Naekie's POV
-Sa kalye-
"Ano ba!? Layuan nyo nga ako!" Sigaw ko kila Barok kasi nakahawak sila sa kalakal ko, mga sesae! Imbiyerna sila! Jusko. Nanakawan pa ata ako!
"Ibigay mo muna sa amin 'to." Sabi ni Barok sa akin. Yung tinutukoy nyang ibigay ko sa kanila is yung kalakal ko.
Tanghali na ngayon at marami na rin akong nakukuha! Mga kalahating sako tapos ay gegetsingin lang nila ng ganon ganon lang? Ayyyyy, unfairrr! Sungalngalin ko sila eh!
"Anong ibigay? Bombilya ka ba?" Palaban kong tanong kay Barok.
Ibigay mo 'yang mukha mong puro bukbuk! Charot! He does not have bukbuk! May peslock din kaya ang isang toh! Diminyi ngi ling.
"Hindi mo ibibigay oh, sasapakin ka namin!" Matapang na banta nito sa akin. "Ibigay no na kasi para hindi ka na masaktan pa." Dagdag pa nung mga kasama nya habang tumatawa. Kay babaho naman ng hiniga! Ang lakas makatawa! Hindi ba nila naa-amoy? Juskoo! Toothbrush din pag may time with toothpaste! Baka naglilinis nga ng ngipin, tae naman ang gamit. Kaya ganyan ang amoy. Kasuka.
"At bakit ko naman ibibigay sa inyo ito, ha? Ayaw nyo kasi pagbutihan ang pangangalakal n'yo." Sagot ko sa kanila sabay tadyak sa dragon ball ni Barok.
"Arayyyyy!!!" Pag-iinda nya ng sakit. So nabitawan nya tuloy yung sako dahil humawak siya sa dragon nya.
Buti nga! Hahahahahahahah napapala mong sira ulo ka!
Matapos ay dali dali akong tumakbo ng super bilis, para makatakas sa kanila. Andami kaya nila no.
"Hoyyyy, bumalik ka dito" Malakas na hiyaw ng mga kasama nya habang hinahabol ako.
Sige lang! Habulin nyo ang reyna!
"Habulin nyo muna ako! Plitz." Pabebe kong sigaw sa kanila.
Follow me, mga palakang araneta!
"Gago! Bakla!" Sagot nila at feeling ko huminto na sila then may sinabi pa ulit na ako naman ang napahinto "Magbabayad ka!" Ayan.
Anong magbabayad? Eh wala naman akong natatandaan na nangutang ako sa kanila?
Meron ba?
Iisipin ko wait!
Ay wala talaga!
Eh, ano yung sinasabi nila na magbabayad daw ako?
Bobo ba sila!?
Babalik nga ako doon para malinawan ako!
May magbabayad bayad pa silang sinasabi! Tegi sila sakin.
Ayoko ng ganon! Wala naman akong utang sa kanila e.
Roarrrrrrr!
"Hoy! Anong magbabayad ako sa inyo, may eltanggo ba akes sa inyes?" Malakas na bunganga ko sa kanila habang nakapamewang.
"Ha? Hahahaha, hindi mo kami na'gets! Bopis na bakla!" Sabi nung isa sa kanila habang tawa sila ng tawang lahat. As in, tawa talaga sila ng tawa!
Bakit kaya?
Ano bang nakakatawa sa ginawa't sinabi ko?
Bumalik lang naman ako dito para itanong kung may-utang ako sa kanila, kasi ang kuda nila mag-babayad daw ako.
Eh wala naman akong natatandaan na nangutang ako sa kanila kaya ako bumalik. Tapos pagtatawanan nila ako ng wagas? Mga balugae ba sila!?
"I'm not stupid like you! So ano na nga, may-utang ba ako inyo para magbayad? How much nang mapag-ipunan ko na? Imbernae kayo!" Tanong ko sa mga shutang ito.
"Hahaha! Tanga, wala kang utang sa amin! Hirap kang umintindi no? Halata naman e. HAHAHA!" Humahagikgik na salita sa akin nung bungi sa kanila, so habang nagsasalita siya. May fountains na kasama. Kaderder ang laway.
"Oh wala naman pala eh! Ano yung sinabi nyong magbabayad ako!?" Imberna kong kuda sa kanila. Wala naman pala akong jutang na aru. Sinasabi pa kasing magbabayad ka, bumalik tuloy ako dito.
"Hays! Ewan ko sayo! Parang-awa mo na. Umalis ka na harapan namin. Pinapasakit mo lang ang puso't ulo ko." Pagmamakaawa ni Barok sa akin habang nakahawak pa sa ulo nya.
Ay ba't may puso? Ano ako sakit?
"Yah later aalis ako, pero bago 'yan sabihin nyo muna sakin kung bakit ako magbabayad? Dali para maka-alis na ako." Pamimilit ko sa kanila.
Nagtinginan sila at mukhang walang gustong magpaliwanag sa akin kung bakit ako magbabayad. Tumigin si Barok sa isa at ayon ang pinagsalita nya. Kumamot pa ito sa ulo bago magsalita. Magsa-shampoo ka kasi boy! Iwas kamot!
"Ganito kasi yan Naekie! Kaya ka magbabayad kasi tinadyakan no yung Jr ni boss Barok. Hindi pera ang ibabayad mo sa amin. Kung hindi 'yang katawan mo kasi ganon ang patakaran namin kung sino ang chicks na mananakit ng physical kay boss Barok. Katawan ang kabayaran! Wahahaha!!" Mahaba nitong paliwanag sa akin.
Gosshhhh, ayon pala ang ibig sabihin nila ng Magbabayad. Hindi ko na' gets agad. Maygoodness! At ang kabarayan ay hindi pera kung hindi body language. Ano kamo!? Katawan? Shunga ba kayo! Never kong ibibigay 'tong katawan ko sa hindi ko jowa at hindi ko mahal ng todo todo.
"So? Chicks ako ganon?" Tanong ko sa kanilang lahat.
"Oo, kasi kahit na ngangalakal ka lang e ang kinis at ang puti mo. Yummy!" Manyak na sagot sa akin ni Barok.
Haaaa? Kadiri naman ito.
"Shutae ka!" Sigaw ko dito sabay sampal sa pes nya kasi nga nagulat ako. Gusto nyo siguro kayo ang sampalin ko! No? Charr!
"Arayyyy! Sumosobra ka na ha!" Inda at sabi sa akin ni Barok sabay kinuha ang kamay ko.
Ay? Aalokin nya ba ako ng kasal?
Oh Baka naman ikikiskis nya yung kamay ko sa ano nya! Yahhhhhh!!!!!!!!! Ano ba tong iniisip ko!
"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko ulit sa kanila kasi hindi na kami nakaalis sa ganitong scene. Yung hawak epek!
"Ayoko nga!" Sagot nito sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko! Yak, kadiri 'tong taong ito.
"Iwwwww....Pak!" Pandidiri ko sinampal ko siya ng napakalakas. Sabay takbooooooooooo hoooo todoooo na tooooo
Sa awa naman ni Father God ay hindi nila ako naabutan. At wala rin akong narinig sa kanilang magbabayad ka! Nakuuu kung meron man ay hindi na ako babalik. Bahala sila doon. Mga pashnea!
So, I decided to awra nalang kila ate Tibang para maibenta na 'tong mga kalakal ko. Baka magetsing pa nila e mahirap na. Jusko lang talaga!
"Oh ang aga mo namab atang magbenta?" Pagbungad sa akin ni ate Tibang nang makarating ako sa Shop nila.
Paki-alam mo? Hahahah Chaerot! Si ate Tibang to dapat behave.
"Eh wala po kasi ganong kalakal ngayon eh." Pagsisinungaling kong sagot. Ayokong ikuda pa sa kahit kanino ang nangyari doon sa kalsada kanina lamang. Nakakasira ng p********e.
"Ganon ba? Oh sige, ganito nalang. Kung gusto mo dito nalang kayo tumira sa amin ni Ading." Nakangiting sabi sa akin ni ate Tibang.
Nang sinabi 'yan ni ate Tibang sa akin ay si Dave kaagad ang pumasok sa isipan ko!!! No wayyyy.
Nagulat din ako syempre kasi ganon yung sinabi nya. Grabe ang bait talaga nya.
"Ha po? Bakit po?" Gulat kong tanong kay ate Tibang.
"Masyado na kasing delikado ngayon. At alam ko naman na ang bahay nyo ay saglit na saglit lang matatapos ng kalaban. So ayun napag-usapan namin ng asawa ko na dito nalang kayo patirahin sa amin. Tutal naman eh, palagi naman kayong nandito at kilala naman na natin ang isa't isa." Mabang paliwag sa akin ni ate Tibang.
Truths ba? Omgggg!
"Salamat po dyan, Ate. Pag-iisipan po namin ni Ading." Nakangiti kong tugon sa kanya.
Eh, paano si Dave? Patay ang sitwasyon naming dalawa! nakuuuuu papayag ba ako? Or not? Kay ading nalang ang final desisyon.
"Pag-isipan nyong mabuti 'yan. Hahah! Para sainyo din 'yan." Paalala nito at ngumisi.
Nagbibiro lang ba siya? Pero mukha namang totoo.
"Siya nga po pala, ayan na po ba ang sasabihin nyo sa amin ni Ading?" Paglilinaw ko.
Ngumiti siya bago sumagot "Oo, sa 'yo ko lang nasabi kasi alam kong nasa school pa si Ading."
"Totoo po talaga?" Hindi makapaniwalang tugon ko sa itinuran ni ate Tibang.
Tumango lang siya! it means?
Totoooooo ngaaaaaaaaa!!!!!!!! Wala nang patumpik tumpik pa si ate Tibang! Direct to the point ang Dyosa!!!!
Nashulala tuloy akis, at bumalik lang ako sa aking normal na katauhan ng tumawa at magsalita siya.
"Hahaha sige. Ibibigay ko nalang ang bayad nito mamayang gabi, bumalik kayo isama mo na si Ading para mapag-usapan natin 'yan." Nakangiting habilin nito sa akin.
Hay, ang bait talaga nilang mag asawa. Biruin nyo ay papatirahin pa nila kami sa bahay nila. So bait di ba? Kahit hindi namin sila ka'dugo pero todo effort sila sa pagtulong. Sabagay, minsan yung sarili mo pang kadugo ang hindi tutulong sa 'yo.
Eh wala naman kasi kaming relatives eh! So wala talagang tutulong! HAHAH!
Napag-usapan din namin ni ate tibang ang tungkol kay Darnae bago ako umuwi. Hanggang sa aking pag-uwi ay si Darnae ang bukang bibig ng mga tao dito. Hindi ko na talaga mapipigilan ang patuloy nyang pagsikat.
I T U T U L O Y。。。