SANDRA'S P O V " Ano ba problema mo!? Hindi ka naman ganyan kanina! O baka naman nagsisisi ka na dahil isinama mo ko rito pabalik ng Pinas at ipinakilala sa family mo!? " mahinang sigaw ko para hindi kami marinig ng aming mga kakambal nang ayaw pa rin niyang hawakan ko siya na tila nandidiri sa akin. " Of course not! " mabilis naman niyang tugon, " A- Ano lang kasi . . . " tila hirap niyang sabihin ang kanyang nasa sa loob, bakas kasi sa pangahan niyang mukha na tila problemado siya sabay hilamos ng palad. " Kasi . . ? " ulit ko sa huling sinabi niya na umaasa na itutuloy ang kanyang sasabihin. " Basta! H'wag ka ngang maraming tanong! " npa pitlag naman ako dahil tumaas ng bahagya ang timbre ng kanyang boses kaya naman natakot ko, ngayon lamang kasi niya ako pinag taasan ng tinig.

