DAY 12

2623 Words

Day 12 TIARA BLESS BAGUIO, HINDI ko mapigilang mapangiti habang nakasakay kami sa van. Isa ito sa lugar na gustong-gusto kung puntahan. Ang mga strawberry, Panagbenga at iba pang magagandang tanawin sa Baguio. Doon ang punta namin ngayon matapos naming manggaling sa Palawan. Hindi natuloy ang plano na pupunta kami ng Cebu pagkatapos dahil mas gusto ni Ate Dia na sa Manila daw muna kami. Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng isang burger ang humarang sa mata ko. Nang lingunin koi to ay galing kay Camino ito pero abala siya sa pagseselpon. Kinuha ko nalang ito kasi alam kong magagalit na naman siya kapag hindi ko ito tinanggap at kinain. Tahimik ko nalang itong kinain dahil hindi pa kami nag-aalmusal at kailangan na naming bumayahe papuntang Baguio dahil baka abutan kami ng trapik paluwas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD