Tahimik nilang binabagtas ang daan paalis sa condo unit ni Yael kahit papaano ay naibsan ang kaba niya pag naiisip niyang kasama naman niya ang lalaki sa loob. Alam niyang di siya nito pababayaan. "Babe, mauuna kayo ni Wennie sa hotel, may dadaanan lang ako." Basag ni Yael sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa. "Ano? Ayoko nga, isama mo nalang ako sa pupuntahan mo, ayoko ngang pumunta ng mag isa dun." Sabi niya dito. "May importante lang kami munang pag uusapan ni Dos at ng iba pa naming kasosyo, mas makakapag pahinga kayo kung uuna na kayo sa hotel. Kasama mo naman si Wennie." Sabi pa nito. Gusto niyang ipilit ang kanyang gusto pero kalaunan ay napag isip isip niya na okay na din na mauna sila sa hotel para makapagpahinga saglit bago sila sumabak sa party ng mga de kalibre na

