Day 12.5 Sa dami ng pagkakataon kung pinilit ang sarili kong kalimutan siya kahit saglit ay parang hindi man lang ako nagtagumpay. Ilang beses ko na ring sinabi na hinding-hindi niya naman ako magugustohan pero sadya yatang tanga ako kaya bumabalik pa rin ako sa sa dati. Dahil isang ngiti niya palang sa akin ay mabilis ng natataranta ang puso ko. Habang pinapanood ko siyang kumain ay hindi ko nalang mapigilang mapangiti. Hahayaan ko nalang yata ang puso ko sa mga bagay na gusto niyang gawin. Wala rin naman akong magagawa dahil hindi ko rin siya matanggihan. Lalo na kapag nakikita ko siyang nahihirapan o kailangan ng tulong ay hindi ko matiis na talikoran siya gustohin ko man. “Tsk! Hindi ka ba pinapakain sa inyo? Para kang patay-gutom,” asik ko sa kanya. She smiled. “I n

