Chapter 28 (Third Person's POV) WALANG tigil sa kadadaldal si Eren habang panay binebaby ang kuting na bitbit. Panay ang kausap nya sa kuting na akala mo nakakaintindi ito, yung busangot tuloy na mukha ni tatang eh mas lalo lang nalukot. Hindi naman naiinis si tatang kay Eren, doon sya naiinis sa kuting. Sa tuwing lilingon kasi yung kuting sa kanya ay para bang nang-aasar itong ngumingiyaw, napipika na sya, naaalala nya yung ginawa netong pag-ihi sa unan nya kagabi. Nanggigigil sya pero kuting naman ng anak yon kaya wala syang magawa. Manang-mana yung kuting sa taong nagbigay. Bumuga sya ng hangin bago ipinarada ang sasakyan sa mismong tapat ng tinutuluyan ni Eren. "Eren, tama na yan, bumaba ka na't nandito na tayo." Awang ang labing sumilip si Eren sa bintana tsaka nakangiting nil

