SANDRA'S P O V " Bukas bibili na ko ng plane tickets natin? Magaling ka naman na, 'di ba? " masuyong tanong ni Tim sa akin pagka balik sa k'warto after nilang mag- usap ng Mommy niya. Umupo ulit siya sa ibabaw ng kama sa gilid nang kinahihigaan ko. " I- Ikaw, b- bahala ka. A- Ano . . ahm, s- sasama pa ba ako sa b- bahay n'yo pagkarating natin sa M- Manila? " nauutal kong saad, ewan ko ba kung bakit lumakas ang kabog ng aking dibdib. " Oo naman! Sabay tayong uuwi at asawa kita! Tsaka, mula ngayon kung nasaan ako e dapat kasama ka, ganoon ka rin dapat sa akin. " tugon naman niya kaya tipid lamang akong napa ngiti " A- Ano ang sasabihin natin k- kapag nagtanong sila kung bakit tayo magkasama? " usisa ko ulit, hindi nga kasi mawala ang agam- agam ko " 'De sabihin nating i- ta- try nati

