Chapter 21: Starting Point (1)

1381 Words
《Isang lalakeng kasing tangkad sa lalakeng kakilala n'ya. Napatumungo ang kanyang ulo at tinititigan n'ya ang mukha ng lalake... Pero kahit anong pagtitig n'ya, hindi n'ya makita ng malinaw ang mukha nito. "Ahjussi, are you sad?" Bigla nalang nagsalita ang kanyang sarili. [A/N: Ahjussi (아저씨) -  'middle-aged man' or 'married man' in Korean.] Tumingin ang lalake sa kanya at tinignan n'ya ito ng malamig. "What makes you think that?" Dahan dahang nagiging malabo ang kanilang mukha at boses. Napag isip muna ang bata at mga ilang segundo, ngumiti ito. "Because I@%@@#%#&@^."》 Napahinga ako ng malalim. Tumingin ako sa phone ko kung anong oras na. '6pm' Napalingon ako sa paligid ko at nasa dorm pala ako. Walang katao-tao. Nasaan kaya yung dalawang 'yon? Teka... Parang may natandaan ako ahh. Diba dapat nasa battle field ako?? Or panaginip lang 'yon? 'Ahhh ewan! Basta gutom na ako.' Inayos ko muna ang sarili ko at pumunta na sa cafeteria. *** 'I wonder where did all my hyungs go.' Sa isip isip ni Tora habang nag babasa ng libro sa library. *** "Is there anything you'd like to tell me?" Seryosong tanong ni Kian kay J.C. Mga ilang sandali, ngumiti si Kian. "If you don't tell me, I don't mind hitting you." Napalunok naman si Shane habang nakikinig sa kanilang dalawa. Si Dane ay nanginginig ang buong katawan. "I met Suzuki just before the disaster happened." Panimula ni J.C na ikinagulat ng lahat. May napagtanto naman si J.C kaya nag salita siya agad. "Wala akong ginawang masama. Naging... kaibigan ko lang siya." "Anyways, I have been doing a research ever since Suzuki died." *** Kain lang ako ng kain dito kasama sina Heila at Chaira. "Paano mo yun nagawa?" "Ano talaga kapangyarihan mo?" Yan.. 'yan ang mga tanong ni Heila pagkakita namin. Sinubuan naman siya ni Chaira ng malaking pan kaya ayun, natahimik. Kanina parin nakatingin sa 'kin si Chaira. "Bakit?" Tanong ko habang ngumunguya. "Paano naging kulay puti buhok mo?" Kinwento ko naman sa kanila anong nangyari. "Ako nanaman ang magtatanong. Anong nagawa ko kanina?" Napahinto sila sa ginagawa nila. "Hindi mo maalala?" Gulat na tanong ni Heila. Kaya nga nag tanong eh. Kinwento nila kung anong nangyari. 'Ahh, yung Nimea ko.' Tsaka "Rank 980th na ako?!" Tumango naman sila sa tanong ko. Bumukas ang pinto sa cafeteria at nakita ko sina kuya. Kumaway ako at tinawag sila. "Yuki-ssi! I miss you!" Akmang yayakap na sana siya kaso umilag ako. "Yuki-noona! How are you?" Yumakap saakin si Tora at tinanggap ko naman. Si Shane ayun, umiiyak. "I'm okay." Humiwalay na siya sa pagkayakap at nagulat ako ng may malambot na tumama sa pisnge ko. "Nngg???" Ngumiti si Tora at kumuha na ng pagkain. All of our eyes widened and so does our jaw dropped. Habang prinoprocess pa namin ang nangyari, nafeel ko naman ang masamang awra ni J.C. Sumunod si Shane kay Tora at tanong ng tanong sa kanya. Si Kian, hindi alam kung anong gagawin kaya kumuha nalang rin ng pagkain at sumunod sa kanya si Dane. Si J.C nalang natira sa kanila. Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin. Mga ilang sandali, lumakad na siya at kumuha na ng pagkain. "Mifuyu, okay ka lang?" Tanong ni Heila habang gulat parin. Ewan ko rin kung anong nakain ni Tora. Napa-shrug nalang ako. Tumingin ako kay Chaira at parang meron siyang pinipigilan. Okay lang kaya siya? *** Third Person's POV 'I cannot blurt out now. I cannot let them know. I need to keep my acting.' Habang pinipigilan ni Chaira ang kanyang sarili na mag salita. Kumain na sina Kian at ang mga kasama nila. Ito nga pala ang bagong rank nila. Suzuki Miyagi - 980th J.C. - 995th Kian Miyagi - 1111nd Dane Michael - 1112nd Shane Michael - 1113rd Tora - 1200th Swerte lang talaga sina Suzuki at J.C dahil may mid ranker silang naaway kaya same sila ng classroom. "Miyu, mag trtraining tayo bukas." Tumango si Suzuki sa kuya n'ya. "At.. Nga pala, sino yung babae sa Eunjang High?" Dagdag ni Kian. Lahat sila napatingin kay Suzuki. Napag isip naman si Suzuki kung ano ang isasagot n'ya. "Ahh, nakilala ko siya noong bata pa ako." 'Noong hindi pa nagising Nimea ko.' Sa isip isip ni Suzuki na narinig naman ni J.C. pero alam na n'ya kaya hindi n'ya nalang sila pinansin. "At..." Nag-isip muna ng malalim si Suzuki, binuksan n'ya ang kanyang bibig pero sinira naman n'ya ulit. "Tara magpahinga na." Sabi niya. 'At possible bang mababago ang lahat kapag gagamitin ni Tora ang kanyang kapangyarihan?' Ito ang nasaisip ni Suzuki. Ito ang gusto niyang itanong kaso natatakot siya. Naramdaman niyang may masamang mangyayari kapag itatanong n'ya ang mga 'yan. Nag paalam na sila at bumalik na sila sa kanilang mga kwarto. *** Pagkagising ni Suzuki agad siyang naligo. Same routines kahapon. Ang suot niya ngayon ay long sleeve turtle neck, polka dots skirt, winter coat, black stockings, and black boots. Tada! lumabas na siya at nagpaalam kina Heila at Chaira na mauna na siya. Hinanap ni Suzuki kung saan ang bago niyang classroom. Hindi n'ya nakasalubong sina Kian. May nakita siyang pamilyar na lalake kaya lumapit siya sa kanya. Tinaasan n'ya ito ng kilay ni at "Nasaan ang classroom ng 950th?" Tinaasan n'ya rin ito ng kilay pabalik. Magsasalita na sana siya kaso may sumulpot sa tabi n'ya. "You dare...!" Nanlilisik namang tumingin si Suzuki sa kanya. Ito yung babaeng fan ni Prince Austine. Pero bakit may pagkahawig ang mukha nila? "Nina, shut up!" Galit na reklamo ni Prince Austine. Napa-tch nalang si Suzuki at lumakad papalayo sa kanila. May nakita nanaman siyang pamilyar na lalake at lumapit siya sa kanya. Ganito ang suot sa binatang lalake. Nakasuot ito ng Black turtle neck long sleeve, black pants, grey coat, and formal shoes. "Is it cold?" Tanong nito habang lumalakad. 'Is it cold, is it cold? Tch. Nag coat ka naman rin.' 'And why's everyone I met is someone like this?' Mag reklamo na sana si Suzuki pero natandaan niyang magkaparehas pala sila ng classroom kaya sinundan n'ya nalang siya habang nakabusangot. Pumasok sila sa isang classroom at lahat ng mga estudyante ay napatingin sa kanila. 'Sana hindi kami magkatabi ni J.C.' pag dadasal ni Suzuki pero sa kasamaang palad dalawang upoan na magkatabi lang ang bakante. Kinuha nalang ni Suzuki ang earphones n'ya at sinuot ito. [Now Playing: Not Shy by Itzy] Tumingin sa kanya si J.C at tinapik n'ya ang lamesa pero hindi siya pinansin. Sumama ang tingin ni Suzuki nung tinanggal ni J.C ang earphones n'ya. "Wanna die?" "We have a new sub mission." Sagot niya habang hindi nakatingin sa dalaga. "Anong misyon?" "To help you train." Sagot n'ya sabay tingin sa dalaga. "K." 'Potassium?' Sa isip isip ni J.C. Pero nanlaki ang mga mata ni Suzuki nung napagtanto n'ya ang sinabi ni J.C. Agad siyang lumingon sa binatang lalake. "Bakit? I mean, galing ba 'yan sa headmaster?" Tumango lang ang binata bilang sagot. Mga ilang sandali, pumasok na ang guro nila. "Class, please proceed to the training ground." pagkasabi n'ya nun agad na silang lumabas at pumunta sa training ground. Pagkadating nila ang dami ng nag tatrain. Limang class lang ang nasa training ground. Class S - Upper Rank, Class A - Upper-mid Rank, Class B - Mid Rank, Class T - Lower Rank, and some students in Class W. *** Mifuyu's POV May pumito na guro pagkadating namin at huminto ang ibang estudyante sa kanilang ginagawa. Nakita ko sina Kuya sa tabi. Kumaway sila sa 'kin nung nakita nila ako. "Alright everyone, please gather around!" So ayun, lumapit kami sa may maliit na stage. "Since we have our new transferees, we decided to gather informations on what their powers is." "One of the Higher Royalties would like to watch. So, please transferees, move forward and come in here." Pag announce ng isang guro. Kinabahan naman ako sa sinabi n'ya. Diba?? "I'm sorry Sir, but didn't you already saw us fighting in the battle field?" Pagligtas ni kuya. Napa buntong hininga naman ako. *** 《"Hey, ugly brother of Yuki-ssi!" Pag tawag ni Shane kay Kian. Napalingon si Kian sa kanya at ngumiti ito na parang gustong pumatay. Napalunok naman si Shane. "U-uhm. Bukas, may magaganap na masama. Aalamin nila ng buo ang kapangyarihan natin lalong lalo na kay Yuki-ssi."》
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD