Chapter 29 (Eren's POV) "Oh jusko, sana wala po akong nagawang kahit na anong kalokohan kagabi. Mainit ang dugo ni JR kapag may regla sya, wag nya sana akong balibagin." Naka-sampung paulit-ulit na yata ako ng dasal matapos kong sungkitin yung damit kong nakasabit sa chandelier sa sala. Panay din ang sign of the cross ko habang paakyat papunta sa kwarto namin. Nakita ko kasi kung gaano kakalat at kadumi yung sala pagpasok namin kanina. Kinilabutan ako dahil may mga pagkain na nasa sahig at basa din ng beer yung carpet, ang dumi-dumi ng table at gumugulong pa sa sahig yung mga bote. Grabe, ni hindi ko maimagine kung ano yung ginawa naming gulo kagabi. Ganon ba kami kalasing at wala kaming maalala ni isa sa mga kalokohang nagawa namin? Hindi na talaga ako magtataka kung magagalit si JR

