Lynne’s POV “Tao po! Tao po!” Malakas na tawag sa labas. Hininaan ko ang apoy ng sinaing ko baka masunog na naman. Ganoon rin ang gulay na niluluto ko, pinakbet para sa aming hapunan. Wala pa ang mga Tsong Cosme at Tsang Berta. Napapadalas na rin ang uwi ng Tsong na lasing na lasing. Halos hindi na maka agapay man lang. “Sandali! Andiyan na!” Malakas kong sagot. Dali-dali akong nag punas ng basa kong kamay sa maliit na towel na nakasabit sa ref. Pagkalabas ko may mamang nakatayo sa labas ng bahay namin may dala siyang Napakalaking box. Alangan akong lumapit sa kanya. “Ano ho iyon?” Tanong ko dito. “Hinahanap ko po si Marialynne Torres, dito po ba siya nakatira?” Tanong niya. “Opo, dito nga. Ako po iyon.” Sagot ko sa kanya. Kunot ang noo ko. Palaisipan sa ang box. Ang ganda ng pa

