Continuation... Kibit balikat kong sinulyapan yung screen ng phone ko bago yon pabagsak na binaba sa kama. Pinakatitigan ko yung kisame and s**t, bigla nalang lumitaw yung mukha nya sa isip ko. I can't help but to smile. "I can't wait to see you again." TOMORROW morning came. Masaya akong umalis ng bahay at nagtungo sa resort kung saan gaganapin yung photoshoot ko para sa summer calendar. I'm excited to see her again, kaya naman nagpasya akong maghintay sa labas ng resort but my excitement faded when I saw her went out of a luxury car. Pinagbuksan sya ng pinto noong lalakeng kalalabas lang sa driver's seat, they talked a little before the guy hugged her waist and leaned on her face where he planted a kiss on my wife's lips. Kuyom ang mga kamao kong tumalikod at nagsimulang maglakad pa

