Day 07.5 Maraming beses kong inisip noon kung anong gagawin ko kapag nagkaharap kami. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari nga ito. Sa di ko inaasahang araw muli siyang bumalik sa akin. At magiging parte siya ng pang araw-araw ko. Noon ay lagi ko siyang kasama. Ako ang nagsisilbing panangga niya sa lahat. Sa lahat ng tao o batang umaapi sa kanya ay ako ang nagsisilbing matibay na pader na laging pumoprotekata sa kanya. Ganoon ako hanggang sa nakasanayan nalang naming dalawa. Kaya ngayong nakikita ko siyang ganito kahina sa mismong mga kamay ko ay parang niyanig ang buong mundo ko. “Cris, bilisan mo! f**k!” “Relax, Ino. Malapit na tayo,” saad niya na siyang nagmamaneho ng kotse niya. Halos paliparin na ni Cri sang kotse para lang mabilis na makarating

