Naging normal na ang lahat sa kanila lalo na after na mahuli ang pamilya ni Wennie na siya palang mastermind sa pagkakadukot sa kanila. Napatay pa si Wennie mismo sa kagagawan ng sarili nitong pamilya. Sinabi din sa kanya ni Yael na maayos na din ang kalagayan nila Lira at Dria. Ilang linggo nalang at matatapos na ang six months ng kanilang relasyon. Alam niyang maaring mag end nalang bigla ang lahat ng kung anumang meron sila ngayon. Alam niyang wala ng makakapagpabago pa sa pasya ni Yael once na mag decide ito na alisin sila ng tuloyan sa buhay nito. "Sama ka?" Bungad nito sa kanya, mukhang kagagaling lang nito sa opisina. Siya kasi nasa bahay lang dahil ayaw naman nitong magtrabaho pa siya. Para daw matutukan niya ang kanyang sarili. Di na naman niya kinakailangan na mamroblema sa pa

