(Third Person's POV) WALANG kibong nakatingin si Eren sa kalsada habang seryosong nagmamaneho. Dumadako lang sa ibang direksyon yung mga mata nya kapag liliko o di naman kaya'y kapag lilingon sa sidemirror, minsan ay tumitingin din sa rearview mirror pero mabilis ding nag-iiwas ng tingin. Bukod doon ay tikom ang mga labi nya habang yung katabi naman nya eh panay ang daldal. Hindi na natahimik pagkasakay na pagkasakay palang nila sa sasakyan. Halos lahat na ng mapansin neto sa loob ay ginagawa nyang topic. "New seat covers?" Anya ni JR habang dinadama ng palad yung seat cover ng kinauupuan. "Yes." Tipid netong sagot sa kanya. Tumango-tango sya, "Angas, anong kulay toh?" "That's rose gold." "Rose gold, nice taste." "Thanks." Nang mapansin nyang matipid yung halos lahat ng sagot ni E

