“Natasha, add tension to your hand when you play this part.” wika ni Pepita habang nakaturo sa music sheet at hinihimig ang melodiya ng Queen of the Night na sulat ng tanyag na kompositor na si Mozart. “Your legato approach should sound heavier. Para hindi maging dry ang delivery at mag-complement sa boses ni Josephine. Mahalaga ang parte na ito. The instrument and the voice should appear as if they’re responding to each other. ” “Okay,” tumango-tango ang unica hija ni VP Morales at nagsimula muli na ipindot ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng piano. Sa pagkakataong ito’y ramdam na ang bigat sa bawat nota na tinutugtog nito. Nakipagpalitan ng tingin sa kanya si Jho. Tila tahimik na nagkakaintindihan ang kanilang mga mata sa nais iparating ng isa’t isa. Kasabay ng paglabas ng kanyang tin

