman tatakas? Hindi na lang sana sila pumasok dito kung tatakas din naman.         Hindi rin naman ako tatakas. As if naman may uuwian ako? Mayro'n nga pero ako lang din naman mag-isa lagi sa bahay kaya mas mabuti na rin dito.         Tiningnan ko ang susi sa may kamay ko. Binigay ito ng Lacry sa akin kanina. Ginamit ko ito para buksan ang pinto sa harap ko. Pumasok agad ako sa loob ng magiging dorm ko at inikot ang paningin sa kabuuan nito. Simple, but beautiful.         The color was all white. Puwede na itong tawaging 'The White Dorm'. May bigla naman akong narinig na boses.         "Attention, students! You can design your own room and rest for now. The classes will start tomorrow." Seriously? Agad-agad? Mukhang mas excited pa yata siyang simulan ang pasukan kaysa sa mga estudyante. Mukhang makapangyarihan talaga ang Headmaster ng school na ito. Nagagawan niya ng paraan ang pagbibigay ng komunikasyon sa mga estudyante. Kung hindi ako nagkakamali ay may mga speakers sa bwat dorm dito o nasa hallway ang speaker? Ewan.         Ipinikit ko ang mata ko. Ilang sandali lang ay iminulat ko rin ito. My room turned red. Everything is red na may mga iba't ibang designs. Napangisi naman ako. You can design your own room daw hindi ba?         "Fabulous," bulong ko. Pumunta ako ng comfort room at naligo muna. May mga bagay dito na katulad ng sa mundo ng mga tao.         Matapos maligo ay gumawa ako ng damit with the use of my power at iyon ang isinuot ko. After a while ay nag ikot-ikot ako ng kaunti hanggang sa mapunta ako sa may kabinet. Binuksan ko ang kabinet at bumungad sa akin ang uniform na nakalagay sa loob.         Kulay white long sleeve ang pang itaas na may blue neck tie, ang skirt naman ay kulay blue at ang ikli pa. Hindi ko yata feel ang uniform nila rito. Napailing-iling na lang ako at isinara ko na lang ang cabinet bago tinungo ang kwarto ko.         As expected, simple lang rin ang designs at kabuuan. Humiga agad ako sa kama, malambot din ang kama nila dito kaya masarap ito higaan. Tumingin ako sa kisame. Hindi ako sanay na walang gadgets dahil isa 'yon sa pampawala ng stress ko sa mundo ng mga tao pero kailangang masanay ako. Nasa ibang mundo na ako.         This day was so tiring. I need some rest to gain some energy for tomorrow's first day of school. Unti-unti kong ipinikit ang mata ko hanggang sa unti-unti akong hinila ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD