bc

PARANORMAL HUNTERS CLUB: The Katakot-takot Adventures

book_age4+
12
FOLLOW
1K
READ
adventure
comedy
twisted
mystery
scary
mythology
another world
supernatural
school
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Filipino Mythology and Folklore Stories

Aswang, Tiktik, Tambal, Agta, Kapre, Tikbalang at Balbal. Mapa-maligno, diwata, engkanto o tao man iyan. Wala kaming inaatrasan

Kaya huwag mo nang tangkain pa na guluhin ang pananahimik ng bawat lahi. Dahil ako at ang buong tropa ang makakalaban ninyo

Sagot na namin ang katakot-takot na adventure ninyo sa taong ito. Kaya naman halina't samahan ang tropa na libutin ang buong Pilipinas at lutasin ang misteryong bumabalot sa mundo natin

Iligtas natin ang mundo sa nagbabadyang paglusob ng mga masasamang nilalang upang guluhin ang katahimikan ng bawat lahi. Sama ka na sa adventure namin. Huwag ng pahuli ka-tropa

"Ano guys? Kaya pa ba natin ito?"

"Oo naman, Yakang-yaka na natin ito sus"

"Kung ganoon ano pang hinihintay natin?"

"Nice, panibagong case na naman ang iso-solve"

"Ayoss!"

"Arat naaa..."

"GOOOO PARANORMAL HUNTERS CLUBBB!"

_____

Copyright © 2022 Dayle_101

All Rights Reserved. No part of of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying and recording, or by any information storage, and retrieval system, without permission in writing from the author.

Reminders; This story is ONLY WORK OF FICTIONS. Names, places, characters, and incidents are either the products of the author's imagination or used fictitiously, and any resemblance to any actual persons, living or dead, organizations, events or locates is entirely coincidental.

I DO NOT OWN THE COPYRIGHT TO THE PHOTOS I USED/WILL USE IN THIS STORY/CHAPTER; ALL RIGHTS RESIDE WITH THEIR RIGHTFUL OWNER.

chap-preview
Free preview
UNANG PAGLALAKBAY: Ang Tiktik sa Baranggay Lapaz
Riley Lopez's POV [>April 22, 2022 // 10:30 Pm "What? BWAHAHAHAHAHAHAHAH ingat ka Rye baka pagbalik mo rito sa Batangas maging pinong Dalagang Pilipina ka na ha. Hanggang kailan ka ba riyan?" "Ha-Ha-Ha funny mo naman Migs, after a month babalik din naman ako rito sa Batangas" "Lol, ano ba naman kasing pakulo iyang naisipan ni Tito at pinapapunta ka pa sa Capiz?" "Wala kasing magbabantay ngayon kay Lola, kilala mo na naman siya diba? Nakita mo na siya dati nung lumuwas siya rito sa Batangas. Ehh hayun, namatay na si Ate Chadie, iyong nag-aalaga dati kay Lola. Ehh alam mo namang kami na lamang ni Daddy ang natitira sa kamag-anakan namin. HAHAHAHAHAHAHAH halos ubusin na nang panahon ang angkan namin ehh" "Pfftt may point ka Rye HAHAHAHAHAHA. So ano? Kailan daw ang luwas mo papuntang Capiz?" "Bukas na nang madaling araw, heto nga't naghahanda na ako ng mga gamit ko. Medyo marami-rami rin ito. Ito kasi si daddy masyadong magulo kausap, hindi malinaw kung buwan lang o taon ba ang aabutin ko sa pamamalagi sa probinsyang iyon" "Ehh paano iyan? Ilan buwan na lang at magsisimula na ulit ang pasukan? Edi ibig sabihin dun ka na rin papasok?" "Oo, haysstt mukhang need ko na mag-aral ng lenggwahe nila Migs HAHAHAHAHAHAHA" "Ayy oo nga pala Rye, pinasasabi ni Mama mag-ingat ka raw diyan at marami raw mga aswang sa probinsyang iyan baka maging pulutan ka pa HAHAHAHAHAHAHA" "Aswang? Hindi ba kwentong barbero lang iyan? Sus, iyan talagang si Tita nananakot pa" "Malay mo naman totoo HAHAHAHAHAHA, edi swerte nila. Masarap ang magiging pagkain nila. Malas mo naman HAHAHAHAHAHAHAHAH" "Heh! Magtigil ka nga Migs" patawang sambit ko rito. Siya si Miggy Tolentino, ang nag-iisa at matalik kong kaibigan. Nakakalungkot lang at mapapalayo ako sa kanya, aba kahit naman pabano-bano iyan ehh mahal ko naman ang babaeng iyan "Ohh siya sige na, mag-out na ako. Maliligo pa ako para paggising ko mamaya diretso bihis na lang BWAHAHAHAHAHAHAAHAH" "Kadiri ka talagang dugyot ka" "Maka-dugyot naman ito. Parang hindi mo ito gawain kapag nag-oout of town kayo ng family mo ahh HAHAHAHAHAHAHA" banat ko sa asar nito "Ohh siya sige na, shoo, ako na ang mag-eend nito. Nang makapagpahinga ka na rin ng maaga. Basta tejj ha, ingat ka dun, hindi mo pa masyadong kilala ang lugar na iyon" "Oo na, sige na Bye" "Bye" matapos nun ay tuluyan na ngang pinatay ni Migs ang call Napailing na lang ako sa naging takbo ng usapan namin. Aswang? HAHAHAHAAHHAAH madalas ko nga marinig dati kay lola ang tungkol sa aswang sa Capiz. Madalas tuwing lumuluwas dine sa Batangas si Lola, puro mga aswang at nakakatakot na storya ang madalas niyang ikwento sa akin, na siya namang ikinaiinis ni Daddy HAHAHAHAHA Ilang beses na naming pinilit si Lola na dito na lang tumira sa amin. Pero ayaw niya ehh, ang sabi ni Dade kilalang albularya raw si Lola sa probinsyang iyon. Kaya hayun, hindi raw niya maiwanan ang propesyon niya sa Capiz kaya nananatiling nakalagi dun Mula nang magka-isip ako, hindi ko na nakagisnan ang aking ina. Ang sabi ni Dade, namatay raw ito sa panganganak. Nakakalungkot lang, nang dahil sa akin, namatay si Mame. Kaya heto, pursigidong-pursigido si Dade sa pagta-trabaho. Pagdating sa estado ng pamumuhay namin sa buhay, hindi ko masasabing mayaman kami. Pero hindi rin naman kami mahirap. Kumabaga kami ay nasa gitna lamang [>April 24, 2022 // 4:44 pm [> Lipa, Batangas to Lapaz, Capiz "Nandito na po tayo" mabilis kong sinakbit sa balikat ko ang bag na may laman na mga gamit ko saka bumaba sa tricycle. Matapos sabihin ni Manong Driver ang presyo ay agad ko itong binayaran saka ito umarangkada paalis "Apo kooo, Rye nandito ka na. Halika rito pasok" agad na salubong sa akin ni Lola saka inakay papasok sa loob ng bahay niya. Gawa sa bato ang bahay niya subalit maliit lamang ito. Hindi ganoon kalakihan. Bata pa ako nung huling pumunta ako rito sa bahay niya. Kaya naman palihim ko ito pinagmasdan Puno ng santo, at mga rebulto ang napakalaki at napakahabang lamesa ni lola na katapat lamang ng upuang kahoy na kinauupuan namin ngayon. "Lola, musta na po kayo?" "Maayos naman ako ija. Teka, nasaan si Bernardo? Hindi mo ba siya kasama papunta rito?" Pagsagot nito at pagkatapos ay sinundan pa ng tanong. Umiling lamang ako rito bilang sagot "Aba't talagang hindi ka hinatid ng lalaking iyon. Iyan talagang ama mo napaka-tigas ng ulo" "Lola, ok lang po. Sinamahan naman niya ako hanggang sa huling sakayan ng bus. Pero pinatawag din po siya agad sa opisina kaya hayun, napilitang pumasok ulit" pagtatanggol ko kay Dade "Ohh siya-siya pumunta ka na dun sa kwarto mo't magbihis. Naghanda ako ng makakain mo, alam kong pagod ka rin sa haba ng binyahe mo" sambit nito. Tumango lamang ako saka pumasok na sa kwarto ko "Medyo naparami pa nga ito't akala ko'y sasama sayo iyang si Bernardo" "Ok lang lola. Yakang-yaka na nating ubusin iyan kahit tayo lang dalwa HAHAHAHAH" ssagot ko habang pinapasadahan ng tingin ang kwarto ko rito, para hindi rin makaramdam ng tampo si lola Tatlo ang kwarto rito sa bahay ni Lola, iyong kwarto niya, dating kwarto ni ate Chadie, at ang kwarto ko na nasa padulo. Matapos kong sipatin ang bawat sulok sa kwarto ko ay tuluyan na ako ritong pumasok saka inilihis muli ang kurtinang nagsisilbing pintuan sa kwarto ko rito. Saka inilapag ang mga gamit ko, mamayang gabi na lamang siguro ako maliligo, bago matulog para fresh sa pakiramdam HAHAHAHAHA Pagtapos kong mapatas sa kahoy na kabinet ang mga gamit ko ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina na nahaharangan lang din ng kurtina. Doon ay nakita ko si lola na nakaupo saka ako tinawagan papunta sa tabi niya "Wowww adobo lolaaa" halos magningning sa tuwa ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Paborito ko ang adobo lalo na at si lola pa ang nagluto. Tiyak na napakasarap nito "Osige na apo't kumain ka na rin diyan" matapos naming magdasal ay nilantakan na agad namin ang kanin at ulam na adobo Matapos naming kumain ay ako na ang nagkusang iligpit ang pinagkainan namin. Syempre kaya nga ako nandito para alagaan at pagsilbihan si Lola ehh. Alangan namang magbuhay prinsesa pa ako. Sa kalagitnaan ng paghuhugas ko ay bigla na lamang akong nakarinig ng nabasag. Dali-dali akong nagpunas ng kamay saka pumunta sa direksyon kung saan nagmula ang tunog. Doon ay nakita ko si lola na nakatulala sa mga santo habang malapit sa paa niya ang basag na bote na lagayan ata ng langis "Lola, ano pong nangyari?" Mabilis akong lumapit dito saka inalalayan itong maupo. Marahan itong tumingin sa akin na tila ngayon lamang niya napansin na nandito ako "Teka lang po lola, lilinisin ko muna iyong mga---" "W-Wala apo, medyo nadulas lamang sa mga kamay ko ang bote. Sige na at maghugas ka na ulit doon, ako na ang bahalang maglinis dito" pagputol nito sa pagsasalita ko "Naku lola, baka masaktan ka pa. Ako na lang po. Mabilis lang naman ito ehh" pagpupumilit ko "Hindi na apo, ako na" Pero sadyang makulit talaga si Lola, HAHAHAHAHAH ngayon alam ko na kung saan nagmana si Dade. Ayaw paawat ehh "Bumalik ka na lamang dun sa kusina, ako na ang bahalang maglinis nito" Tukoy niya sa mga bubog, napangibit na lamang ako at sa huli ay ako na lang din ang sumuko. Mas lalo lang magtatagal kung makikipagtalo pa ako kay Lola. Tumayo na lamang ako at nagsimulang maglakad papunta sa kusina "Muli na naman siyang aatake" "Po lola? Ano po iyon?" Mabilis akong napahinto ng marinig kong tila may binubulong ito habang winawalis ang bubog, tumingin lamang ito sa akin habang naka-ngiti saka marahang umiling Napatango na lamang ako dahil dun saka tuluyan nang pumunta sa kusina. Ilang minuto rin bago ko tuluyang nahugasan ang mga hugasin, nilinis ko na rin ang lababo't lutuan saka na rin ang lamesa para isang kilusan na lamang [> 6:45 pm "Ryeee, my ghad beh, buti naman at naisipan mong sagutin ang call ko psh. Ano musta? Nakarating ka na ba riyan sa bahay ni mamasita? HAHAHAHAHAHAHAH charot" kwelang bungad agad ni Migs, gulat nga ako ehh. Pag-open ko ng messenger ko kanina halos tadtadin niya ako ng chat habang offline pa ako HAHAHAHAHAHA Isa rin siguro ito sa dahilan kung bakit parehas pa kaming single ehh, aba, ehh parang shoti ko na rin itong babaeng ito kung umasta. Kaso madalas topakin, ehh hindi naman siya gold kaya walang suyuang nagaganap kapag tinotopak HAHAHAHAHA kunting pagkain lang naman solve na agad siya ehh kaya oks na rin. Mas ok pa ito kaysa magjowa na isang oras pa kung magsuyuan ecckk. Kadiri talaga "Lower your voice Miggy, nakakabingi iyang boses mo ang tinis, haysst bungad na bungad. Partida ha hindi pa iyon naka-speaker letche ka" inis na patutsada ko rito "Wow tejj, sungit ah. Sorry naman, namiss lang kitang kachikahan. Boring ehh, wala ngayon si Mama rito" hulaan ko nakanguso na naman ito. Jusko, kadiri ka Migs di bagay sayo 'yun sa totoo lang hehe peace "So hayun, musta na nga? Chika mo naman kung anong nangyari sayo ngayon?" "Wala namang bago ehh, nakarating na ako rito sa bahay ni lola. Medyo mahaba nga ang naging byahe ko. Pero sulit naman, pagdating ko may nakahandang masarap na adobo si Lola HAHAHAHAHAHA kaya hayan. Busog na busog na naman ako kanina" "Woaah adobo ni mamasita, pakisabi kay lola kung pwede pag-uwi mo pabaunan ka ng adobo. Para naman makatikim ulit ako ng masarap na luto niya" natikman na rin kasi ni Migs ang luto ni Lola dati. Siya pa nga ang naka-ubos, kainis "Oo na, pero matatagalan pa ang pag-uwi ko Migs. Sabi ni dade na baka raw isang taon o mahigit pa akong mags-stay rito kay lola" hihintayin daw kasi ni Dade na umuwi iyong si Tita Malette, kaibigan ni Dade na taga-rito rin sa Capiz. Si Tita raw ang mag-aalaga rito after na matapos iyong kontrata niya sa pinagta-trabahu'an niya dun sa Hong Kong "Hala tejj, antagaaallll. Hindi pala kita magiging kaklase sa pasukan. Sayang ABM pa naman ang kukunin kong strand ngayong Grade 11" nasabi ko na rin kay migs na Abm din ang strand na kukunin ko. Kaya siguro hayan, nakigaya at pinili rin ang strand na ABM kahit TVL ang bet niya, sayang "Ok lang iyan, ipursue mo muna ang TVL strand na gusto mo, saka ano ka ba? Anong connect ng ABM sa pagluluto haa? Gagung ito HAHAHAHAHAHAH. Ayaw talagang mawalay sa akin ehh noh?" Asar ko rito. Gagi mula pagkabata buntot na ito sa akin ehh, makulit siya, jolly, friendly, talkative, girly na kalog. Basta karamihan sa personality niya kabaliktaran ng akin, kaya nga hindi ko alam bakit tumagal ng ganito ang friendship namin. Saka isa pa, andaming mga bata noon lalo na nung elem kami ang nakikipag-kaibigan sa kanya. Oo kinakausap naman niya, pero at the end of the day ako pa rin ang binabalikan miya. Ghad, kaya kahit burinding-burindi na ako sa boses nito. Hindi ko siya magawang iwan, halos kapatid na nga ang turing ko sa babaeng ito "Hello bebelabs? Nandiyan ka pa ba? Yohooo?" Pvtikkk sakit sa tenga. Sumigaw na naman "Oo nandito pa ako, letche ka. Bakit may pagsigaw pa?" "Hello Rye, kanina pa ako tawag nang tawag sayo sa mahinahong tono, ehh akala ko wala ka riyan kaya hayan gora magpaka super sonic scream muna tayo HAHAHAHAHAHAH" Haysst ewan ko ba sa babaeng ito. Maisipan na lang. Kunga ano-anong tinatawag sa akin HAHAHAHAHAHAAHA "Oii, iend ko muna, tsk nakalimutan kong bumili ng napkin. Medyo gabi na rin, baka kung saan pa ako mapunta. Sige na bye na muna Migs" hindi na rin ako makakaligo, bukas na lang siguro, kainis naman kasi ehh pinahabulan pa ako-,- "Ayy siya ka tejj, magkakayat ka pa. Sige, sige. Bilisan mo lang bumili. Hindi mo pa masyadong kabisado ang pasikot-sikot diyan. Baka may mga tambay diyang maloko, tapos harassin ka, tapos saktan ka, tapos itable ka, tapos masaksak ka pa, tapos...Juskooo baka mapatay ka pa" "Hoiii hoiii teka kalmaaa. Advance mo naman masyadong mag-isip kinginang ito, gusto pa ata akong mamatay. Ano ka ba? Bibili lang ako ng napkin langya ka kung saan na naman napadpad iyang utak mo" pagpapatigil ko rito. Kinginang ito mananakot na naman "Sensya na, concern lang" "Tsk ewan ko sayo. Sige na out na ako" "Ok bebeloves. Mag-iingat ka. Bye" "Bye" saka ko pinatay ang tawag. Takteng bruha ito. Praning masyado, napailing na lamang ako saka pumunta sa kabinet para kunin iyong wallet ko Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na naman muli si Lola na nasa harap ng mga santo habang nakapikit. Nagdadasal ata, hindi ko na muna ito kinausap at dumiretso na lamang palabas ng bahay, kanina habang sakay ako ng tricycle may nadaanan akong tindahan, ilang bahay lamang ang layo mula rito sa amin. Siguro mga 5 mins lang aabutin ko sa pagbili, hindi naman siguro masyadong mag-aalala si lola. Baka nga nagdadasal pa rin iyong pag-uwi ko ehh HAHAHAHAHA "Sobrang dilim na, teka ano bang oras na?" Binuhay ko ang phone ko kasabay ng pag-open ko sa flash nito "7:53 pm na pala?" Mag-aalas otso na rin pala, baka magsarado na ang tindahan na iyon. Mabilis na akong naglakad papunta sa tindahan, sa paglalakad ko. Pansin ko na wala ng masyadong tao sa labasan, sarado lahat ng pinto maging ang mga ilaw, nakapatay. Aga naman ata nila magsitulog? Samantalang sa Lipa, 10 na nang gabi, mga sigawan pa sa kahanggan (mga kapit-bahay // sa salita ng mga Batangueño). Langyang iyan HAHAHAHAHAHAHAHA batangueño nga naman Binilisan ko na lang din ang paglalakad, ang dilim na rin kasi. Hindi sa pagiging judgemental. Pero mas ok na ang mag ingat, baka kasi maya-maya may bigla na lamang dumukot sa akin dito. Sayang iyong ganda ko kung mamamatay lang ako ng maaga noh Ilang sandali lang ay nakarating na rin ako sa tindahan na pinakamalapit sa bahay ni lola "Ayy buti naman umabot pa ako. Mukhang magsasarado---" "Ayy jusko po" "A-Ahh sorry po, bibili lang po sana akong napkin" medyo nahihiyang paumanhin ko rito "Ayy naku ayos lang Ineng, akala ko lamang ay isa kang aswang" nang mahismasmasang sambit nito habang nakahawak pa sa dibdib nito "Ahh pasensya na po ulit. Bibili lang po sana ng 2 panty liner" Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang sinabi niya. Hanggang ngayon pa rin pala, sikat pa rin ang kwentong Aswang sa probinsyang ito. Itinali muna nito ang bakal na panangga nito sa tindahan niya. Ibinigay ko rito ang Twenty pesos ko saka ito pumasok sa loob upang kumuha ng mga napkin "Ito ineng, sais lang lahat" sabay abot nito sa akin ng binili ko at sukli ko "Ineng, ikaw ba iyong apo ni Nanay Belen na ikinu-kwento sa amin kanina na galing daw sa Batangas?" "Ako nga po, Riley nga po pala" pakilala ko rito "Tawagin mo na lamang ako Aling Selya" sabi nito na ikinangiti ko lamang "Ohh siya, umuwi ka na at baka mapahamak ka pa. Malayo-layo pa naman ang bahay niyo rito. Baka ika'y maabutan pa ng aswang" "A-Ahh sige po. Mauna na nga po ako, salamat po" Tumango na lamang ito. Naglakad na lamang ako palayo, aswang? Kung tutuusin mas nakakatakot kung nga adik o lango sa alak ang makakasalubong ko sa pag-uwi Nakakalayo na rin ako sa bahay nina Aling Selya, at talagang napakadilim sa paligid. Ni wala manlang mga poste o ilaw sa paligid, ano ba naman iyan? Wala bang pake ang mayor nila dito? *Tik* *Tik* *Tik* "Ano iyon?" Mabilis akong napalingon sa likuran ko ng makarinig ako ng kung ano mang ingay iyon "Weird" Dahil wala rin naman akong nakitang kahit na ano ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad *Tik* *Tik* *Tik* "s**t" may nangti-trip ba sa akin dito? *Tik* *Tik* *Tik* Ano ba iyon? Pauulit-ulit na "Tik Tik Tik" ang naririnig kong tunog *Tik* *Tik* *Tik* Hoii gagu hindi na ako natutuwa haaa. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko, mula sa malakas na tunog, unti-unti itong humina kaya naman bahagyang kumalma ang puso ko. Oo gagu, kabado trenta ako ngayon "Ano ba naman iyan, kabago-bago ko lang sa lugar na ito. Ako agad ang napiling pagtripan" hinaing ko habang unti-unti na ring nabagal ang paglalakad ko Pagkaraan pa ng ilang sandali ay nakarating na rin ako sa bahay, kaya iyong kabang nararamdaman ko kanina ay tuluyan na ring nawala "Jusko pong bata ka, saan ka ba nanggaling? Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sayo? Akala ko kung napaano ka na?" Pagpasok kp ay agad na bumungad si lola na alaalang-alala sa akin "Teka lang po lola, kalma, bumili lang po ako ng panty liner dun kina Aling Selya" pagpapahinahon ko rito. Ngunit sa halip na sagutin ay hinila ako nito papasok saka isinabit sa pinto na may pako iyong dalwang buong bawang na magkatali bago ito isinara "Ano ka ba naman Apo? Bakit lumabas ka pa ng ganitong oras? Masyado ng delikado" "Sorry na po lola, alam niyo na, babae lang" kamot-ulo kong sabi rito habang ipinapakita iyong binili kong panty liner. Wala ng hiya-hiya ito, nagagalit na si lola ehh "Basta Riley, sa susunod. Huwag na huwag kang lalabas pagsapit ng dilim. Maliwanag ba?" Babala mito habang mariin na nakatingin sa mga mata ko 'Pagsapit ng dilim?' Pag-uulit ng isip ko. Ahh baka ibig sabihin ni lola, kapag gumabi na "Pero bakit lola? Mukha namang tahimik dito sa barangay. Saka diba kilala ka ng mga taga-rito, galang na lamang nila para gawan pa ako ng masama. Saka mukha namang tahimik sa barangay na ito ehh, look lola oh. Aga nila magsitulog HAHAHAHAHAH" "Riley, seryoso ako. Ang kaisa-isang bilin ko sayo. Maaari kang lumabas at gumala sa kahit saan hangga't may liwanag pa. Subalit, sa pag-kagat ng dilim. Gusto mo man o hindi, kahit na ano pang importanteng lakad ang pupuntahan mo. Ipagsawalang bahala mo na iyon at pumasok ka na agad sa loob ng bahay. Maliwanag ba? Ayokong mauulit ito, para rin ito sa kaligtasan mo, apo" hindi na ako nakaimik at marahan na lamang tumango rito bilang pagsang-ayon "Ohh siya sige, pumasok ka na sa kwarto mo. Bukas ng umaga, malalaman mo rin kung bakit kita pinagbabawalang lumabas sa gabi" Gaya ng utos ni lola ay pumasok na nga lamang ako sa kwarto ko. Pagpasok ko ay agad akong nahiga sa kama ko, hindi ko maintindihan, may curfew ba rito sa barangay nila at ganoon na lamang ang pagbabawal ni lolang palabasin ako? Grabe ang higpit naman pala dito sa kanila. Nagpaikot-ikot pa ako sa kama ko na hindi naman ganoon kalakihan para lamang dapuan ng antok. Hindi ako sanay na matulog ng maaga kaya medyo nangangapa ako, madalas kasi inaabot na rin ako ng alas-dose ng hating gabi sa pagtulog hehe. Puyaters tayo ehh Ilang minuto lang hanggang sa tuluyan na rin akong makatulog...Goodnight [> April 25, 2022 | 8:05 am "May inatake na naman daw kagabi" "Kaya nga ehh, iyong mag-ina raw ni Tulyo ang inatake" "Jusko po mahabaging diyos, nakakaawa naman. Buntis si Auring hindi ba?" "Oo, hayun nga at natagpuan na lang daw nitong si Tulyo na wala ng buhay ang mag-ina niya" "Ano ba naman iyan? Kailan ba kasi matutugis ang walanghiyang gumagawa nito sa Baryo natin?" "Ohh Nanay Belen, buti nandito ka na. Anong balita?" "Kumpirmado, kagagawan nga ng tiktik ang nangyari kay Auring at sa sanggol nito" "Akala ko ba ay aswang ang nambibiktima rito sa ating Bayan?" "Hindi, isa itong tiktik. Hanggang ngayon ay marami pa rin palang nalilito sa pagkakaiba ng Aswang at Tiktik" "Nay, paano ba naman malalaman kung Aswang o Tiktik ang kaharap namin o iyong malapit lamang sa amin?" Ano ba iyan? Agang-aga chismiss agad ang bumubungad sa akin. May naganap daw na p*****n, tapos tiktik ang pagbibintangan? Grabe naman sa barangay na ito. Masyadong mema ha "Maraming pagkakaiba ang Aswang at ang Tiktik, makikita mo agad ito sa anyo nila. Ang Aswang ay isang maitim at mabalbong nilalang, may mahahabang kuko, may mga pangil at mapupulang mata. Umaatake ang mga aswang hindi lamang sa bubong, maaari ka rin nitong atakihin sa lupa. Hindi katulad nang tiktik na sadyang mayroon silang taktika sa pagpatay. Kadalasang inaatake ng mga Aswang ay ang mga taong may malulubhang sakit o malapit ng mamamatay. Ang amoy nang sakit ng biktima ang siyang mas nakaka-attract sa aswang. Sa oras na matagpuan niya ang biktima, walang pag-aalinlangan na lulusubin niya ito at dudukutin ang puso nito. Puso ng tao ang paboritong kainin ng mga aswang. At ang mas talagang nakapagpaiba sa aswang, ay ang kakayahan nitong mag anyong hayop, karaniwan nitong ginagaya ay ang mga baboy, aso, kambing at pusa. Mahirap din malaman kung may aswang sa paligid, lalo na't hindi ito gumagawa ng ingay katulad ng tiktik" grabe daming alam ni Lola ahh, pero ito. Narinig ko na rin ito sa kanya nung bata pa ako "Samantala, ang mga tiktik naman ay kadalasang mahahagilap ninyo sa taas ng bubong na kung saan may naninirahang buntis. Kung anyo ang pagbabasehan, nananatili ito sa anyong tao niya, subalit katulad ng aswang ay nagtataglay rin ito ng mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Ang pamamaraan naman ng pag-atake nito ay ibang-iba kumpara sa aswang. Sa taas nang bubong, unti-unti nitong ilalabas ang kanyang napakatalim at napakahabang dila. Ang dulo ng dila nito ay higit na mas matalim kumpara sa itak na kung saan may kakayahan itong butasin ang bubong. Sa oras na makapa na niya kung saan ang eksaktong lokasyon ng kanyang bibiktimahin ay unti-unti nitong ilalawit ang kanyang dila patungo sa tiyan ng buntis. At doon, doon mismo bubutasin ng dila nito ang tiyan ng kanyang biktima,bubutasin ang tiyan at saka doon sisipsipin ang dugo kasama ang sanggol na nasa sinapupunan nito" Napailing na lamang ako dahil sa kwento ni lola. Talaga ngang normal na sa mga Pinoy na kung kakaiba ang naging pamamaraan ng pagpatay, isisisi agad sa mga aswang, anumang kakaibang nangyayari sa isang tao, sa mga engkanto agad ang sisi. Grabe "Mas madali ring matukoy kung may tiktik sa paligid. Ayon sa aking Ina, malalaman mo kung may tiktik sa paligid kapag narinig mo ang huni ng mga ito...'Tik Tik Tik'" Agad naman akong napahinto sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ni lola. Tiktiktik? Iyon din iyong tunog na narinig ko kagabi nung bumili ako sa tindahan nina Aling Selya. Naaagaw nito ang atensyon ko, nananatili lamang akong nakatayo habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Lola "Masyadong mapanlinlang ang huni ng tiktik. Kaya huwag kayong paloloko. Sinasabing kung malakas na pag-'tiktik' ang narinig niyo, ibig sabihin nasa malayo pa ang Tiktik. Subalit, kung mahinang pag-'tiktik' naman ang narinig niyo. Maging alisto kayo, dahil nasa malapit na ito. Sa paglakas, sa paglayo, sa paghina, sa paglapit. Buntis ka man o hindi, kung ikaw ang napili. Ihanda mo na ang sarili mo sa magiging pag-atake nito" mahabang pagku-kwento ni lola sa mga marites sa labasan Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni Lola, kagabi, habang naglalakad ako kagabi. May naririnig akong huni na tila ba tiktik, Mula sa malakas hanggang sa tuluyan itong humina, ang akala ko ay nawala na iyon dahil halos hindi ko na marinig ang pag-Tiktik, iyon pala, nasa malapit lang. Aba kung totoo man iyang tiktik edi swerte ko pala't hindi niya ako nabiktima kagabi. Pero, iyong mag-ina, nakakaawa Ilang minuto rin ang lumipas at tuluyan nang tumahimik ang paligid, sa wari ko'y nagsiuwi na ang mga marites sa kani-kanilang bahay "Ohh apo, gising ka na pala" bati sa akin ni lola pagkapasok niya rito sa kusina "Opo lola, nakapag handa na rin po ako ng almusal natin. Kain na lola" tumango lamang ito saka naupo na, nagsimula na kaming mag-agahan "Ahm lola" Pag-agaw ko sa atensyon nito, lumingon ito habang ngumunguya pa ng mga niluto kong pagkain na tila ba naghihintay sa susunod kong sasabihin "Lola, totoo ba talaga iyong mga tiktik?" "Oo apo, dito sa Baranggay natin, sikat na sikat ang kwento patungkol sa aswang at tiktik. Lalo na't may mga ilan na ring nakasaksi sa mga naging pag-atake nila kaya mas lalo itong pinaniwalaan ng mga taga rito sa probinsya ng Capiz" sagot nito matapos niyang lunukin ang kinakain niya "Kahit ba hindi ka buntis, maaari ka pa ring atakihin ng mga tiktik?" "Ayon sa mga naka-saksi at ilang nakaligtas na biktima. Oo, mga hindi sila buntis subalit inatake pa rin sila ng mga ito. Lalo na kung natiktikan ka ng mga ito habang mag-isa kang naglalakad. O maaari ring dala ng gutom kaya posible ka pa ring atakihin ng mga ito" tanging tango na lamang ang naging sagot ko sa sinabi ni Lola "Riley, Bigla ka atang nagka-interest sa mga tiktik?" Seryosong tanong ni lola, bigla naman akong pinangunahan ng kaba dahil sa seryosong awrang pinapakita niya sa akin ngayon. Dapat ko bang sabihin kay lola ang nangyari kagabi? Eihhh kaso baka mag-aalala pa iyon. Or worst magalit nyaay. Aysstt bahala na nga "Ahh lo---" "Nayyy, Belenn, Nanaayy" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla na lamang may sumigaw mula sa labas ng bahay. Dali-daling tumayo si Lola saka pinuntahan ang babaeng sumisigaw sa labas. Ilang sandali lang ay bumalik din si lola hindi para kumain, para kunin iyong palispis ata ang tawag dun na nakasabit sa pader ng kusina "Ohh lola, saan ka po pupunta? Hindi pa tapos itong pagkain mo ahh" pag-agaw ko sa pansin nito bago ito lumabas ulit, lumingon ito sa akin saka umiling "Hindi na apo, busog na rin naman ako. Tutulungan ko muna si Lorna, na-nuno raw iyong anak niyang babae na si Kristine. Baka hapon na ako makabalik Rye, mag-iingat ka rito apo. Kumain ka na lang mamayang tanghali ha. Papupuntahin ko na lang dito si Arnold mamaya para samahan kang maglibot-libot sa baranggay" bilin nito "Ohh siya aalis na ako" "Sige po lola, mag-iingat ka po" tuluyan na ngang umalis si lola, naikwento rin niya sa akin dati. Na siya nga ang nagiging takbuhan ng Baranggay Lapaz tuwing may mga nangyayaring ganito, mga paranormal activity, engkanto, aswang, lamang-lupa, siya lagi ang hinihingan ng tulong. Kilala rin siya bilang si Belen Albularya, ang tanyag na Albularya ng Capiz [> 3:45 pm Hapon na nang makauwi kami ni Kuya Arnold. Si Kuya Arnold iyong dating all around body guard ni dade nung sa Princeton pa siya nagta-trabaho. Kaso biglang natanggal dun si dade sa di ko alam na dahilan kasabay nun tinanggal din niya si Kuya Arnold para raw makabawas sa gastusin. Wala na ngang kinuhang maid si Dade simula noon "Salamat sa pagsama sa akin Kuya ha" nakangiting pasasalamat ko rito "Wala iyon Rye, para ka namang iba. Wala pa pala si Nanay Belen, Ok lang ba na iwan na muna kita? May gagawin pa kasi ako ehh" "Ayy, naku may gagawin ka pa pala. Pasensya na Kuya mukhang naabala pa kita" "Ano ka ba Rye, ok lang iyon. Masaya ako na mukha namang nagustuhan mo rito sa baranggay namin. Ohh siya sige maiwan na muna kita rito mag-isa. Huwag kang mag-alala, mabait at mapapagkatiwalaan ang mga taga Baranggay Lapaz. Mauna na ako Hahahah" Napatawa naman ako sa pabirong sabi ni Kuya sa akin "Sige Kuya, salamat ulit. Ingat ka" "Sige Rye, paalam" tuluyan na ngang umalis si Kuya Arnold Napaupo na lang ako sa sofa pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay. Grabe nananakit na ang mga binti ko. Halos libutin na ata namin ang buong Baranggay Lapaz "Jusko po" iyong mapayapang pamamahinga ko kanina ay bigla na lamang nabulabog nang biglang dumating si lola na hangos na hangos. Tatanungin ko pa lamang sana ito subalit tila ba hindi niya rin naman ako napansin at tulirang pumunta sa harap ng mga santo "Kabilugan ng buwan nga pala mamayang gabi. Paniguradong susugod na naman ang mga tiktik" "L-Lola" Hindi ko na napigilan pang magsalita kakaiba na kasi ang kinikilos niya. Bahagya naman itong napatingin sa akin at inayos ang kanyang bestida "Ano pong nangyayari?" "Riley, apo, makinig ka. Maghanda ka ng mga asin at dinikdik na bawang, tulungan mo akong ibudbod ang mga ito sa lahat ng bintana at tapat ng pinto rito sa bahay. Siguraduhin mong wala kang makakaliktaan na kahit isang bintana" nagtataka man ay wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang. Batid kasi sa tono ng pananalita niya ang takot at pagkaseryoso "Mag-aalas singko na pala, dalawang oras na lang mula ngayon. Posibleng magsilabas na ang mga hudas na tiktik na iyon" "Ehh lola, ano ba talagang nangyayari?" Pagtatanong ko rito na puno ng kuryusidad habang nagbubudbod kami ng mga asin at bawang. Mula rito sa bintana ay kita ko na halos karamihan pala sa mga kapit-bahay namin dito ay nagbubudbod din nang asin "Nagkameron ako ng pangitain" maikling sagot nito na ikinakunot naman ng noo ko "Pangitain po? Nang ano, lola?" Akala ko ba ay albularyo lamang si lola? Hindi ko alam na isa na rin pala siyang manghuhula "Mamaya, sa muling pagsapit ng dilim. Ang mga tiktik ay muling lilibot upang maghanap ng mga bibiktimahin" "Mga? Ibig sabihin, higit sa isa ang tiktik na aatake?" "Ganun na nga apo, sa aking pangitain, dalawang buntis ang sabay na aatakihin" kung si lola na mismo ang nagsabing totoo ang mga tiktik at nakakit ng pangitain, sa tingin ko nga, dapat ko nang paniwalaan na totoo ang mga ito "Nakita mo ba lola kung sino ang dalawang buntis na ito?" "Oo, si Luisa na asawa ni Larry, at ang bagong lipat na si Mandie" apat na buhay ang manganganib sa isang gabi lamang? "Ang kinababahala ko, parehong walang maaaring pomrotekta sa dalawang buntis na iyon. Ang asawa ni Luisa ay kasalukuyan ngayong nasa Manila dahil sa trabaho nito at maaaring bukas pa ng hapon ang uwi, samanatalang si Mandie naman ay sa pagkakaalam ko, nag-iisa lamang ito nang dumating siya rito sa Lapaz" "Ehh paano iyan lola? Nasabihan mo na ba sila? Nasaan ba ang mga kamag-anakan ni...?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Succubus Queen

read
27.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook