POV of Ate Tibang
Hello! This is my first point of view. Magpapakilala muna ako. My name is Charmaine Bezos, mother of Dave Bezos. He is my only child. Sunod siya sa luho at layaw. I'm a former teacher and my husband is a seaman. Pinatigil ako ng aking asawa sa pagiging teacher para mabantayan ko ng maayos si Dave at para na rin mahandle ko ng maayos ang maliit naming negosyo.
"Nasaan ka na?" Tanong ko kay Dave sa cell phone. Ka-usap ko siya ngayon.
Anong oras na kasi wala pa din yung bata na yon jusko, ang kulit.
Hindi ko naman talaga siya tinatawagan kapag late na siyang umuuwi. Kaso ngayon ay may nabalitang may umatake daw na kakaibang nilalang.
"Ma, nandito pa po ako kasama ko si saciah. Mamaya pa po ako uuwi. Maaga pa." Tugon nito sa akin sa cellphone.
"Umuwi ka na! Bilisan mo ngayon na. Delikado!" Medyo galit kong sabi sa kanya nang sa gayon ay matakot naman siya sa akin.
Minsan takot siya, madalas hindi.
Pero sa ama nya. Takot parati.
Huwag ko daw i-spoiled sabi ng asawa ko. Kaya daw nagkakaganoon ang ugali.
"Bakit po? Anong delikado?" Tanong nya.
"Basta umuwi ka na." Sagot ko.
Pinutol ko na ang linya kahit hindi pa siya sumasagot dahil umilaw na yung computer namin. Tumatawag yung Daddy niya ngayon. Kanina ko pa kasi siya inaabangan. Ganitong oras siya kadalasang tumatawag.
Dali-dali akong tumungo roon at sinagot ang tawag.
"Hi!!" Masiglang bati ng asawa ko sa akin.
Ang cute nya talaga. Hays. Bagets.
Ngumiti ako sa kanya at sumagot "Hello!" Tugon ko. "Kamusta ka dyan?" Tanong ko pa.
"Haha. Okay lang naman ako dito. Medyo nalulungkot, pero kailangan. kayo kamusta dyan?" Sagot nya.
"Eto namimiss ka." Nangungulila kong sagot sa kanya.
"Heto naman! I Love you kaya!" Nakangiti nyang sabi sa akin.
"Yieeeee. I love you too! Muah" Maharot kong sagot sa aking asawa.
Ang harot ko. Grabe! Kidding.
"Ihhhh..." Kinikiling nyang tugon sa akin habang iniindayog ang mga balikat. "Oh nasaan nga pala si Dave? Wala na naman dyan?" Dagdag pa nya.
"Ano na naman bang iba sa batang 'yon?" Balik kong tanong sa kanya.
"Hays. 'Wag mo kasing i-spoiled ayan tuloy kung ako nandyan hindi siya magkakaganyan" Mahinahon nyang sabi sa akin.
See?
"Oh siya, kumain na ba kayo?"
"Ako kumain na. Si Dave ewan ko kasama na naman si Saciah. Umalis silang dalawa."
"Oh sino naman yung saciah?"
Ano 'to? Puro tanong? Quizbhie ganon? hahah joke.
"Yung babaeng. Parating kasama ni Dave dito sa bahay. Kaibigan nya daw."
"Sus, kaibigan daw. Baka girlfriend nya na yan ha!"
"Ewan ko. Ayoko sa babaeng 'yon. Parang mataray, magmamano lang sa akin. Matapos ay papasok na agad sa kuwarto ni Dave." Pagku-kuwento ko sa kanya.
"Ahh...bantayan mo ng maigi yung dalawa na 'yon. Baka hindi pa man ako nakaka-uwi ay buntis na yung babae." Paalala nya sa akin.
"Oo, masusunod." Sagot ko.
"Ohh sige bukas nalang ulit. Mag-ingat kayo dyan. I love you!" Paalam nito.
Idinikit ko yung labi ko sa monitor at ganon din yung ginawa nya para bang naghalikan kami.
Muahhh!!!
"Ingat ka rin, huwag papagutom. Mahal ka namin ng anak mo." Pahabol kong habilin sa kanya bago tuluyang mawala ang signal nito.
I love them both. They are the reasons that my heart use to continue staying alive.
Minsan nakakalungot na wala siya dito. Pero sanayan lang. Ganoon talaga para sa pamilya. May tiwala ako sa asawa ko na hindi siya gumagawa doon ng ikasasakit ng damdamin naming dalawa ng anak nya. Marami kasing nababalita na madalas daw gumagawa ng pangangaliwa ang mga seaman. Pero yung asawa ko hindi ganon. I trust Him the way I trust my self. Subukan nya lang gumawa ng hindi maganda doon at gigisahin ko talaga siya sa sarili nyang mantika hanggang sa masunog siya.
Panginoon nawa po ay palagi nyo kaming gabayan.
Ingggg...
-Tunog ng pagbukas ng pintuan.
Tanda na nandito na si Dave.
"Oh kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya nang siya ay makapasok.
"Opo! Akyat na po ako." Matipid nitong sagot at umakyat na sa itaas kung saan naroroon ang kanyang silid.
"Mainam naman. Mag-iingat ka palagi. May umatakeng kakabaibang nilalang doon sa may kanto kanina lamang." Hiyaw kong paalala habang siya ay paakyat.
Huminto ito saglit nang marinig ang sinabi ko, matapos ay pinagpatuloy na ang pag-akyat.
Matutulog na nga rin ako. Nakakapagod kasi ang araw na ito.
Sa makalawa pa babalik yung mga katulong ko sa junkshop at kakagaling ko lang din sa pamilya ng asawa ko. Wala naman kaming katulong dahil kayang-kaya ko naman ang mga gawain dito bahay.
Naaawa talaga ako sa magkapatid na Ading at Naekie. Ang babait nilang mga bata ang kaso nga lang ay maaga silang nawalan ng mga magulang kaya ito ang kanilang pinagkakakitaan, ang pangangalakal. Wala namang masama doon dahil marangal naman ito. Makakaahon din sila sa hirap balang araw. Tumingil sa pag-aaral si Naekie at inuna munang pag-aralin si Ading ang kanyang nakababatang kapatid. At hindi naman nabibigo si Naekie kay Ading dahil siya palagi ang first honor sa klase nila. Sakripisyo para sa katapid. Ganyan ang ginawa nya. Hindi masamang magsakripisyo lalo't kung ito ay magdudulot ng maganda sa ating kapwa lalo na't sa ating mahal sa buhay.
Tagumpay ang nakalaan sa taong handang maghintay at gumagawa ng tama sa buhay.
Minsan ay tinutulungan ko rin sila. Sa pagbibigay ng pagkain at pagdaragdag bayad sa kanilang benta. Sa ganito bang mga simpleng bagay na alam ko na malaki ang naitutulong sa kanila.
Sinarado ko ang lahat. Pinatay ko ang ilaw at syaka ako humiga.
Marami pong Salamat!
Labis ang aking pagpapasamalat sa Maykapal sa lahat ng bagay na ipinagkaloob nya sa amin at ipagkakaloob pa nito. Sa kaligtasan at sa walang sawang paggabay. Pati na rin sa matiwasay na buhay. Maraming Salamat po!
I T U T U L O Y...