“Josephine, are you listening?” ang matinis na boses ni Pepita ang nagpabalik sa kamalayan ng dalagang si Jho sa gitna ng kanilang ensayo. Tiniklop nito ang magkabilang braso at kunot-noong sinuri ang kanyang tulirong mukha. “Bakit parang kanina ka pa wala sa focus? May nangyari ba sa'yo?” “A-ah, wala naman po. Baka napagod lang ako. Pasensya na po talaga.“ mabilis niyang tanggi at nagbuntong-hininga. Kinuha niya ang bote ng tubig sa side table saka lumagok mula rito. “Let’s just start again. I'll try to focus this time.” “No, let’s take a ten minute break muna. Baka kailangan mo lang magpahangin, hija.” Marahan na tinapik nito ang kanyang balikat. “I know the recital is tomorrow, but take it easy on yourself. You and Natasha are already doing good. Huwag kang mag-alala masyado sa mga

