Chapter 11 Adventure

2215 Words

Akala ko ay uuwi na kami ng Pilipinas ngayon, pero nagulat ako nang sabihin niyang dadaan pa raw kami ng Italy. Binabanggit niya ang lugar na iyon na para lang kaming pupunta sa kabilang kanto. Ibang klase talaga ang mga mayayaman. Iyong mga pangarap lang naming lugar na mga mahihirap ay napakadali lang nilang mapuntahan kahit ano’ng oras nila gustuhin. “Bakit nakatulala ka diyan? What are you thinking about?” untag niya sa akin. Nakaligtaan kong kanina pa pala ako nakatayo sa harap ng sasakyan. “We need to go to the airport now. Doon na lang tayo mag-breakfast,” sabi pa niya. Napatango na lamang ako at lalakad na kaya lang kumunot ang noo ko dahil inilahad niya ang kamay niya sa akin. “B-Bakit?” nagtatakang tanong ko. Umikot naman ang mga mata niya na tila naiirita. “Just hold my hand

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD