Lynne’s POV BUONG GABI akong hindi nakatulog. Sobrang saya ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinayagan ni Tsang Berta. Tulog manok ako. Pabaling-baling sa kama. Gising na gising ang diwa ko. Hindi naman pala siya totoong salbahe. May kabutihan naman pala sa puso niya. Maaga akong gumising kinabukasan kahit wala pa akong masyadong tulog. Parang nag kulay rainbow ang paligid ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Balewala lahat ng sakit na naranasan ko. Napatingin ako sa pintuan nina Tsang Berta, lumabas siya doon pero hindi pa bihis. “Maganda umaga, Tsang…” Nakangiti kong bati. “H’wag mo sirain ang araw ko Marialynne!” bulyaw niya sa akin. Nawala ang ngiti sa labi ko. Akala ko pa naman kahit paano nagbago na siya. Nagkamali pala ako. “Hindi k

