***** Emilio Ako ay nagulat pa ng bumungad sa aking harapan si Lukas. May dala dala siyang tray na may lamang pagkain, tubig at isang tableta sa gilid nito. "Gising ka na pala. Dinalhan pa naman kita ng pagkain akala ko kasi tulog ka pa. Gigisingin na sana kita." Walang emosyong sabi niya sa akin. "A-ah oo." Tila nahihiyang sagot ko naman sa kanya. Alam kong masyado akong naging padalos dalos kahapon. Mas inuna ko ang galit ko kaysa sa pakinggan siya sa kanyang paliwanag. Kaya naman ako ngayon ay nahihiya sa kanya lalo na at di ko na alam kung paano ako nakauwi dito sa bahay kagabi. "San mo gustong kumain? Dito nalang ba o sa baba nalang?" Tanong niya sa akin. "S-sa baba nalang." Sagot ko naman. Parang may dumaang anghel naman sa pagitan namin at napakatahimik. Mga yabag lamang ng a

