TIM'S P O V " Kaunti na lang ito ubusin mo na. " masuyong saad ko kay Sandra habang sinusubuan ko siya nang niluto kong lugaw, ngumanga naman siya at naubos na nga ang laman ng mangkok na hawak ko. " Inumin mo itong gamot mo. " turan ko pa sabay kuha no'ng sinabi ni Sarah na bilhin ko raw para mapababa ang lagnat ng kanyang kakambal. Nawala na nga ang kanyang lagnat at bahagya na lang din daw masakit ang kanyang katawan. Baka nga kung nalaman nila Sarah na si Sandra ang iinom ng kanyang inireseta ay baka hindi pa niya sabihin sa akin at ang malala pa siguradong magagalit sila. " Thank you! " pilit ang ngiting tugon naman niya pagkatapos inumin ang gamot kaya inilapag ko sa bedside table ang basong pinag- inuman niya. " A- Ano ang nangyari riyan sa kamay mo? " paos ang boses na tanong

