“Ah, you really should come and work with me.” Nakangusong bulalas ni Riley habang maingat na hinahawi ang buhok ng dilag sa balikat. Humugot ito nang malalim na hininga matapos idampi ang dulo ng brush sa kanyang pisngi, saka umiling-iling na tila hindi makapaniwala at manghang-mangha sa nakikita ng mga mata. “Girl. Sayang ang ganda mo kung kakanta ka lang sa maliit na stage. With a face and body like this, you can conquer and walk the ramp effortlessly.” “Wala talaga akong experience sa modelling, eh. Sorry, but thank you for the offer.” nahihiyang saad ni Josephine at pilit na ngumiti habang nakasapo ang kamay sa kanyang batok. “Yes, Riley. Don’t push it.” sabad naman ni Natasha na naka-upo sa harap ng kabilang vanity mirror. Katulad niya, napapaligiran rin ito ng ibang tauhan ng t

