Nang makitang paparating na ay kaagad na siyang pumunta sa gitna ng kalsada, alam niyang delikado pero iyon ang tanging paraan niya para mapilitang huminto ang driver, sana lang ay di tulog ang driver. Medyo blind spot pa naman ang pinanggalingan ng sasakyan. "Para po, tulongan nyo po ako!" Sabi niya nang huminto ang sasakyan, medyo mabagal ang takbo niyon at mukhang nakita na siya agad. "Ano pong nangyari?" Tanong ng driver na mukhang bata pa. Nakita niyang may mga kasama ang lalaki. Di niya lang masilip maigi, nagpalingon lingon siya sa paligid at baka may makakita sa kanya. "Tulongan niyo ako please, nadukot ako at dito ako dinala nakatakas lang ako." Sabi niya. Alam niyang may mga pasa at bukol siya sa ulo. Kaya alam niyang maniniwala ang mga ito. "O sige sakay na, doon ka sa p

