Pero nagulat ako at napatakip ang dalawang kamay sa bibig ko nang biglang kuwelyuhan ni Christian si Joaquín. Mas matangkad si Joaquín kaysa sa kaniya pero mukhang walang pakialam si Christian. “Hey, bro! I was just kidding, okay?” itinaas ni Joaquín ang dalawang kamay at alanganin pang ngumiti kay Christian. “Do your filthy things somewhere else and never even think of desiring what’s mine!” galit na banta ni Christian kay Joaquín. May ilang napapalingon na dahil sa komosyon at lalo naman akong kinakabahan. Pero mas nakakatakot iyong hitsura ni Christian ngayon, para kasi siyang papatay ng tao sa panlilisik ng mga mata niya. “Alright, alright! I am so sorry. It’s my bad thing. I’m sorry, Christian, it won’t happen again!” todo naman ang paghingi ng dispensa ni Joaquín. Ang laki niyan

