Day 07 CAMINO SA ILANG beses kung sinubokang suyoin si Tia I never reach this close to her. Pero habang pinapanood ang bawat reaksyon niya ay mas lalo akong nahihiwagaan sa ibang bagay na tinatago niya pa. Mga bagay na hindi lang basta naabot o nakikita ng mata. Dahil sa kung paano siya tumawa at umiyak ngayon sa harap ko ay merong kung anong saya at nangingibabaw na lungkot. Kaya kahit gusto ko man siyang iwasan ay hindi ko rin magawa. Marami pa sanang activities na pwede kaming gawin kaso maulan na kaya maaga rin kaming umalis dahil delikado at madulas na ang mga daan. Nilingon ko si Cath at Tia na walang tigil sa pagkukuwentohan simula pa yata kagabi ay hindi na silang dalawa naubosan ng pag-uusapang dalawa. “Nananaginip ka na naman?” siko sa akin ni Olan. “Baka

