SARAH'S P O V " Ano nangyayari sa dalawang iyon!? Mukhang hindi pa tapos ang lover's quarrel? " natatawang saad ni Tom nang lumapit ako sa kanya habang kausap niya ang mga tauhan ng tubuhan. " Ewan! Hindi naman nag kwento si Sandra! " kibit balikat ko namang tugon, hindi kasi lumapit ang kakambal ko sa asawa nitong naka sandig sa puno ng akasya at tila naman masama ang tingin ng kakambal ni Tom sa kapatid ko. " Baby! " mariing tawag naman niya sa pangalan ko kaya naman napa lingon ako sa kanya at sumenyas na lumayo ako. May kumausap kasi sa akin na isang tauhan na tila hindi nalalayo ang edad sa kanya. Kaya naman pilit akong ngumiti rito tsaka nagpa alam ng mahinahon. Lumayo na ako sa kausap ko at lumapit sa aming pamilya. Naiwanan pa rin si Tom kausap pa ang mga trabahador. " Bab

