Ading 8

1536 Words
Naekie's POV After nang super daming usok. Rather, the colorful lights. "WOW! Ati ikaw ba 'yan? Juskoooo bungieeee!" Manghang tanong sa akin ni Ading habang tinatakpan ng kanyang mga kamay ang kayang bibig. Tinignan ko ang aking sarili gamit ang salamin na nasa aking harapan at talaga ngang nagbago ang aking kasuotan hindi lamang ang aking kasuotan, kung hindi pati na rin ang aking pisikal na itsura. Talaga ngang totoong may kapangyarihan ang batong ibinigay ni Ateng. Ngunit saan kaya siya galing? Paano siya nagkaroon ng ganitong uri ng bato? At nakakapagtaka rin dahil ang bilis nyang tumakbo. Bigla nalang siya nalawa ih. Kailan kaya kami ulit magkikita? Para kung sa gayon ay magkaroon ng kasagutan ang aking mga tanong na naririto sa aking kalooban. Kalooban talaga? Lalim eh no! Ahahaha, Chikae! "Oo Ading, ako 'to wala ng iba pa." Masiglang sagot ko sa kanya. "Ati kamukha mo na ngayon ang idol nating si Darna!” Super sayang sabi nya habang tumatalon sa tuwa at pumapalakpak pa. "Oo nga eh. Pero huwag kang maingay Ading, baka may makarinig sa atin.” Paalala ko dito. "Oo Ati. Try natin yung powers mo, kung meron.” "Ngunit saan naman? Eh wala naman tayong space dito?" "Doon tayo ati sa bukid, gabi na wala ng tao doon at i'try natin kung nakakalipad ka." "Sige. Pero bago 'yan, i-check mo muna kung may tao sa labas dahil hindi nila ako puwedeng makita ng ganito.” "Adi bumalik ka muna sa pagiging si Naekie mo!" "Hindi ko alam kung paano Ading." Problemadong sagot ko sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung paano bumalik sa pagiging si Naekie! "Hindi ko din alam Ati! But try kong mag-isip!" Wika nito at saglit na tumahimik upang mag-isip ng solusyon. Habang hinihintay ko siyang sumagot ay may nagsalita sa aking isipan... "Naekie!? Naekie?"  Pagtawag sa aking isipan nang kung sinuman. Sino siya? Hala! Ano tohhh!? Bakit may ganitis epek!? Hindi kaya namamaligno na ako!? "Sino ka?" Tanong ko sa kanya. "Ako si Dyosavela.” Sagot nito. "Sinong Dyosavela? At syaka paano mo ako nakakausap gamit lamang ang aking isipan?" Tanong ko ulit sa kanya. Nakakakaba ha! "Ako yung Baklang tinulungan mo kanina doon sa damuhan at ako ay isang Reyna ng mga Kabaklaan. Nakakausap kita dahil mayroon akong kapangyarihan." Paliwanag nito sa akin. "Ha?" Gulat ko. "Kaya po pala ang bilis mong tumakbo kanina! Buti nalang po at kina-usap mo ako dahil marami po akong mga tanong sa aking isipan." Dagdag ko pa. "Isa lamang ang masasagot ko dyan dahil hindi pa ngayon ang tamang panahon. Babalik ka lang sa pagiging normal kung kakain ka ng isang chocolate. Yung Fun chocolate. Tigpipiso lang yun kaya may pambili ka! Ahahaha." Sagot nito na parang nang-iinsulto pa. Wow ha! Tigpipiso lang 'yon! "Totoo po?" Tanong ko dahil hindi ako makapaniwala na Fun Chocolate lang ang susi para bumalik ako sa pagiging si Naekie. "Oo, sige, Babushhh na!" Pagpapaalam nito sa akin. "Wait lang po!" Panghahabol ko sa kanya ngunit bigla nalang itong nawala. Hays! Totoo kayang Reyna siya? Sino ba talaga siya? Ang dami nyang kayang gawin! Nakakabilib! "Oh ati anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Ading na mukhang nag-aalala. "Kinausap nya ako sa aking isipan." "Ha? Sino eh tayo lang naman dalawa dito? At para kang shungae kanina sabi mo pa wait lang! Sumisigaw ka pa ati! HAHA, sabi mo huwag maingay ikaw pala ang sisigaw.” "Yung Baklang nagbigay ng Bato na to!" Tugon ko sa kanya. "Talaga ba? Oh anong sabi?” "Tinanong ko kung sino siya at ang sabi nya ay Reyna daw siya ng mga kabaklaan." "True ba ati?" "Oo. At sabi nya pa na babalik lamang daw ako sa pagiging si Naekie kung kakain ako ng isang chocolate.” Paliwanag ko. "Anong namang chocolate ng makabili na ako sa tindahan?" Pagmamadaling tanong nya. "Yung Fun Chocolate yung favorite natin.”  "Ay sige Ati. Jusko yun lang pala! Wait mo ako bibili na ako ng lima, may five ako naman sa bulsa" Sabi nito sabay takbo ng super bilis papunta sa tindahan. Naisip ko lang, if I have powers now So, it means that merong darating na kalaban? Kagaya nalang sa mga ibang fantasy. Sa Television o sa libro man. Ganon! Hala! Kung may super hero, may kalaban! Pakkkkk!!!!! I should be ready in fact. Ano daw? Hahaha. Hindi muna ako magtatanong kung bakit ako ang napili at mag-iisip ng kung ano-ano. Just enjoy muna the present! Ganorn! "Ati eto na!" Wika ni Ading sabay bigay sa akin ng limang Fun chocolate. "Thanks Ading!" Kinuha ko ito at binuksan. Matapos ay kinain din. Maya-maya pa ay bigla ulit nagliwanag, kakaibang liwanag kumpara sa kanina. Iba siguro kapag nagtatransform ka into Darnae at babalik ka into Naekie. Bonggae! Ang daming pasabog ha! Hindi ko kinaya. Tumigil ang liwanag at ako ay bumalik sa aking normal na katauhan. "Successful Ati!" Sabi ni Ading "Hahaha Oo nga! Trueee!" "So, tara na?" Tanong nya sa akin. "Sige Tara na!" Sagot ko. Lumakad na nga kami papunta doon sa bukid upang itry kung may kakayahan ba akong lumipad. Habang na sa daan. Ay nakita ko ulit sila Dave at yung Babae na naglalakad ng magkasama. Itinuro ko 'to kay Ading ngunit wala naman siyang naging reaksyon. Hayss!! Hindi kaya, crush ko na si Dave? Hindi ko muna pagtutuunan 'yan ng pansin. Later nalang. Hahaha, Chaerot! At nakarating na nga kami sa bukid... "Ati! Go dali, try mo na!" Pagmamadali ni Ading sa akin. Tumango lang ako sa kanya at...                     "Ading ang Bluepink na bato!?" Iniabot sa akin ni Ading ang bato. Tinignan ko ito. At syaka dahan dahang nilunok. Sabay sabing... DARNAE!!! At bigla ulit akong binalot ng color full na liwanag na kung saan ang makakakita dito ay masisiklaw ng bonggang bonggae! In worst, baka mabulag pa sila! Jokes! Ahahah. Kaya si Ading takip mata epek. Hanggang sa matapos ang liwanag at ako ay nagbalik sa pagiging si Darnae. Ngayon ko lang napansin ng todo ang aking kasuotan. Super kabog pala nito! Girl na girl ako dito Jusko! Goddd!! T rueee! Gensae! "Powerfull Ati!" Ani ni Ading after nang aking pagtatransform. Nginitian ko lamang siya. "Try mo na Ati!" "Sige." Sagot ko at nagconcentrate na ako sa aking gagawin na paglipad. itinaas ko ang aking kanang kamay, At syaka ipinikit ko ang aking mga mata. Iniisip kong lumilipad ako. Sa una,          Mahirap.                    Nabigo ako! Ngunit sa pangalawa, Nakalipad na nga ako ng super kabog! Father God, nakakalipad na ako! Thank you so much!!! Muah! Kitang kitang ko mula dito ang magandang tanawin sa ibaba. Ang magagandang ilaw, kabahayan at marami pang iba. "Atiiiii!!!" Tawag ni Ading sa akin mula sa ibaba. "Ang gensa dito Ading! Super lolo!” "Ati sama mo naman ako dyan! Para naman ma-experience ko din.” "Hindi ko pa kaya, pero sige ita'try ko." Tugon ko sa kanya at sabay baba. "Kapit ka lang sa likod ko ha!?" Paalala ko. "Sige" Sagot nya sabay kapit sa aking likuran na animo'y isang palakang naputulan ng buntot! Kalokae yung part na 'yon! Ahahaha. Taas kamay.            Concentrate. Pikit.           At maya maya pa ay muli ulit akong nakalipad. Ngayon alam ko na yung way! "Wow ang gensa! Ati thank you for bringing me here!!!!" Masayang ani ni Ading habang tinatanaw ang mga tanawin sa aming ibaba. "Ang lamig. Ang gaganda ng mga ilaw at ng mga tanawin." Dagdag pa nito. Siyang siya ang kapatid ko ha! Ang dami pa nitong sinasabi sa akin na kung ano-ano. So tuwa siya! Promise. "Super enjoy!?" Tanong ko sa kanya habang kami ay nasa himpapawid. Paikot-ikot lamang kami sa ganitong sitwasyon dahil kung lalayo kami ay baka may makapansin sa amin. Sa ngayon mas maganda siguro kung kami palang ang nakakaalam ng tungkol dito. Bumaba na kami nang kami ay magsawa sa paglipad. Halos makabisado na rin kasi namin ang lahat ng tanawin sa ibaba. Ahahaha! "Super Joyful" Abot tenga ang ngiti nya ngayon ha. "Truee ka don!" "Ano pa kaya ang powers na meron ka Ati?" "Ewan ko. Siguro sapat na 'yan para sa araw na 'to. Lalabas din 'yon sa tamang panahon." Napagdesisyunan namin na bumalik na sa aming tahanan dahil masyado ng lumalalim ang gabi at may pasok pa si Ading kinabukasan. kumain ulit ako ng Fun Chocolate at bumalik ako sa pagiging normal. Bilang si Naekie. Naglakad kami ni Ading pabalik sa aming tahanan na para bang walang nangyari. Nang kami ay matapat sa bahay nila Aling Charmaine, si Ate Tibang. May sasakyan na pumasok doon at iniluwa ng sasakyan si Ate Tibang. Sa wakas  ay bumalik na siya Salamat Father God! Maibebenta na namin ang aming mga kalakal. Ngunit ang tanong ay saan nanggaling si Ate Tibang? Hays! Syaka na ulit 'yan. Malalaman ko naman 'yan kapag nagbenta na ulit kami ng mga kalakal namin. Pinagpatuloy namin ang aming paglalakad hanggang sa kami ay makauwi. Humiga na kaagad si Ading. At dahil na rin sa sobrang kapaguran ay nakatulog kaagad ito. Ngayong araw na ay matutulog kami na walang laman ang aming mga sikmura, medyo sanay na rin kami sa ganito kaya hindi na namin masyadong iniinda. May maganda namang nangyari eh. Be thankful nalang! Ang tanging na sa aking isipan ay ano ang mangyayari ngayon sa buhay ko, sa buhay namin ni Ading ngayon na mayroon na akong kapangyarihan. Kailangan kong paghandaan ang mga bagay na maaring mangyari sa hinaharap. Bago ako matulog ay nagdasal muna ako at nagpasalamat sa panibagong buhay at biyaya. I tu tu lo y...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD