Chapter 7

2227 Words
***** Lukas "Pare... sumama ka na sa akin... at pumayag na bumuo ng masayang pamilya kasama ako." Ano ba ang pinagsasabi ng lokong ito? Masyado ata siyang naging masaya at naalog ang utak niya sa kakatalon dahil nanalo siya sa lotto. Hindi ibig sabihin na may nangyari sa amin ay papayag na akong magkaroon ng relasyon sa kanya. Masarap naman ang nangyari sa pagitan namin pero tama ba na alukin niya ako ng ganito? Nahinto ako at napaisip dahil sa kanyang tanong. Alam kong pareho lamang kaming naguguluhan sa mga nararamdaman namin ngayon dahil sa dami ng nangyari sa amin. Ayoko namang magdesisyon ng padalos dalos dahil baka magdulot pa ito ng panibagong problema. Atsaka baka kapag nagkaproblema na naman ay baka di na namin kayanin ito. Mabuti na ang maging sigurado. "B-baliw ka ba? Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Naalog ata ang utak mo dahil sa kakatalon mo kanina at kasisigaw dahil nanalo ka lang ng lotto." "P-pare di ako nagbibiro. Seryoso ako. Alam kong masyadong mabilis pero sige hahayaan na muna kitang magpahinga at makabawi ng lakas. Bibigyan kita ng oras para pag-isipan ang sinabi ko sayo." Parang umurong naman ang dila ko ng sabihin niyang di siya nagbibiro. Halatang halata rin sa kanyang mukha ang bakas ng pagkaseryoso niya ng sabihin ito. Hindi nga niya ako niloloko lang. Totoo nga ang sinasabi niya pero bakit ako? Kapwa kami lalake at tiyak akong marami siyang mahahanap na babae ngayon lalo na't magiging milyonaryo na siya. Magiging madali nalang para sa kanya na palitan ang dati niyang asawa. "Baliw! Lumabas ka na nga at magpapahinga na muna ako. Wala akong balak na makipaglokohan sayo." Tinanggap ko na lang na parang biro ang sinabi niya pero alam ko naman na hindi lamang ito isang biro. Mabilis akong humiga at nagtalukbong sa kumot at ipinikit ko na rin ang aking mga mata. Pinakikiramdaman ko pa rin ang presensya niya kung nakaalis na ba siya. "Pare... Sige pahinga ka na." Yan ang huli niyang sabi ng tumahimik na ang silid na aking pinaghihigaan. Napabuntong hininga naman ako at inalis na rin ang kumot na nakatalukbong sa aking katawan. Pare mukhang nababakla na rin ata ako sayo? *** Mag-aalas kwatro na ng hapon ng muli akong magising sa aking pagkakatulog. Sinubukan ko naman tumayo at mabuti na lamang at di na ganoon kasakit ang pang-upo ko. Nakakatayo at nakakalakad na rin ako ng maayos pero minsan ay may kaunting sakit pa rin akong nadarama sa aking katawan. Lumabas naman ako ng kwarto upang tingnan kung nasaan sina pareng Emilio at ang aming mga anak dahil tahimik ang bahay ngayon. Pumunta na muna ako sa kanilang banyo at naghilamos ng mukha. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kanilang kusina para sana uminom ng tubig dahil nauuhaw na ako. Isang bagay naman ang pumukaw sa aking paningin. Isang maikling sulat na nakalapag sa mesa. "Pare pagpasensyahan mo na ako dahil napagpasyahan ko na lumuwas na ngayon para mas mabilis ko na makuha ang napanalunan ko. Makikituloy na muna ako sa katrabaho ko at luluwas na papuntang Maynila kinabukasan ng madaling araw. Siguro ay dalawang araw bago ako makauwi diyan. Ikaw na muna sana ang bahala kay Maricris habang wala ako. Inumin mo rin pala itong isang gamot dito pagkatapos mong mabasa ang liham na ito. Mag-iingat kayo diyan at sana sa pagbalik ko ay may sagot ka na sa inaalok ko sayo. Alam kong mabilis pero parang may nararamdaman na ako para sayo. Nakakahiya mang sabihin pero parang lumiliko na ako simula ng may mangyari sa atin. O siya! Masyado ng napahaba ito sa pag-uwi ko nalang natin pag-usapan ito. Ingatan mo ang sarili mo pare." Gag*ng to! Talagang seryoso nga siya na asawahin ako! Ininom ko na lang ang gamot katulad ng sabi niya. May pagkain din na nakatakip sa mesa at dahil matagal rin ang pagkakatulog ko ay gutom na rin ako kaya kumain na ako. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Napagpasiyahan kong umuwi muna sa amin dahil ang alam ko ay nasa amin sina Maricris at Joan. Kinandado ko naman ng maayos ang bahay ni pareng Emilio bago ako tuluyang umalis at umuwi na sa amin. Nakalimutan ko palang suot suot ko pa rin ang malaking damit ni pareng Emilio kaya mabilis naman akong naglakad pauwi. Mabuti nalang dahil mainit init ay wala pang tao sa labas. Mukha akong ewan sa suot ko ngayon. Nakarating rin ako sa amin paglipas lamang ng ilang minuto. Nadatnan ko pa ang ang dalawa na nagluluto sa kusina. Turon ang niluluto nila para ata magmiryenda sila. "Oh dad bakit nandito ka po? Bakit umuwi po kayo kaagad at iniwan si papa Emilio? Balak po sana naming dalhan nalang kayo ng meryenda baka kasi makaistorbo kami sa paglalabing labing niyo♥️♥️♥️." bungad na sabi ng anak ko ng makita niya ako. "An An tigilan mo nga ako at wala kaming relasyon ng 'papa' Emilio niyo. Atsaka pala, umalis yung papa niyo at lumuwas ng Maynila. May aasikasuhin lang daw siya doon. Kaya pansamantala ako muna ang magbabantay sayo Maricris. Dalawang araw din siyang mawawala kaya kung gusto mo ay tabi na lang kayo ni An An sa kwarto niya matulog." Mahabang sabi ko bago ako pumunta sa kwarto ko at magpapalit sana ako ng damit. "Ganon po ba dad? Edi Yesss!!! Sister kwentuhan tayo magdamag mamaya! Wahh!" Narinig ko namang masayang sabi ni Maricris habang nagbibihis ako. "Oo nga sis! Share share tayo ng mga BL MANGA AT WEBTOON mamaya!" Masayang balik na sagot naman ng aking anak. "Hoy hoy! An An at Maricris! Di porket linggo ngayon at wala pa kayong pasok bukas ay pwede kayong magkwentuhan magdamag! Matutulog kayo ng maaga mamaya at masama ang nagpupuyat." Pangaral ko naman sa kanila sa balak nilang gagawin mamaya. "Hoy sis confirmed na talaga! Si dad mo ang uke sa kanilang dalawa. Kung makapagbawal sa atin parang mommy na mommy na!" "Oo nga pero ang cute talaga nila!" Mga bulungan naman nilang di ko masyadong narinig at di ko maintindihan. "Ano na naman yang pinagbubulungan niyong dalawa! Kung binabalak niyo talagang ituloy ang balak niyo mamaya ay di kayo magtatagumpay. Titingnan ko kayo mamaya bago kayo matulog." "Oh diba sis. Uke na uke ang datingan! Sana lang ay di maging under ang papa ko sa kanya hihihi" "Baliw ka! Sa laki ng papa mo mukhang siya ang mag-uunder sa dad ko! Alam mo na, dominant seme hihihi." Muling bulungan na naman nila pero agad din silang tumigil ng maamoy nila na tila ba nasusunog na ang niluluto nila. "Wahhh!!! Nasusunog na yung mga turon!" "Yan, bulungan pa kayo. Diyan na muna kayo at pupunta lamang ako sa kubo ko An An." "Di po ba muna kayo magmemeryenda dad? Luto na ito oh." "Di na kaka-kain ko lang bago ako pumunta dito." "Ah sige po." Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa maliit kong kubo. May isang hektarya akong lupain na sinasaka ko at bumubuhay sa aming mag-ama. May alaga rin akong mga itik at iba pang mga halamang gulay sa bakuran ko. Kaso nga lang ay nakasanla na itong lupa dahil nagkaroon ako ng malaking utang ng minsang bagyuhin ang aming lugar. Kinailangan kong mangutang para makapagsimula muli at dahil wala naman akong ibang ari-arian kaya itong lupa na pinamana ng aking mga magulang ang nasangla ko. Di ko pa pala nasasabi pero ulila na rin ako. Matagal ng namatay ang mga magulang ko dahil sa sakit. Inatake sa puso ang aking ama at sumunod naman ang aking ina dahil di niya nakayanan ang lungkot ng pagkawala ng aking ama. Nagkasakit siya at ilang buwan lang ay binawian na rin siya ng buhay. May dalawa naman akong kapatid pero wala sila dito. Nakatira ang isa sa Maynila at doon nakapaghanap ng trabaho at nakapangasawa na. Ang isa naman ay nasa Tacloban at may sariling pamilya na rin. Minsan ay nakakausap ko sila sa pamamagitan ng cellphone ng aking anak. Di kasi ako marunong gumamit nito. Mabuti nalang at scholar siya sa kanyang paaralang pinapasukan at dahil matipid din siya ay nakaipon ito para makabili nito. "Tik tik tik tik..." Tunog na gawa ko sa aking bibig upang tawagin ang aking mga alagang itik. Pinakain ko sila at gutom na gutom ang mga ito. Sinunod ko naman na diligan ang mga gulay na tanim ko sa aming hardin. May mga kamatis, talong, okra at iba pa. Matapos kong gawin ang mga kailangan ko ay pumasok na ako sa aming bahay. Nagpahinga na muna ako at pumasok sa aking silid. Bigla naman akong nalungkot ng makita ko ang larawan naming mag-asawa. Matagal ding panahon na kami ay nagkasama. Minabuti ko na lamang na linisin ang aking kwarto at alisin lahat ang anumang bagay na magpapaalala sa akin sa kaniya. Inilagay ko ang naiwan pa niyang ibang mga gamit sa sako, litrato niya at iba pang bagay. Di ko namalayan na mag-gagabi na pala ng matapos ako. Nakita rin ako ng aking anak at ni Maricris na pawis na pawis mula sa aking paglilinis. Pero bigla niya na lamang akong niyakap sa aking kinatatayuan. "Dad wag po kayong mag-alala. Makakalimutan niyo rin po si mama. Nandito lang po kami at sina papa Emilio. Magiging masaya rin po tayong lahat." Napantig naman ang puso ko mula sa mga salitang tinuran ng aking anak. Marahil ay napansin niyang puro gamit lamang ng kanyang ina ang nasa sakong aking itatapon. Napaka suwerte ko at may isa akong anak na ganito. Mapagmahal at maintindihin, sana lamang ay wag itong gumaya sa kanyang ina. "Ahhhhhh! Ang sweet naman. Pa hug din po ako. Wag na po kayong malungkot." Naramdaman ko rin na yumakap sa akin si Maricris. Tinanggap ko naman ito at napakasarap lang sa pakiramdam na may mga anak akong nagmamahal sa akin. "Ano ba kayo! Pawis na pawis ako oh!" "Ok lang po yun dad." "Oo nga po. Hayaan niyo po kapag andyan na po si Papa hinding hindi na po kayo malulungkot." Biglang singit na sabi naman ni Maricris. "Ikaw na bata ka talaga!" Hinayaan ko na lamang sila sa gusto nilang sabihin sa ngayon. Ano kaya ang dapat kong isagot kay Emilio kapag nakauwi na siya? Tatanggapin ko ba ang alok niya at susubukan ang isang buhay kasama siya? *** Lumipas ang kahapon at ngayon ay nakaharap ako sa mga marurumi naming mga damit ng aking anak. Dahil ilang araw na din na walang naglalaba sa amin at dala rin ni An An ang mga marurumi niyang damit mula sa retreat kaya naman marami marami din ang labahan ngayon. Di pa naman ako marunong maglaba dahil si Jenny na dati kong asawa ang gumagawa noon. Sa lahat ng mga gawaing bahay, ang paglalaba ang di ko pa nasusubukang gawin. Kaya tinawag ko namang mabilis si An An ngayon at dahil wala si Maricris, nagpaalam daw ito na uuwi muna at may kukunin lang na mga gamit, kaya sa kanya ako nagpatulong. "An An paano ba ito?" Tanong ko sa kanya at tumambad ang maraming labada sa harap niya. "Naku dad ako na lang po ang gagawa nito at magpahinga na lamang po kayo doon sa loob." Bata pa si An An kaya naman ayokong siya pa ang gumawa nito. Siya na ang naglilinis at nagluluto sa aming bahay. Gusto ko sana na kahit papaano ay may oras pa rin siya sa kanyang sarili. "Anak kaya ko ito. Kailangan dahil wala na ang nanay mo. Nag-aaral ka pa kaya ayokong ikaw lahat ang pumasan sa mga trabahong bahay." "Dad... Kaya ko naman po eh." "Naku wag ka ng makulit at sabihin mo na lang kung paano ko ito uumpisahan at gagawin." "Ang kulit naman po... Kung yan po ang gusto niyo ay pagtulungan na lang po natin at tuturuan ko na rin po kayo. Marami po ito kaya sigurado akong mahihirapan kayo kaya mas mabuti na tulungan ko na kayo." Tama naman siya kaya wala na akong nagawa kung hindi pumayag sa kagustuhan niya. Sinabihan ko naman na ngayon lamang ito at sa susunod ay ako na ang gagawa nito lalo na't kami lang namang dalawa ngayon at di naman ganoon karami ang mga lalabhan ko non. Masaya naman akong natutong maglaba dahil parang naging bonding din namin ito ng aking anak. Nadatnan pa kami ni Maricris na nagtatawanan at nagbabasaan habang naglalaba kaya pati siya ay nakisali na rin sa amin at tumulong sa paglalaba. Hindi naman ako napagod sa aking ginawa dahil naging masaya pa nga ito para sa akin. Nagmeryenda rin kami ng suman pagkatapos naming maibilad na sa araw ang mga damit. Lumipas ang araw at dumating din ang gabi. Kakatapos lamang naming maghapunan at lumabas naman ako para magpahangin. Napaisip naman akong muli tungkol sa alok ni pareng Emilio. Tatanggapin ko ba o patuloy ko nalang siyang tatanggihan sa gusto niya? Ano na lamang ang sasabihin ng aming mga kapitbahay kapag nalaman nilang ang dalawang barako na iniwan ng kanilang mga asawa ay nagsama at bumuo ng pamilya? Paano na kung kamuhian nila kami, ang anak ko, namin? Gulong gulo na ako dahil naalala ko na naman kung paano niya ako alagaan at buhatin. Ang mukha niya noong nagniig kaming dalawa at kung paano niya ako inalok na makasama siya. Bahala na! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD