***** Lukas "Mahal ang tagal mo, sino ba yan?" Ang tanong ko naman dahil masyado na siyang nagtatagal. Nagbihis naman ako at nag-ayos ng sarili ko para puntahan siya at ng makita na rin kung sino ang dumalaw sa amin ngayon. Kita ko naman na parang nagiba ang timpla sa kanyang mukha ng maaninag ko ito mula rito. Sino ba ang taong ito na dumating. Biglang may kaba namang lumukob sa akin. Baka kaya si... Huwag naman sana. Huwag naman sana siya. Mabilis na akong nagtungo papunta sa kanya at ng makita kung sino ito. "L-lukas!" Alam ko na kung bakit nagiba ang timpla ni Mahal. Maging ako ay katulad rin niya na nagagalit kung bakit nandito ang babaeng ito sa harapan ng aming bahay. Paano niya naman kaya nalaman na dito na ako nakatira? Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin? Masay

