May malamig na hangin at kirot sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang unang bumungad sa kanya nang magising siya. Masakit ang batok niya. Masakit ang ulo niya. At parang may dumadagundong sa dibdib niya sa sobrang kaba. Lalo na nang maalala ang huling mga pangyayari bago siya nawalan ng ulirat. Ang mga taong dumukot sa kanila ni Wennie at ang pananakit ng mga ito sa kanila. Naramdaman niya pa ang sampal sa kanya kahit na hinang hina na siya kanina. Dahan-dahan siyang nagmulat. Madilim, mabaho na di niya maintindihan ang amoy sa loob ng sasakyan. Amoy alak at sigarilyo na di niya kayang tagalan pero wala naman siyang choice, masyado ding maalog ang sasakyan. Gusto man niyang hawakan ang kanyang tiyan upang protektahan ay wala naman siyang kakayahan dahil nakagapos ang kanyang mga

