Naekie's POV
"Tulongggggggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Ano ba 'yon?
Napano, at sino siya?
Bakit siya nanghihingi ng tulong?
"Ading naririnig mo rin ba yung naririnig ko?" Tanong ko kay Ading na ngayon ay kinakagat yung kuko nya sa may daliri sa kamay.
Ayan ha! Completed na. HAHA!
"Oo, ati tulungan natin siya!" Pursigidong sabi nya. Bet nya talagang tulungan.
So ayun na nga, sinundan namin kung saan nang gagaling yung tinig na 'yon at mabilis namin itong natagpuan, nakasabit ito sa taas ng punong saging.
Ay OMG, baka mahulog siya dyan?
Marupok lang 'yung punong saging e. Batang ire oo.
"Tulonggggg!!!!!" Malakas na saklolo nito. Babae nga pala siya mga sasae. "Tulongggg!!!" Sigaw nya again.
Hindi nya ba kami nakikita? Bulag siguro ang isang 'to? Chaerot!
"Hoy Bakla! Ano bang ginagawa mo dyan?" Sigaw ni Ading sa may babae, at si ate girl nagulat kasi bigla nalang nagsalita si Ading, malakas pa ang boses nito. Nang dahil sa sobrang gulat ng babae ay nagdulot ito upang nahulog siya sa punong saging.
Bali for sure ang gulugod nito. Ikaw ba naman ang mahulog sa pure na lupa ay panigurado bali ang dapat mabali sayo.
"Aray ko!!!!!!" Ngawa ni ate girl na sobrang lakas. Naku nakakahiya siyang kasama sa lahat ng bagay sure ako. Chaerot!
Nilapitan namin siya ni Ading at syaka namin tinanong kung bakit siya nakaakyat sa puno at bakit rin siya ng hihingi ng tulong.
"Tulungan nyo muna akong makatayo bago ko 'yan masagot!" Panghihingi ng tulong nitong sigaw sa amin.
Ay oo nga no, nakalimutan namin siyang tulungang makatayo. Lumapit lang kami sa kanya at syaka dumaldal ng dumaldal. HAHAH!
So ayun na nga, tinulungan namin siyang makatayo.
"Hayshhh!! Aattend pa naman ako ng Birthday party! My gosh!" Reklamo nyang turan dahil nadumihan yung damit nya, yung pang jejemon na outfit. At huwag kayo mga sesae, yung gift nya hindi nya na nabitawan nung nahulog siya. HAHAHA! Safe na safe e. Ano kaya 'yon? Sa tingin nyo? Char!
Nagulat at nalokae nga kami ni Ading dahil nung pagtayo nya may bibit pa siyang regalo. HAHAH!
"Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa itaas ng puno?" Inosenteng tanong ko kay Ate girl.
"Hinahabol kasi ako ng aso kanina so, umakyat ako dito para hindi ako makagat kasi eto lang naman yung mababang puno sa tabi tabi." Pagkukuwento nya sa amin.
Jusko, akala ko naman ay umatake ulit yung mga goblinae na 'yon. Ngayon na ka ko yung tamang panahon para magamit ko itong Bluepink na bato, kaso hindi pa pala.
"Ganon?" Tanong ko sa kanya.
"Eh bakit hindi namin nakita yung aso? Wala naman kaming nakitang asong dumaan." Paglilinaw ni Ading.
"Eh baka umalis na di nyo lang napansin." Sagot ni Gurl.
"Umalis kaagad?" Tanong ko, ang bilis naman kasing nakaalis nung aso na 'yon. Hindi man lang namin naramdaman kahit kaluskos nito.
Nakakapagtaka lang, tapos kung aso nga 'yon? Bakit hindi manlang natahol? Wala manlang kaming narinig na tahol?
Ano pipi yung aso ganon? Walang boses? O tinatamad lang tumahol? Hays. Nakakalito lang.
"Eh ewan ko. Basta sight sight nyo nalang diyaan. Lilitaw din 'yon mamaya." Sagot nito sa amin. "Sige aalis na ako haa? Thank you!" Paalam at pagpapasalamat nito bago gumora.
"Wait baka habulin ka ulit ng aso?" Tanong ni Ading dito.
"Hayaan mo na! Keri lang." Walang halong takot na sagot nya.
Ay change character ability ganon?
To weak into forceful!?
Ang Taray! Bet ko 'yon.
Malalim na din pala ang gabi at hindi na namin iyon namalayan ni Ading. Nakatingin lang kami kay ate girl hanggang sa hindi na namin siya matanaw.
So ayun na nga, naglakad na kami ni Ading pauwi sa aming tahanan.
Ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay may sumigaw na naman ulit at nanghihingi ng tulong.
Ano ba 'yannn!!?
"Tulungan nyo ako!!!!!!"
Sino na naman kaya 'yon?
Baka naman nahulog lang siya sa pusali. Tapos ang OA nyang mag react, hingi kaagad ng tulong.
O baka katulad lang siya nung Babae kanina?
Nagkatinginan kami ni Ading dahil nung kung kanina lamang ay ordinaryong hiyaw lamang ito na nanghihingi ng tulong. Ngayon ay maslalo pang lumakas ang sigaw nito at may halo pang pag-iyak.
"Huhuhu!! Tulungan nyo akooo!!!" Panghihingi nito ng tulong.
"Nasaan ka?" Hiyaw ni Ading habang nakabilog yung dalawang kamay nya sa kanyang bibig upang sa gayon ay maslalong lumakas ang kanyang boses at marinig pa ito ng taong nanghihingi ng tulong. Hindi nya kami sinagot bagus may narinig ulit kaming salitang sure akong maloloka kayo.
"Phatayzs khanazz Ngahyhonzzzssxzz!
(Patay kana ngayon!)"
Haaa? Sino na naman 'yon?
Bakit ganon siya magsalita?
Nakalunok ba siya ng jejedrug?
Jejemon speaker ang shuta.
"Ati sino 'yon?" Pagtatakang tanong sa akin ni Ading.
"Ewan ko rin, para siyang jejemon!" Tugon ko.
Ilang sandali pa ay humiyaw ulit ang taong nanghihingi ng tulong...
"Tiyanakkkkk!!!"
At dahil dyan natukoy namin kung saan nanggagaling ang hiyaw. Dali dali kaming tumakbo patungo roon at kami ay totoong nagulantang sa aming nasilayan.
Nasa harapan namin ngayon ang sa tingin ko ay ang sinasabi nilang Goblinae.
Dahil?
Mukha siyang tiyanak!
Ngunit marami nga siyang pagkakaiba, kumpara sa tiyanak na alam nating lahat.
Eto na nga siguro ang sinasabi ng matanda.
Hindi muna ako lumapit doon bagkus, kinuha ko ang mahiwagang bato sa aking bulsa at ibinigay ko ito kay Ading!
Sabay sabing!
"Ading ang bluepink na bato?"
Ibinalik sa akin ni Ading ang bato.
Tinignan ko ito.
At dahan dahang nilunok.
Sabay sabing...
DARNAE!!
At may lumabas ulit na kakaibang liwanag, very colorful na liwanag. Unti-unti akong binalot nito at maya-maya pa ay naramdaman ko na na nag-iiba ang aking mga kasuotan.
Feel na feel ko ang pag tatransform ko hanggang sa ito ay matapos.
Ngayon ako na ulit si Darnae! Ang Baklang Darna!
Ngunit imbis na maging kulay pula ang aking kasuotan ay naging blue ang ibang bahagi nito. Yung bra, Panti at syaka yung helmet sa ulo.
Pak diba?
#Bluescluse! #Awrae!
Eto na ang tamang pahanon upang matiyak ko ang tunay kong kapangyarihan at para na rin malaman ng buong sambayanan na maykaisa sila sa hamon na ito.
"Ading magtago ka lang muna dyan, Babalikan kita mamaya." Seryoso kong bilin kay Ading.
"Okae Ati, sige. Good luck! Galingan mo haa? Ingat!" Pagsang-ayon at paalala nito.
Ngumiti lamang ako sa kanya at syaka pumunta doon kay goblinae.
"Hoy! Layuan mo siya!" Buong tapang kong pagpapaalis sa tiyanak mula sa, bakla?
Wait bakla yung biktima nya ngayon?
Oo, Bakla nga siya! Kalokae!
"Atzxsss Chinohxwvszz Kahz n4mhanz rahhh? (at sino ka naman?)= Maypanggigigil nyang tugon sa akin.
Confirmation! Jeje nga siya! Jejeng tiyanak!
"Hindi na mahalaga 'yon!" Sigaw ko sabay sipa sa ulo nya.
Ang epek?
Super lakas!
Tumalsik ang Lolo nyo!
Kabog!
Akala mo ha!
Talo na siya kaagad?
Ang bilis naman!
Gumora ako sa direksyon ni bakla at tinulungan ko itong makatayo.
May ilang galos sa kanyang balbon na hita. Bakit ba naman kasi nag sexy short pa siya eh parang gubat naman yung binti nya. Nakuuu. Tapos maga pa yung nguso ni mayora.
Nasapak siguro ni Jejemon? Hindi paman siya nakakatayo ng tuluyan ay bigla na akong hinatak ng jejemon na tiyanak.
"Aray ha! Ang duga mo naman! Humahaba yung braso mo!" Pang-aangal ko kay Gobline.
Humahaba kasi ang braso nya!
Bakit ganon?
Millennial na tiyanak!
"Hiehiehiehiehie!! Akalahzxss mhoz na+4L0 Mh0ew n4 4lGoblinae- ang Goblinae ay isang uri ng lamang lupa. Ito ay mga millennial na Tiyanak na kung saan sila ay sumasalakay sa gabi kung kanilang naisin. Marami itong pagkakaiba sa tiyanak na alam natin. Una, ang salita nito ay jejemon. Pangalawa, humahaba ang mga paa, braso at kamay nito. At ang panghuli ay naglalaho ito ng mabilisan na hindi manlang namamalayan ng kanyang o kanilang kalaban.
-Siya ngayon ang nilalang na nakaharap ng ating bidang si Darnae.
Itutuloy...