Chapter 1: Field Trip (1)
Hingal na hingal ako. Ang sakit ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman.
'Paano?'
"Pinakita mo**********sa*******yun ang dahilan bakit namin nalaman."
"Walang**********sakuna," sabi ng isang matandang lalake. Marami sila, tumingin lang ako sa kanila kasi hindi ako makagalaw.
*Clank!*
Napatingin ako sa likod ng mga matanda. Merong isang lalake. Pinipilit niyang sirain ang hadlang. Minamasdan ko ang mukha n'ya kahit na hindi ko gaanong makita. Nakita ko ang mga mata n'ya, may namuong luha sa mga mata n'ya.
"Good bye, Princess of the Demons. You will forever be sealed."
*TRIT! TRIT! TRIT!*
Gumising ako dahil sa ingay ng alarm clock.
"5 minutes lang please," sabay takip ng unan pero patuloy parin sa pag-iingay ang alarm clock.
"Argh! Ano bayan?!" sabay hinagis ang alarm clock.
*Tsuyoku nareru riyuu wo shitta*
Bigla kong minulat mga mata ko sabay tayo, "Boku wo tsurete susumeee!!!!!"
ginaya ko yung position ng nag guiguitara tsaka sabay head bang. [Music Instruments]
"Dorodarake no soumatou ni you
Kowabaru kokor...."
Nahinto tumawag saakin sabay may nag text. [Saito: Sinasabayan mo nanaman ba ringtone mo? Alam kong maganda ang boses mo pero aabot na yung bus.]
"EHHHHH?!!"
Field trip pala namin!!
Dali dali akong naligo at nagbihis, hindi na ako nag breakfast kasi dadating na yung bus. Kinuha ko ang phone ko tsaka ang bag ko na damit ang laman at kung ano-ano pang mga importanteng gamit like compass or etc. Dali-dali kong nilock ang bahay at tumakbo. Marathon na 'to, ang bilis kasing lakas ng motor.
Pagkadating ng pagkadating ko talagang nadapa ako dahil lang sa isang maliit na bato. Inangat ko ang ulo ko.
"Nakaabot ba ako?" tanong ko sa kanya. Wasak na wasak na ang mukha ko tapos ang g**o g**o na ng buhok ko.
Nakita kong ngumiti siya tsaka lumapit sa 'kin at inabot n'ya ang kamay n'ya at tinanggap ko naman.
"You're beautiful as always but you need to take care of yourself," sabi n'ya. Caring as always.
"Oi! sasakay ba kayong dalawa o sasali sa Talentadong Pinoy? Your choice," tumingin ako sa nagsalita at pumasok na sa loob ng bus, nakita ko namang sumunod si Saito. Umupo na ako at tumabi naman siya.
Ako nga pala si Mifuyu Yuki, also known as the most beautiful and the most sexy woman you know. I have a pure black hair and a pair of blue eyes. Mabait ako but I am wild in bed. r4wr. Kidding.
Si Saito Takahashi yung tumawag sa 'kin kanina at ang kasama ko palagi. Mabait, matalino, gwapo, matangkad, ano pa? Marunong mag luto. Basta nasa kanya na lahat. Brownish hair and a pair of light brown eyes.
Si Rika Kotobuki maganda rin, sexy, matangkad, at cheerful. Masayahin eh, kaya siya ang naging president namin. Pero parang feel ko nga mas bagay pa na si Saito ang president.
Pinagmasdan ko ang bintana, malinis pa maganda pa ang view sa labas.
Ito pala ang pwesto naming dalawa
Saito--Ako--Bintana
*Growl!*
Hindi pa pala ako kumain.
Nakabusangot tuloy ang mukha ko, kasalanan kasi ito ng alarm clock ko eh.
"Alam kong hindi kapa kumain. Kaya eto," sabay abot sa 'kin ng snacks. Masaya ko namang tinaggap.
"Waaaahh! Thank you!" The best talaga siya. Gwapo pa, caring pa. Pero ewan ko, ba't kaibigan lang turing ko sa kanya.
Kain lang ako ng kain sabay tingin sa labas.
"Dahan dahan lang baka mabulunan ka. Eto oh tubig," Saito, are you my secret guardian angel?
"Oii Saito, meron kapang pagkain dyan?" tanong ng isa naming kaklase na lalake. Tinignan naman siya ni Saito at nag abot ng pagkain.
"The best ka talaga pre!"
Kinuha ko earphones ko at sinaksak sa tenga ko.
[Now playing: How You Like That by BlackPink]
At ayun kain lang ako ng kain hanggang sa maubos, insert mo pa sa kukuti ang with feelings ko habang kumakain.
"Ha, how you like that?
You gon' like that, that that that, that, that that that, that," sabay sayaw sa kamay.
"Minsan talaga mapapaisip ako kung tama ba yung binigay saiyo na nickname," sabi ng kaklase kong humingi ng pagkain kanina.
Napabusangot uli mukha ko pero hindi ko nalang siya pinansin.
Teka, parang may nakalimotan ako? Panaginip ko? Ano kaya yun? Ah bahala na!
Malayo pa pala byahe namin. So pagkatapos kong kumain pinagmasdan ko muna ang view sa labas tsaka natulog.
***
Pagkagising ko palang nakita ko na ang view sa labas. ANG GUNDU *o*
May maliit na isla sa kabilang side!
Sigurado akong magiging maganda ang field trip namin. Kasi maiba nanaman ang field trip namin.
Mga ilang sandali nakarating narin kami.
Bumaba na ang mga kasama namin pati narin kaming dalawa (Ako at Saito).
"Ok po, bye," narinig ko si Rika.
"Okay everyone! Get ready to walk!" masayang sabi ni Rika saamin sabay baba ng phone nya.
"Pupunta tayo doon sa bandang bukid at doon natin makikita silang ma'am, araso?" sabi sa 'min ni Rika
"Sasakay ba tayo?" tanong nung maarte na babae. Walang iba kundi si Millie.
"Diba sabi ko lalakad?" sagot naman ni Rika. Nagsi-ingayan naman sila except sa 'min ni Saito at Rika. Kitang hindi makakapasok yung bus o kotse sa dadaanan namin.
"Kung may umangal pwede naman kayong umuwi," sabi ko sabay tingin sa pinanggalingan namin, naka alis narin yung bus, meaning lalakad parin yung umangal.
"Just consider this as an exercise everyone," sabi ng katabi ko, si Saito sabay hampas ng katabi niya na lalake pampa bigay ng energy.
Sa bandang huli wala ring naka-angal. Galing ko talaga. Naglalakad kami ngayon, mahirap pero makakaya lang.
Pagkadating namin, nakita kaagad namin mga teachers.
"I-ready n'yo na ang tent ninyo," sabi sa 'min ni Ma'am.
'Grabe naman to si ma'am, kakarating panga lang namin.'
Si Saito pala pinadala ko ng tent >:D
Oo, magkasama kami. Wag kayong dirty minded at tsaka isa pa feel safe ako kapag siya kasama ko.
Si Saito rin ang pina-ayos ko. Once mag salita ako walang makakapalag... I think.
Inayos ko na ang bag ko sa tent at nakita ko namang naka labas na si Saito, sumunod naman rin ako.
"Okay lang ba talaga na magsama tayo Miyu?" napalingon ako sa kanya. "Did you forgot that I am also a man?" nanlaki mga mata ko sa sinabi n'ya.
"You won't do something to me... right?" seryosong tanong ko sabay prinotektahan katawan ko gamit kamay ko.
Mga ilang sandali, tumawa naman siya nang marahan. Nagsi labasan narin ang mga classmate namin. Nasa labas pala silang ma'am.
"Maghanap muna kayo ng partner n'yo," sabi ni ma'am sa amin.
"Kyaaa!! Saito"
"Saito Akin kalang!!"
"Kapal ng mukha! akin lang sya!"
Yan... yan ang mga narinig ko at kung ano ano pa.
Kumapit naman ako sa braso ni Saito kasi paparating na yung fangirls nya.
Itinaas ko kamay ko sabay sabing "Akin siya," agad kong sabi sakanila.
"Kapal! Hindi naman kayo!"
ANO?!
Akmang sisigaw nasana ako kaso pinigilan ako ni Saito.
Nakita ko namang ngumiti si Saito at agad kong binitawan ang pagkapit ko. 'Tama ba ginawa ko? Baka...' tinignan ko si Saito tsaka ngumiti lang ito.
Nakahanap narin sila ng partner.
"May rule tayo dito! unang una bawal ang bringing foods, maghahanap kayo ng makakain ninyo sa gubat," pag announce ni ma'am. May nagsi-ayawan naman pero hindi pinansin ni ma'am.
"Pangalawa, proprotektahan n'yo ang isa't isa. Kung sinong lalabag sa rules ay lalakad kayo pauwi. Understood?"
"Yes ma'am!" sagot naming lahat.
***