Ading 15

1231 Words
Darnae's POV "Wala na ba talaga siya!?" Tanong ni baks sa akin after nyang lumabas sa damuhan. "Nakikita mo pa ba siya?" Tanong ko. Hindi nya ba nakitang umalis na? Hay nako! "Hindi na eh." Walang malay na sagot nito. "Shungae!" Sabi ko sabay tampal sa kanya. "Are you real?" Manghang tanong nito habang tulala sa akin. Ha? Real? Yes, I am very real. "Oo naman no. Real ako." Sagot ko. "Wow! You have powers! Such an amazing power!" Nakangiting sabi nito sa akin. Ngumiti ako dito. "Btw, sino ka?" Tanong pa nito. "Kamukha mo si Darna! Ang ganda ng outfit mo! Bet ko, kulay blue pa! Pak na pak!" Dagdag pa nya. "Ako ang magtatanggoal sa Bayan..." Confident kong sagot "laban sa mga kasamaan!" Sagot ko pa dahil mukha siyang tanga na naghihintay ng kasunod ko pang isasagot. "So, sino ka nga?" tanong nya ulit. Atatitat ate? Hays, buti nga tinulungan ko pa siya eh! "Ako si... Darnae!" Nakangiti kong sagot. "Ang Baklang Darna?" Tanong nito. "Yahhhh! Ako si Darnae: Ang Baklang Darna!" Nakangiti kong sagot with pa buka buka pa ng bibig, yung parang Beauty Queen. Hehe! "Yahhhhh!!!!" Hindi makapaniwalang hiyaw nito. "O A?" Tanong ko habang nakataas yung isa kong kilay. "Hindi naman! Thank you so much!" Masayang sagot nya sabay yakap sa akin Napangiti na lamang ako. "Selfie tayo!?" Tanong nya after nya akong yakapin. "Okae, sige bet ko 'yan!" Sagot ko. Kinuha nito ang cellphone nya sa bulsa ng kanyang short. Rainbow colors yung case nung cell phone nya. Ang gandae! Kinatikot nya ito, sabay sabing "Eto na!" Ngumiti ako ng super kabog dahil sure akong ipo'post nya 'to in public. "Thank you again, Darnae!" Masayang pagpapasalamat nya after naming mag'selfie. "Welcome!" Nakangiti kong sagot. "Ipopost ko 'to sa internet para malaman ng lahat ng tao ang tungkol sa 'yon. At sa gayon ay maibsan din ang takot na nararamdaman ng mga tao ngayon." Sabi nya habang nagpipipindot sa CP nya. "Bahala ka." Sabi ko. "Ayan posted na! Yehey!!!!!!" Magiliw nyang ani. Nakangiti lang ako habang pinapanood siyang gumamit ng cell phone nya. Meron din akong cell phone dati, kaso ngalang nasira na. Ngayon wala na! "Sige, aalis na ako ligtas ka na siguro dito." Sabi ko at tuluyan ng umalis, narinig ko 'tong nagpasalamat ulit ngunit hindi na ako lumingon pa. Pupuntahan ko ngayon ang aking kapatid sa pinagiwanan ko sa kanya. Hinawi ko ang mga d**o at syaka ko siya na kita. Sumuot talaga sa very daming d**o si Ading, Jusko kati nyan! "Kapatid gising na!" Panggigising ko kay ading habang ginagalaw ko yung katawan nya. Nakatulog ang lande! Saglit lamang ay nagising na ito... "Ano Ati? Kamusta? Tapos na ba?" tanong sa akin nito habang nag-iinat pa. "Oo, Ading. Napaalis ko na yung Globinae na 'yon." Sagot ko. Tumango at ngumiti ito. Matapos ay dinampot nya ang mga pinamili namin sa palengke at syaka siya tumayo. "Ading anong oras na!?" "Abe malay ko ati wala naman akong relo dito." "Hahaha. Sabi ko nga." Nakangisi kong sabi sa kanya. "May fun chocolate ka ba dyan?" Tanong ko. "Eto ati, bumili ako sa tindahan kanina bago ako umuwi sa bahay dahil parang nasesense ko na na may mangyayaring ganito." Sagot nya at inabot ang fun chocolate sa akin. "Taray! Girl's scout. Reding redi." Ani ko. At binuksan ang fun chocolate na hawak ko. fun chocolate is the way para bumalik  ako sa pagiging normal, kung nakakalimutan nyo na. Dahan dahan ko itong inilagay sa aking bibig. Ilang saglit pa ay binalot ulit ako ng kakaibang liwanag kumpara sa kanina. Tumigil 'to kaagad at ako ay bumalik sa aking normal na katauhan. Ako na ulit si NAEKIE! Ang Baklang mangangalakal or namamasura. "Tara na." Yaya ako kay Ading dahil sobra na din ang gabi. "Kuwentuhan mo ako sa daan ng nangyari wah!?" Hilig nito. "Oo sige." Tugon ko. So ayun, naglakad na nga kami ni Ading patungo sa aming tahanan habang kinukuwento ko sa kanya ang nangyari sa naganap na labanan kanina. "Anyare ati doon sa Goblinae?" Tanong nito. "Ayun. Ano pa ba, adi natalo ng Ati mo!" Direct to the point na sagot ko. "Yun agad?" Tanong nya. "Haha sige eto na... noong una ako yung natatalo kasi nakasabunot ang lolo mo sakin pero nakawala ako galing sa pagkakasabunot nya nung batukalin ni baks si Goblinae ng malaking bato. So ako naman ngayon yung lumaban, hanggang sa may lumabas na super hangin nung winasiwas ko yung braso ko tapos may kasama yung malakas na hangin na mga kukong matutulis at tumama ang mga ito sa direksyon ni Goblinae at iyon ang naging dahilan kung bakit natalo ko siya pansamantala." Mahabang kuwento ko. "Pansamantala? What do you mean?" Tanong nya. "Oo pansamantala, dahil hindi ko pa siya totally natalo dahil bigla na lamang siyang naglaho." Sagot ko. "Ahhh so ano namang powers nya?" "Humahaba ang mga braso, mga paa at mga kamay nya." "Ay iba din e. Ano pa bukod doon?" "Oo. Ayon palang yung pinakita nya ngunit batid ko na hindi lang iyon ang mga kaya nyang gawin." "So, kung ganon kailangan mo talaga 'yang paghandaan. Hindi lang sapat na nadiskubre mo na ang iyong bagong kakayahan. Kailangan parin ng pag-iingat at pagdarasal ati." Very essential nyang paliwanag sa akin. "Oo Ading, tama ka. Maraming salamat. Doble ingat din tayo." Tugon ko. "Yes! Pero in all fairness ati sa new powers or ability mo! Ang taray!" Masayang ani nito. Ngisi nalang ang naging tugon ko. Nagdadaldalan lang kami ni ading sa daan hanggang sa kami ay tuluyan ng makauwi sa aming tahanan. Ibinaba ni Ading ang mga dala nya, yung bigas at yung ulam na hotdog. Lulutuin ko pa 'to ngayon, nagpahinga muna saglit si Ading ngunit ako ay naghugas na nang kaldero na pagsasaingan ko. Narinig kong nagbukas siya TV habang nag-uurong ako. At maya maya ay nagulat ako sa sigaw nya sa akin..."Ati! Sikat ka na! Tignan mo, bilii!" "At bakit naman? Ano ba 'yan?" Tanong ko dito. "Nasa balita ka na, tara dito!" tugon nito. Dali dali akong pumunta ako sa harapan ng TV at totoo ngang nabalita si... Darnae! Hindi ako. Kalokae! Sa balita: Kasabay ng pagdating ng mga kalaban na masasama, ay siya din bang pagdating ng tagapagligtas? Viral ngayon sa social media ang picture na ito na kasama ang isang netizen at ang super hero daw ayon sa kanya nagngangalang Darnae: Ang Baklang Darna. Mukhang may sagot na ang ating mga dasal na magkaroon ng taga-pagtanggoal ang ating bayan laban sa kasamaan. Salamat sa Diyos! Ang taray, totoo nga! Ang bilis namang mag'viral nung post ni bakla. "Yiee!!! Sikat na siya!" Pang-aasar sa akin ni Ading. "Cheeee! Hindi ako 'yan! Si Darnae 'yan!" Tanggi ko. "Ay oo nga no! Sabagay! Pero at least diba?" Sagot nya. "Oh siya, patayin mo na 'yang TV at malakas sa kuryente wala na tayong pambayad." Linya ko sa kanya at bumalik sa pag-uurong. Pagkatapos kong mag-urong ay inunaban ko yung bigas and ready to saing na. Nagpaliyab ako ng apoy sa kalan naming di kahoy at syaka ko inilagay ang sinaing. Naluto ang kanin ilang minuto lang ang nakalipas, isinunod ko namang lutuin ang hotdog ngunit bago 'yan ay inalis ko muna yung plastik nito at syaka nilagayan ng hiwa sa gilid... Maya-maya pa ay natapos na ang lahat! "Ading, kakain na.." Tawa ko sa kanya upang makapaghapunan na. Kumain kami ng matahimik hanggang sa kami ay matapos. Naglinis muna si Ading ng katawan nya at naglatag ng higaan bago matulog at waittttt... Nag pray pa siya. Sana kayo din. Ako naman ay nag-urong again ng pinagkainan namin dahil para wala ng urungin bukas. After kong mag-urong ay nag-igib muna ako sandali sa poso para may tubig na rin kami kinabukasan. Nilinis ko na din ang katawan ko doon para ready to sleep nalang. Hayss... daming naganap this day! Thank you, God, Nanae and Tatae! At sa mga taong tumutulong sa amin. Kay ate tibang at Reynae! Good night po!! Masayang ani ko bago tuluyang lamunin ng antok. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD