Ang malamig na pagbuhos ng tubig sa kanyang mukha ang nagpabalik sa ulirat ng dalagang si Josephine. Sinalubong ng matinding sakit ng ulo ang pagmulat ng talukap ng kanyang mga mata. Nang tuluyang mabawi ang kanyang diwa, unti-unting nabuo ang imahe ng naka-ngising si Lyonel sa harapan niya. Kasabay ng pagbabalik-tanaw sa mga naganap bago siya mawalan ng malay, naghatid ng dismaya sa kamalayan ng dilag ang katotohanan na kinakailangan niyang harapin ngayon. Nakatali siya sa isang kahoy na upuan sa gitna ng isang abandonadong gusali. Kahit anong linga niya sa labas ay wala siyang maaninag na liwanag kaya’t hindi na siya nagtangka pa na kalasin ang lubid na mahigpit na nakagapos sa kanyang mga kamay. “Ikaw na naman?” inis na bulalas niya at buong mithing pinigil ang sarili na ipakita ang k

