*****
Emilio
Matapos ang naging late naming agahan ay pinainom ko na ng gamot itong si Lukas. Binuhat ko rin siya at dinala sa aking silid.
Dahil siguro sa masakit pa ang kanyang katawan ay agad din siyang nakatulog kaya hinayaan ko na lang siya para makabawi ng lakas.
Dumiretso naman ako sa sala para sana manood muna ng t.v. pero wala namang magandang palabas.
Sina Maricris at Joan naman ay nagpaalam na pupunta muna sa bahay nina Lukas at doon daw muna sila magpapahinga. Baka daw makaistorbo sila sa amin ni pareng Lukas.
Ewan ko ba bakit parang ayos lang sa akin na mapagkamalan kami ng aming mga anak na may relasyon kami ni Lukas. Siguro dahil wala naman akong galit sa mga bakla at sa pakikipagrelasyon nila sa kapwa nila.
May katrabaho nga akong tomboy at may relasyon ito sa kapwa niya babae. Wala naman silang ginagawang masama at wala naman silang tinatapakan na ibang tao kaya ayos lang siguro sa akin na makisalamuha sa kanila. Siguro iba na talaga ang panahon ngayon. Wala naman sa akin iyon basta ang ayaw ko lang naman ay yung mga baklang gusto lamang ay katawan at ang tawag ng kanilang mga laman.
Naputol naman ang pag-iisip ko ng dumaan si Mang Kadyo at nagsisisigaw at inaalok ang mga benta niyang dyaryo.
Lumabas naman ako sandali sa aming bahay at tinawag siya. Suki na ako ni Mang Kadyo, tulong ko na rin sa kanya dahil kahit matanda na siya ay nakukuha pa rin niyang maghanapbuhay.
"Mang Kadyo! Pabili nga po ng isa!" Sigaw ko naman at lumapit ang matanda.
"Magandang umaga anak! Oh heto ang dyaryo mo! Alam ko namang may inaabangan ka diyan. Basta kapag nanalo ka. Balatuan mo ko ah!"
"Oo naman Mang Kadyo! Kayo pa ba?! ... Oh heto po ang bayad. Wag niyo na pong ibigay ang sukli."
"Naku maraming salamat talaga anak! Pagpalain ka sana ng panginoon."
"Salamat po."
"O siya, mauna na ako at ng makarami pa ako ng benta."
"Sige po. Ingat po kayo!" Huling sabi ko bago ako pumasok sa aking bahay.
Umupo na muna ako sa sala at nag-umpisa ko ng basahin ang binili ko.
Napakaraming krimen pa rin ang nagaganap sa ating bansa. Nainis pa ako ng mabasa ko ang headline tungkol sa China na kung makapag-angkin ng teritoryo ay parang sila na ang may-ari ng lahat.
Kesyo sila daw ang unang nakadiskubre ng isla na nasa ating bansa eh sa kanila na daw ito.
Bakit di pa kaya nila angkinin ang lahat. Pati buwan sabihin nilang sa kanila rin. Baka sila din ang unang nakadiskubre nito.
Inilipat ko nalang ito sa ibang pahina at nagbasa ng iba pang mga balita.
Makalipas ang ilang minuto kong pagbabasa ay dumating na rin ako sa pahina kung saan ang pinaka aabangan ko. Ang mga lumabas sa tinayaan kong Lotto.
Alam kong palagi na lamang akong tumataya dito at isa rin ito sa mga ibinigay na dahilan ng aking dating asawa kung bakit niya ako iniwan.
Nakaramdam naman ako ng lungkot ng maisip kong muli ito. Siguro ay kailangan ko na talagang tigilan ang bisyo ko na pagsusugal at pagtaya sa Lotto.
Tama naman siya dahil ni minsan ay di pa ako nanalo dito sa pagtaya taya ko sa Lotto. Siguro ito na ang huling beses at pipilitin ko ng pigilan ang sarili ko na wag ng magsugal.
Tumayo naman ako bago ko basahin ang mga lumabas kagabi at pumunta sa kwarto ko.
Hinanap ko na muna ang wallet ko dahil nandoon ang kopya ng mga tinayaan kong mga numero.
Di na ako nag-aksaya pa ng panahon para lumabas pa ng silid at umupo nalang ako sa tabi ng kama kung saan natutulog si pareng Lukas ngayon.
Mahimbing na mahimbing ang tulog niya.
Binuksan ko na ulit ang pahina ng dyaryo kung saan ang mga resulta kagabi at tiningnan ko rin ang kopya ko.
"18... Puta swerte ata ako ngayon at nakaisa na kaagad
10... Dalawa!
21... Tatlo!
45... Tang ina totoo ba to?
32... p*ta p*ta p*ta at
3!"
To-too ba to? P*tang ina!!!!!
Wooooooohhhhhhhhh Yesssssssss!!!!!!
Salamat Lord!!!!! Wooohhhhhhhh Yessss!!!!!!!! Panalo ako! Panalo ako!!!!!! Wooohhhhh!!!
Sobrang lakas ng pagsisigaw ko at napatayo pa ako at napatalon dahil tumama ako.
Tiningnan ko muli ang kopya ko at totoo nga at kumpirmado dahil parehas na parehas lahat ng mga tinayaan ko. Woooohhhhh!!!!!
Dahil sa saya ko at sa pagtalon ko pa ay di ko namalayan na nagising na ang natutulog na si pareng Lukas.
"Bakit ka nagsisisigaw!!!!" Galit niyang sabi ng makagising ito.
Wala naman akong pake dahil magiging milyonaryo na ako at dahil sa sobrang saya ko ay parang kusa na lamang kumilos ang katawan ko at bigla ko na lamang siyang hinigit at binigyan ng isang halik.
Mabilis lamang ito at nagsisigaw muli ako at nagtatalon dahil sa saya.
"Woooohhhhh Yesss!!! Nanalo rin!!! Wooohhhhh!!! Thank you Lord!!!!"
Habang masaya naman ako nagsisigaw at nagsasaya sa pagkapanalo ko ay bigla namang may kamay na dumampi sa akin.
Malakas akong binatukan ni pareng Lukas.
"Bugok ka! Bakit mo ako hinalikan! Gago ka ah!" Galit niyang sabi pero di ko na lang siya pinansin at muli ko na naman siyang hinalikan at ngingiti ngiti pa ako matapos ko itong gawin sa kanya.
Habang siya naman ay nagtataka at galit na galit sa akin. Pero wala pa rin tatalo sa nararamdaman kong kasiyahan ngayon.
"Baliw kang gago ka!" Sigaw na sabi niyang muli sa akin.
"Milyonaryo na ako!!! Na-nanalo ako sa lotto!" Nagtataka man siya ay mabilis kong kinuha ang dyaryo at ang kopya ko upang ipakita sa kanya.
"T-tingnan mo... Lumabas lahat ang numerong tinayaan ko noong isang araw! Nanalo ako. Magiging mayaman na ako!!! Wooohhh!" Masaya at excited kong sabi sa kanya at dahil doon ay hinila ko siya at niyakap.
Pinupog ko rin siya ng mga maliliit na halik sa kanyang mukha.
"Mwah... Mwah... Mwahh! Ang swerte ko! Mwahh...mwahh...mwahhh... Ikaw ang nagdala ng swerte sa buhay ko!"
Masayang sabi ko pa sa kanya.
Tinitigan ko naman siya pero heto siya at di gumagalaw. Tulala!
Napatigil naman ako sa aking ginagawang paghalik halik sa kanya ng malaman ko kung ano nga ba ang pinaggagawa ko. Nahiya man ako pero wala pa rin siyang kibo ngayon.
"H-hoyyy! B-b-bakit natulala ka na ata diyan. Huuuuyyy!!" Sabi ko sa kanya at tinatapik tapik ko pa ang pisngi niya para magising sa pagkatulala niya ng...
Isang malakas na batok muli ang natanggap ko sa kanya at dahil sa sobrang lakas ay muntikan na akong mapasubsob sa kama.
"Tarantado ka! Wag ka ngang umasta na para tayong mag-asawa! Kung makahalik parang di mo nakakalimutan na pareho tayong mga lalake! Gago!"
"Eh masaya lang naman ako!! Magiging milyonaryo na ako!" Masayang sabi ko pa sa kanya.
Tiningnan niya naman muli ang dyaryo at ang kopya ko at ilang segundo niya rin itong tinitingnan ng magsalita din siya.
"T-t-totoo nga! Pare milyonaro ka na!!!" Sigaw niya rin ng makopirmang nanalo nga ako sa Lotto.
Napayakap na rin siya sa akin at dahil sa kasiyahan ay nayakap ko na rin siya pabalik at pareho kaming parang mga anak namin na nagsisigaw sigaw dahil sa pagkapanalo namin.
Tumigil lamang kami ng dumaing siya muli dahil sa sakit.
"Pasensya ka na pare."
"Ayos lang... Masaya ako para sayo at matutupad mo na ang lahat ng gugustuhin mo." Sabi niya sa akin ngunit parang may lungkot ng sinabi niya ito.
Magsasalita pa sana ako ng may bigla namang may malalakas na katok sa labas ng aming bahay.
"Emilio! Anong nangyayari diyan anak! Wag kang gagawa ng pagsisihan mo anak! Babae lang yon at makakahanap ka pa ng iba. Buksan mo nga ito! Ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw yon ni Aling Josie.
"Sandali lang ha magpahinga ka na muna diyan." Paalam ko naman kay pareng Lukas bago ako lumabas.
Mabilis ko naman na binuksan ang pintuan at tumambad sa akin si Aling Josie na humahangos pa at tila nag-aalala.
"Ano ka bang bata ka! Wag na wag mong sisirain ang buhay mo dahil sa haliparot na Lorna na yon! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo? May sugat ka ba?" Mabilis niyang sabi at tiningnan pa ang buo kong katawan.
Natatawa man ako kay Aling Josie sa kanya ngayon pero masaya ako at nagpapasalamat na nandito siya at ang pamilya niya ng maulila ako. Sa piling nila ay di ko naramdaman na nawalan ako ng mga magulang.
"Nay Josie ayos lang po ako! Wala lang po yung narinig nyo na pagsigaw sigaw!... N-nanonood lang po kasi ako ng basketball at natatalo na po yung kuponan na gusto kong manalo kaya... Kaya yun po ang narinig niyo." Palusot na sabi ko naman sa kanya. Ayoko na muna na ipagsabi na sa kahit na sino na nanalo ako ng Lotto. Gusto ko silang sorpresahin kapag hawak ko na ang napanalunan ko.
"Ikaw talagang bata ka!" Isang kutos naman ang natanggap ko dahil dito.
"Pinag-alala mo ako. Akala ko ay ano ng pinaggagawa mo dahil iniwan ka na ng asawa mo!"
"Nay ayos na po ako! Atsaka wag niyo na pong babanggitin ang pangalan ng babaeng yon."
"Oo na! Mukhang totoo naman ang sinasabi mo at mukhang ayos ka naman."
"Opo ayos na ayos ako! Salamat po sa pag-alala ninyo Nay Josie!"
"Sige na ikaw talagang bata ka! Naglalaba pa naman ako ng marinig kong nagsisi-sigaw ka pero may narinig pa akong isang boses? May kasama ka ba sa bahay mo ngayon?!"
"Ah opo nalasing po kasi si pareng Lukas kaya dito ko na rin po siya pinatulog. Atsaka siya po yung kasama ko na nanonood ng basketball kanina. Pasensya na po sa ingay namin at nagambala pa namin ang paglalaba niyo." Sabi ko naman ng may pakamot kamot pa sa ulo ko.
"Ah ganun ba? Sige na at itutuloy ko na ang paglalaba ko. Hinaan niyo nalang ang pasigaw sigaw niyo at mauuna na ako. Mag-ingat ka ha."
"Opo nay kayo rin po..."
Umalis na rin si Nay Josie at nakahinga na rin ako ng maluwag pero pagkatapos non ay sumilay muli ang ngiti sa akong labi ng maalala ko na nanalo nga ako sa Lotto.
Napasigaw pa ako ng walang tunog at nagtatalon pa ako bago ako muling pumasok sa kwarto ko.
Nakita ko namang nakatagilid si pareng Lukas sa kama.
Ang swerte ko talaga! Makakaahon na rin ako sa hirap at maibibigay ko na rin ang pangangailangan ng aking anak. Makakapagpagawa na rin ako ng bahay na gusto at makakain ko na rin ang lahat ng mga gusto ko.
Ilang araw pa lamang ang nakakalipas pero ang dami ng nangyari sa buhay ko simula nang iniwan ako ni Lorna. Di ko lubusang maisip na baka siya nga ang malas sa buhay ko at ito namang pagdating ni pareng Lukas...
ay parang...
ay parang siya pa ang nagdala ng swerte sa akin.
Baka nga tama ang mga anak namin. Baka kaya naming bumuo ng isang masayang pamilya kahit kami kami lang. Tanggap naman nila kaming parehong ama nila at botong boto pa sila sa inaakala nilang relasyon namin.
Di pa naman ako umibig sa kapwa ko pero sa sandaling nakasama ko si pareng Lukas ay masaya ang pakiramdam ko. Mula sa mainit na gabi na aming pinagsaluhan at sa masayang agahan kanina. Isa pa ito na nanalo ako sa Lotto.
Aaminin kong parang may kung anong mga bagay na nagsisimula ng gumalaw sa loob ng tiyan ko. Parang may kung anong gumalaw galaw dito simula ng may nangyari sa amin ni Lukas.
Natapos naman ang pag-iisip ko ng magsalita ang taong aking iniisip mula sa kanyang higaan.
"Si Aling Josie ba iyon? Sinabi mo ba sa kanya na nanalo ka na?".
"A-ah oo si Nay Josie nga. At hindi h-hindi ko pa sinabi sa kanya. Tsaka ko nalang sasabihin kapag hawak ko na ang perang napanalunan ko."
Umupo na muna ako sa tabi niya at maging siya ay umupo at sumandal sa pader.
"Ah ganun ba? Ano ng balak mo ngayon?" Tanong niya naman sa akin.
Tama nga siya, ano na nga ba ang plano ko ngayon?
"Siguro ay kapag nakuha ko na ang pera ay tsaka ko na iisipin yon."
"Magkano ba ang halaga na napanalunan mo?"
"Teka, di ko rin alam eh... Titingnan ko muna." Kinuha ko na ang dyaryo at binuksan ito.
Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko kung gaano kalaki ito.
300 million!!!!!
"Ano magkano ba pare?" Tanong muli niya.
Iniangat ko naman ang ulo ko at imbis na sabihin sa kanya kung magkano eh ibinigay ko nalang sa kanya ang dyaryo at itinuro kung magkano ito.
"T*ng ina! Ang laking halaga nito pare! Milyonaryo ka na talaga."
"Oo nga di pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin... sa atin.."
"Parang nung isang araw lang ay iniwan tayo at ipinagpalit ng ating mga asawa tapos iiyak iyak pa tayo. Nagpakalasing tapos... tapos alam mo na... Nagkantutan... Nabisto ng mga anak at napagkamalan pa na may relasyon tayo hahahah. Tapos ngayon heto nanalo ako sa Lotto. Sa sobrang dami ng nangyari ay di ko na alam kung totoo ba ang lahat ng ito." Mahabang sabi ko sa kanya.
"Tama ka nga... Napakarami talagang sorpresa ng buhay... Mabuti ka pa at maganda ang naging kapalaran mo..." Malungkot na sabi niya naman sa akin.
Alam kong nalulungkot siya dahil kahit papano na may nangyaring di maganda sa amin... Sa akin naman ay pumabor ang tadhana at magiging mayaman na ako.
Nalulungkot din ako para sa kanya. Hindi katulad kanina na ang mukha niya ay kahit galit sa akin pero walang bakas ng kalungkutan sa kanyang mukha.
Di ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siyang yakapin at protektahan. Gusto kong maging masaya siya... kami.
Kaya bumuo ako ng desisyon...
"Pare...
sumama ka na sa akin... at pumayag na bumuo ng masayang pamilya kasama ako."
*****