Balot na balot ng takot ang puso niya, sa bawat minutong lumilipas ay paliit ng paliit ang pag asa niya na makakaligtas silang tatlo. Mukhang marami ang mga taong dumukot sa kanila, panay ang tawanan ng mga ito na tila ba walang pinatay ang mga ito. Napaluha na naman siya nang sumagi sa isip niya si Wennie, napakabata pa nito at ang baby nito. Sobrang di makatao ang ginawa ng mga dumukot sa kanila sa kaibigan niya. Alam niyang baka di na makita pa ng pamilya ni Wennie maging ang bangkay nito. Paano kung may mga mababangis palang hayop sa lugar na pinagtapunan kay Wennie? Maaring kainin ang patay na katawan nito. Muling umalog ang van na kanilang sinasakyan. Pero iba na ang tunog ngayon hindi na aspalto at lalong hindi na sementado. Mabato at malubak ang dinadaanan ng sasakyan na napapaha

