Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan kung saan walang kibo na nagmamaneho si Natasha habang ang dilag na si Josephine nama’y maingat na tinitimbang ang paligid. Hindi rin sumabay sa kanila sina Matthew at Xynelle sapagkat sila ang magaasikaso sa mga papeles upang i-file ang retrial request para kay Nana Poleng. Iniwan sa kanila ng binatang abogado ang isang kopya ng mga video files na kinunan ng yumaong si Axel. Batid niya sa tingin pa lamang ng kasintahan kanina na para kay Natasha ang laman ng flashdrive na mahigpit niyang kinukuyom sa kanyang mga palad ngayon. “You should watch this, ” mahinang bulalas niya at inabot ito sa dalaga nang tumigil ang sasakyan sa harapan ng opisina ng ahensya. “Kung may kailangan ka, nasa office lang ako. Call me.” Akma na sana siyang pipihit

