Ading 25

1424 Words
Naekie's POV "Truly ba 'yan ati?" Gulat na tanong sa akin ni Ading. Nasa bahay na kasi kami ngayon at ikinuda ko muna sa kanya ang naging laban namin ni Goblinae. Pero yung tanong nyang iyan e, is for doon sa sinabi sa akin ni  ate Tibang. After ko kasing ikuwento yung kay Goblinae is sinundan ko na kaagad ng kay Ati Tibang ganon! At hindi makapaniwala ang Ading, halata naman siguro sa tanong nya. "Truee Ading! So what is your decision?" "Ayyyy tarayyyy hmmmm...!" Sagot sa akin ni Ading with pa unggol sa dulo. Unggol ng kalabaw. Hahah. "So, ano na nga?" Tanong ko ulit sa kanya. "Sige gora tayo, kasi for me ha, it's time to let go all the pain that happened here in this place. This is the right time to experience something new while bringing the lessons that old experiences brought to us." Seryosong sagot ni Ading sa akin. "Taray, bongga ng sagot ha! Iwanan yung mga sakit, ganon?" Tanong ko kay Ading. "Oo Ati, yung mga sakit!" Ulit nya sa sagot nya. "Sa lugar na 'to?" Tanong ko ulit sa kanya. Isa pang ulit na sagot! Pipilipitin ko 'yang mani mo. HAHAHA charrr! "Oo Ati, sa lugar na 'to." Juliet nya ulit. Ayoko na! Inu-ulit ulit nya lang! Ano ako tanga hindi naririnig yung mga itinatanong ko sa kanya at isasagot nya rin sa akin yung itinanong ko sa kanya. Bibigwasan ko na talaga 'toh. Jukjuk lang po! Hahaha! "Shutae ka Ading! Lilipat lang tayo ng kanto. Hindi tayo lilipat ng lugar. Pashnea ka! Jusko akala ko pa man din eh smarty ka!" Sabi ko kay Ading sabay sabunot ng mahina sa kilay nya. Charottt!! Sa ulo nya. haha "Ay oo nga ati! New na rin kasi 'yon jusko ka din e." Sagot nito. "Kung ganyon! Wrong ka don!" Ako. "Ha? Ako pa ang wrong e ang bongga ng sagot ko. But if that so, I'm proud of it because I believe that mistake can lead us to be a better person. And I, thank you!!!" Sagot nito sa sa akin. Taray, impernes may lead lead pa siyang nalalaman! Eh kung doon ko kaya patulugin sa gi'lead ng pusali? Anong say nya ngayon? HAHAHA, Charr! "Oo na. Oh paano yan?" Pag-iiba ko ng usupan dahil baka kung saan na naman ito magagawi. Hindi pala baka, dahil I'm sure na magagawi ito kung saan man. Baka mapunta pa kami sa New York eh! Kahit wala kaming passports ay tiyak magogora kami don. Hahahaahahah! "So ayun nga ati, that's my opinion kasi, our situation will get better if kay ate Tibang tayo di ba? Though, we can stand by ourselves but we cannot deny the fact that we need the help of other people." Essential na sabi sa akin ni Ading. Imperness ang ganda ng stand nya. "Pero sigurado ako na si Dave ay hindi tayo magugustuhan." Problemado kong ani kay Ading. "Ati, don't mind Him nalang! I know na magugustuhan nya naman tayo and it takes time. You'll not get all things in just a blink of an eye. You  need to have a bunch of patients." Paliwanag nya ulit sa akin ng super kabog. "Ayyy!!! Saan mo ba hinuhugot 'yang mga sinasabi mo Ading?" Tanong ko  dito. Kung ano ano kasi ang mga pinagsasasabi. Galing galing nya talaga! "Wala lang. Just an experience that needs to be spoken out." Sagot nito sa akin. Ayoko na, talo na akoo! Di na lalaban pa kay Ading. Ading lang malakas. So ayun nga nagpaalam na kami sa aming mga kahoy, sako't kawayan dito sa aming tahanan. We will miss you so muchhh!!! Mag-iingat kayo dito. Mommy is not here to protect you. Just be strong enough, lalo ka na sako! Butas na yung gitna mo, kasama na rin kayong mga kahoy, puno na pala kayo ng anay. Ikaw naman kawayan, batayan mo si sako at kahoy! Dahil sa tingin ko naman ay ikaw ang huling magtatagal kasi kakaunti palang 'yang bukbok mo sa katawan. Basta jingats kayeng lahat! Labyats -eulogy namin sa kanila kung ayaw nyo! Sige farewell na lang. Hahahahaahahahaha! Kalokae! Nagpaalam na rin kami sa lahat ng maiiwanan namin dito. Hindi biro yung gagawin naming paglalayag, kaya, mamimiss ko kayong lahat! Pajuliet-Juliet diba? Oo, para hindi kayo mag tampo. Hahaha, charrrr! Nagpa-alam narin kami kay ate Kiyondae na kung puwede ay pakitanggal na yung kuryente namin. Kasi sinabi namin sa kanya yung alok sa amin ni Ate Tibang and she agreed naman doon. So ayon. We packed our things. Pero Bago 'yan ay babalitaan muna namin si ate Tibang that we have now a final decision. /Ate tibang's house/ "Oh bakit hindi pa kayo maglipat kung ganoon din naman ang pala ang desisyon niyo?" Tanong sa amin ni ate Tibang nang maibalita namin sa kanya ang aming desisyon. Sa palagay ko ay na sa kwarto si Dave ngayon. "Ay bukas ng umaga na po kami lilipat. Bali nag-abiso lamang po kami ngayong gabi. Maraming salamat po!" Nakangiting sagot ko kay ate Tibang. "Ah ganon ba? Mabuti naman." Tugon nito. "Opo, hehe." Sagot namin ni Ading. "Eh, ate Tibang sang ayon po ba si Dave sa gagawin nyo sa amin?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko pa 'to nasasabi sa kanya." Sagot nito. "Ay baka po magalit si Dave kapag nalaman nyang dito kami maninirahan sa inyo" Magalang kong tanong sa kanya. Si Ading laging ganito, sightseeing pa rin sa bahay nila Ate Tibang! Laging nagagandahan. Kalokae! Ikinuwento nya rin sa amin yung naging performance nya sa school at super halakhak at papuri daw ulit ng nakuha nya mula sa mga kaklase nya. Tapos yung Bluepink na bato is pinatago ko na rin kay Ading. Hindi nga siya makapaniwala nung una. But super saya nya. Itatry nya daw minsan na lunukin 'tong bato. Hahaha sige sabi ko kaso ng ma'tegi ka. Hindi ka ko tatalab sayo ang mahiwagang bato kasi sabi yun ni Reynae sa akin. Maaari lang daw na magkroon ng katiting na kapangyarihan ang hahawak nito ngunit ito ay judt power to read minds or shield. So ayun. kung ano ang lumabas sa kanya is ayun yung magiging power nya. Hindi ko pa ito sinasabi sa kanya, para maloka siya kapag lumabas na yung power nya. "Magagalit siya oo pero wala naman siyang magagawa dahil mutual decision namin 'to ng daddy nya." pagpapaliwanag sa amin ni Ate Tibang. "Ay ayoko naman po na magalit siya dahil lang po sa amin." Sagot ko sa sinabi nito. "Kagaya nga ng sinabi ko, wala siyang magagawa at kakausapin rin namin siya ng daddy nya para paliwanagan siya." Paliwanag ulit nito. Naku, nakapabait talaga ni ate Tibang Pati na din yung asawa nya. Thank you po talaga Nae and Tae. And thank you lord. "Thank you po, Ate Tibang!  Mahal na mahal po namin kayo ni Ading. Salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa amin. Hinding hindi po kaming magsasawa na pasamalatan kayo. Maraming maraming salamat po kasi kahit hindi nyo po kami totoong kamag anak e pero kung ituring nyo po kami ay parang totoo nyo na pong pamilya, totoong mga anak. Maraming salamat po, ulit." Taos puso mga linya kay Ate Tibang kasabay nito ang kaunting patak ng luha na tumulo sa aking mga mata.  Nang ako ay lumingon sa aking kapatid ay halos maiyak na rin ito. Niyakap namin ni Ading si Ate Tibang  at syaka nag thank you ng nag thank you sa kanya. Sinapak pa nga namin ito e! HAHA, chaerot! "Tita, nanay, mommy o kaya mama na ang itawag nyo sa akin ngayon. Huwag lang Ate. Hahaha, para kasing magkakapatid lang tayo kapag ganon." Pambibiro nito sa amin matapos ang yakapan. "Oo nga po. Sige po. Tita nalang po." Nahihiyang tugon ni ading Kay ate Tibang. Hahaha, oo nga Tita. Kasi masyado nang matapang ang hiya namin kung mommy pa ang itatawag namin sa kanya. Keri keri na 'yang Tita. Tita Charmaine. Kabog kabog! "Ay sige gusto ko 'yan." Tumatawang pag sangayon ni Ate ay, este Tita Tibang kay Ading. Nakakapanibago lang. Hehe. Pinakain kami ni Tita Tibang sa kanila pagkatapos ng aming dramahan. May sinabi pa siya ulit sa amin bago kami tuluyang umalis. "At isa pang dahilan kaya namin kayo papatirahin dito is para may kasama si Dave dito sa bahay dahil aalis ako ng isang buwan. Pinapapunta ako ng aking kapatid sa Spain dahil magkakaroon lang ng pangmatagalang okasyon. Sinabi ko na 'to kay Dave ngunit ayaw nyang sumama." After sabihin sa amin to ni Tita Tibang ay nagkatitigan talaga kami ng bonggang bonggae ni Ading. Patays!  Paano 'yan!? Haysssss!! Anes gagawin ko sa time na 'yonnnn!? Mas namomroblema pa tuloy ako ngayon nito. Ngunit hindi ko na mababawi pa ang naging usapan namin ni Tita Tibang. Oh siya, bahala na nga si Darnae. Good luck sa akin, dahil mukhang papasok ako sa isang delubyo. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD