Prologue
Paulit-ulit na ume-echo sa isip ni Kit, paano niya nasaktan ang asawa niya. Hindi niya naisip ang sitwasyon nito nang mawalan ito ng pamilya at nawala pa siya sa piling nito.
Iniwan niya ito sa panahong kailangan siya ng asawa niya.
Naalala niya noong panahong—taong 2040, panahong hindi pa pwede ang kanilang relasyon.
Nabalita sa TV namatay sa sakit ang sikat na si Elle Villa makalipas ng ilang linggo sumunod naman namatay ang asawa nito na si Ash Chen Swellden at ang isa pang kamag-anak nila.
"Bulssanghan Ashley, hon. Honja namge doego hyeongjejamado eopda." wika ng ina ni Kit magkasama silang tatlo para makiramay sa pamilyang Swellden.
(Poor Ashley, hon. She ended up all alone and didn't even have a sibling.)
Mula sa malayo nakatingin si Kit kay Ashley may mga kasama itong hindi kilala ng kanyang magulang.
Hindi niya alam kung awa ba ang nararamdaman niya—o may ibang bagay na mas mabigat pa doon.
"Aesulli jigeum myeot saliya, hon? Neo ara?" tanong ng ama ni Kit sa asawa niya.
(How old is Ashley now, hon? Do you know?)
"Jogeum myeot salinjineun moreujiman, geu hakgyoe ganeun haksaengdeul ttaemune junieo haihakseu saengin geot gata. Geurigo BSUeseo gongbuhago isseo—neowa Ashleydo gateun hakgyoe danyeo. Kit, geugoseo geureul bwa?" tawag pansin ng ina ni Kit sa kanya.
(I don't know how old she is, but it seems like she is already in junior high because of the students who go there. Also, she studies at BSU—you and Ashley actually go to the same school, Kit, do you see her there?)
"Madalas lang kung parehas ang schedule namin o may event, eomma dun ko lang siya nakikita." sambit ni Kit sa kanyang ina lumapit na sila at maraming nakikiramay sa kanila.
Pero kahit ilang beses niya itong nakita noon... parang ngayon lang siya nahirapang alisin ang tingin.
(Mommy)
Nakakarinig ang pamilya ni Kit ng ibang languages sa mga taong nilalampasan nila nagsasalita ng ibang language katulad nila. May nakilala ang magulang ni Kit sa mansyon ng pamilyang Swellden.
"Doon ka muna, Kit may kakilala ka naman na schoolmate dito." sambit ng ama ni Kit sa kanyang anak.
Sanay si Kit sa ganitong kalagayan sa tuwing nagpupunta sila ng kanilang pamilya sa isang gatherings.
Nakaupo si Kit sa may hagdanan na bato doon ayaw niya makihalubilo sa mga schoolmate niya at may mga nag-uusap sa tabi niya na hindi naiintindihan dahil ibang languages.
Tahimik ang paligid, pero sa loob niya—hindi mapakali ang isip niya.
"Kit, kilala mo pala ang pamilya ni Ashley?" sambit ng schoolmate ni Kit na kilala niya.
Hindi kailangan ni Kit sabihin sa schoolmate niya kung paano niya nakilala ang pamilya ni Ashley. Dahil halata naman kung paano niya nakilala ang pamilya ni Ashley nakita nila ito na tahimik at kausap ang hindi nila kilalang tao.
"Marunong pala magsalita ng ibang language si Ashley akala ko english at tagalog lang hindi kasi siya nagsasalita ng mandarin sa school natin."
"Yeah, fluent pa kamo—wait—artista 'yon oh—ops..." wika ng katabi ni Kit na schoolmate niya may tinuro dalawang tao na papasok sa loob ng mansyon nang pamilya ni Ashley.
Sinaway ng katabi ni Kit ang isa pa niyang schoolmate dahil medyo napalakas ang boses nito. Nasa burol sila ngayon kaya maraming tao dahil mayayaman ang nakikiramay at maraming sikat na celebrity ang nagpupunta sa mansyon.
"RR Eun, k-pop idol ng Korea at si Axelle?" sambit ng schoolmate ni Kit.
"Ang alam ko, tita ni Ashley si Axelle as in Auntie niya dahil mommy niya kapatid ni Axelle means may dugong artistahin pala si Ashley kaya iba ang dating niya sa atin at sa school." sambit ng schoolmate ni Kit nakatingin lang siya kay Ashley.
Hindi lang "iba ang dating"—may kung anong hindi nila maabot kahit nasa harap lang nila siya.
Hindi mapaliwanag ni Kit ang nararamdaman niya kung paghanga o pag-ibig na ito para kay Ashley. Malayo ang pagitan ng edad nina Kit at Ashley kaya hirap aminin ni Kit sa kanyang sarili na may gusto siya kay Ashley.
At mas lalong hindi niya dapat maramdaman 'yon—lalo na sa ganitong pagkakataon.
"Ang ganda ni Axelle kamukha niya ang ate Elle niya nakapanghihinayang na maagang namatay ang kapatid niya." nasambit ng schoolmate ni Kit.
"Yeah, 32 years old pa lang namatay na kaagad dahil sa sakit daw hindi na sinabi sa media kung anong sakit at ang asawa niya wala daw sakit pero msgkasunod na namatay ang magkapatid na Swellden." wika naman ng schoolmate ni Kit.
Nakamasid lang siya sa bawat galaw ni Ashley. May lumapit na matangkad na lalaki at parang binigyan ng galang ang pagbati nito nasa tabi ang tito ni Ashley na si Kech at katabi rin ang isa pang tito nito na si Kennie.
"Sino sila? Ang gwapo! Parang mga chinese actors sa China at may mga kausap na matatanda binigyan sila ng galang." wika ng schoolmate ni Kit.
Iniwan ni Kit ang mga schoolmate tinawag pa siya at lumapit sa pinag-uusapan ng mga schoolmate niya. Yumuko si Kit sa nilapitang dalawang tao at sa mga kausap nito at bumaling ang tingin niya kay Ashley na mugto ang mata.
"Condolence sa'yo, miss Swellden at sa inyong pamilya." sambit ni Kit tumitig si Ashley sa kanya at tumango nagpaalam ito sa kanila.
Sandali lang ang tingin na iyon—pero sapat para magulo ang lahat sa isip ni Kit.
Nagsabi rin si Kit nang condolence kay Kech na halos ka-edad lang niya.
"Kuya, condolence po." sambit ni Kit natawa nang mahina pero seryoso ang mukha ni Kech.
"Hindi pa ako sobrang tanda para i-po mo, Yeo ilang taon lang ang agwat natin." wika ni Kech at ngumiti ito nang mapakla lasing na ito pero kaya pa makipag-usap sa mga bisita.
Umalis na ang mga taong unang kinausap ng mag-bayaw nang mapansin hindi na sila kinakausap.
"Kasama mo ang magulang mo, hijo?" wika ni Kennie kay Kit tinuro na lang niya ang kanyang magulang.
"Matanda ka na kasi, Kech." sabat ng isang babae na iba ang aura hindi nakakatakot pero hindi malaman ni Kit nakaramdam siya ng kaba sa dibdib niya.
"Princess," sambit nina Kech at Kennie kahit mas matanda ito sa babaeng dumating may kasama itong dalawang babae.
Sinabi ng babaeng bagong dating na hindi makakapunta ang ama nito na si king Jeree dahil sa katandaan kahit gustuhin nito lalo malapit ito sa namatay na kamag-anak. Nagpaalam si Kit sa kausap at tumalikod kaagad siya lumapit siya sa ataul ng magulang ni Ashley.
"Sana bigyan nyo ako ng sign kung pwede ko ba siyang mahalin kapag nasa tamang edad na siya kung hindi man siya para sa akin bigyan nyo rin ako ng sign, tito Ash at tita Elle hindi ko mapaliwanag sa ngayon ang nararamdaman ko sa anak nyo." bulong ni Kit sa ataul at tumalikod na siya nakita niyang nakatingin sa kanya ang magulang niya.
At kahit walang sumagot—parang alam niyang hindi magiging madali ang lahat.
Lumapit si Kit sa kanyang magulang bago tumalikod para umuwi sa kanilang bahay. Plano niya na mag-aral sa Korea kapag nakapasa siya exams—kailangan niya mag-take ng CSAT exams hindi pa siya filipino citizen kaya pabalik-balik sila sa Korea.
"Dito na lang ako for good, eomma." sambit ni Kit hindi dahil kay Ashley napamahal sa kanya ang Pilipinas marami na rin siyang kaibigan kahit kakaunti sila.
(Mommy)
Pero sa kaibuturan niya, may isang dahilan na hindi niya masabi.
"Aalisin mo ang pagiging korean citizen mo, Kit kung sakali mag-for good ka." wika ng ama ni Kit may negosyo sila sa Pilipinas pero ang visa nila—9G Work Visa.
"Pag-iisipan ko pa ito napamahal na ako sa Pilipinas, appa." wika ni Kit sa kanyang ama.
(Daddy)
At sa unang pagkakataon, hindi niya sigurado kung saan talaga siya nabibilang.
Every 1-3 years nag-rerenew ng visa ang magulang ni Kit para sa kanilang business dito sa Pilipinas. Pumupunta sila sa Bureau of Immigration para sa renewal ng visa.
Fluent na magsalita ng tagalog ang magulang ni Kit at pati siya hindi dahil required kundi gusto nila makihalubilo sa filipino.
Nalaman na lang ni Kit sa magulang niya na umalis na si Ashley kasama ang mga kamag-anak nito papunta sa ibang bansa.
Hindi man lang siya nakapagpaalam.
Hindi man lang siya muling nakita.
Nag-desisyon si Kit na mag-aral ng college sa Korea, bumalik sila ng magulang niya doon makalipas ng ilang buwan.
May mga taong dumarating sa buhay natin nang hindi pa tamang oras—at nawawala bago pa dumating ang panahong pwede na silang mahalin.
At si Ashley... isa na roon.
At noong sumusuko na siya sa lahat ng pinagdadaanan nilang pagsubok sa buhay.
"Hindi ko na kaya, Ash, mahal kita pero hindi ko kayang unti-unti kang mawawala sa amin..." wika ni Kit gusto niya makasama sa huli ang asawa niya pero natatakot siyang hindi ito mangyayari dahil sa sakit nito.
"Go, Kit...iwan mo ako humanap ka ng babaeng makakasama mo habangbuhay..." nahihirapang sambit ni Ashley kapapanganak lang nito sa kanilang bunsong anak.
"Kuya Kit?" boses ng taong hindi niya inaasahang makikita si Aisha.
Nasa puntod silang lahat kasama ang pamilyang Li, Swellden at Villa.
"Hm?" sambit ni Kit sa cousin in law niya ang dating batang isip ngayon ay—matured na.
"Tuparin mo ang hiling ni Beiche, kuya Kit..." sabat ni Ash at Emman sa kanya huminga na lang siya pagkatapos.
"I can't handle it..." amin ni Kit sa mga pinsan ng asawa niya.
"Let her come visit you," sambit ni Ophelia, ang tita ng asawa ni Kit.
"Even if she comes to see me, I won't do it—because she is the only woman I will love until my last breath." diretsahang sambit ni Kit nakaluhod ang dalawang anak nila habang binaba ang kabaong ng asawa niya.