Naekie's POV
"So ati ano na nga iyon?" Agarang tanong akin ni Ading nang makauwi kami sa aming tahanan.
Madalas kong gamitin yung term na Tahanan dahil kapag tahanan kasi masaya kayong namumuhay na magkakasama sa iisang bubong. Kahit na maraming problema ang dumarating magkakasama nyo itong hinaharap ng walang takot dahil alam nyo sa sarili nyo na hinding hindi nyo iiwanan ang isa't isa. Hindi katulad ng bahay, sa bahay kasi na term parang wala lang magkakasama lang kayo sa iisang bubong. Ngunit walang kasiyahang nararamdaman kung baga basta may mauwian lamang kayo at may silungan sa pang araw-araw na buhay.
Maraming mang opinyon ukol dito
huwag parin nating kakalimutan na ang dalawang ito ay pareho lamang na mahalaga, magkaiba man ang tawag sa kanila.
"Huwag ka munang umepal habang nagkukuwento ako ha?" Paalala ko sa kanya. Medyo epal kasi ito minsan.
"Oo. Sige ati goooo!"
"So ito na nga, nakita ko kasi sila Dave kanina kasama yung babaeng sinasabi ko sa 'yo. Then, para hindi ko sila makita at hindi din nila ako makita, dahil kapag nakikikita ko si Dave mabubuwisit na naman ang araw ko, ang yabang kasi. Hindi nagmana sa mga magulang. Tapos ayon, magtatago sana ako kaso na'realize ko na hindi dapat ako magtago. I decided na lilitaw na ako kaso, nagkalaglag yung mga kalakal sa damuhan. Kaya pinulot ko at bigla kong narinig na nagsalita si Dave. At 'yon na nga yung sinabi nya. Then noong makaalis na sila at nailagay ko na lahat yung mga kalakal, aalis na sana ako kaso may biglang nagsalita. Isang bakla din. At nanghihingi ito ng tulong, so ayon tinulungan ko ito at..” Mabang pagkukuwento ko sa aking kapatid with some pabitin. Para ma'enjoy nya naman.
"At ano ati?" Pagsingit nya.
"At after non ibinigay nya 'to sa akin!" Sagot ko at ipinakita sa kaniya ang mahiwagang bato na kulay Asul at Pink na bigay sa akin ni ateng kanina sa damuhan.
"Ha? Ate trulalut ba? Ano daw ibig sabihin n'yan?" Pag-uusisa nito.
"Kaya daw nitong baguhin ang buhay ko, buhay natin."
"Yun lang?"
"At kapag nilunok ko daw ang bato na 'to at isinigaw ko daw ang gusto kong name, magiging super hero daw ako.” Sagot ko at biglang kumunot ang noo nito ngunit bigla ding bumalik sa normal nung nagsalita ulit siya.
"Hmm... True ba? What if ati, try natin?"
"Ha? Shongae ka ba? Baka ikamatay ko 'to!"
Medyo scary din kasi, bato ito no. Baka kung ano ang mangyari sa akin.
"Shungae hindi no. Ati parang si Darna lang. Ganon! Remember?”
"'Ay, oo nga no! May point ka don!" Pagsang-ayon ko.
"Oo Ati, tapos yung isigaw mong name "Darnae", pinagsamang pangalan nyo ni Darna. Dar+Nae= Darnae! Oh diba Bongga? Powerful!"
"Ay bright idea! Tapos ikaw yung, Ahmmm... si Ding? Ganon?"
"Ay oo, Ati! Bet ko 'yan, but you will call me by my name Ading. Ako ang magtatago ng bato na iyarns! Charot!" Masayang pagkakasabi nito.
"So try na natin?" Dagdag pa nito.
"Sige wala namang mawawala e kung ganon man. Mamamatay lang ako, pero okae na rin 'yon. Marami na rin naman akong nagawa dito sa mundo. Hahaha, charottt!"
"Lande! So Ate gayahin natin sila. Amina mo na yung bonggang bato na 'yan. Tapos ibibigay ko sa 'yo kapag tinawag mo na yung pangalan ko. Gets?"
"Sige, oh!" Pagsang-ayon ko sabay abot ng bato sa kanya ng BluePink na bato. Kinuha nya ito at humanda...
"Sige, Ati go na!"
"Wait kinakabahan ako!" Maypagka-alinlangan kong sagot.
"Ano ka ba ati? Go na! Trust that person!" Pagpipilit nito sa akin.
"Sige na nga nag-iEnglish ka na!”
Gusto rin naman pala andami pang say. Ahaha!
Tumango lang siya bilang tugon.
"Ading ang Bluepink na bato!?" Hiyaw ko kay Ading ngunit sa mahinang tono lamang baka kasi may makarinig pa sa amin. At sabihin pang kami ay nababaliw.
Pwes!
Wala silang alam!
Mga Bruhilda ng taon!!!!
Ahahah, chaerot.
Hindi sumagot si Ading bagkus ay iniabot nya lang sa akin ang BluePink na bato.
Dali dali ko itong kinuha at tinignan...
maya-maya ay dahan dahang nilunok
Sabay sabing...
DARNAE!!!!!
Biglang may liwanag na super colorful ang lumamon sa aking katawan at ilang sandali lamang ay mararamdaman ko na para bang nagbabago ang aking mga kasuotan.
Tandang umiepekto na nga ang kapangyarihan ng bato!! Trueee ngaaaa! May powers nga ito.
DYOSAVELA'S POV
Hea mga atea! Meya namea is Dyosavela atea akesa angesa Reynasa ngasa mga kabaklaansa!
(Hi mga ateng! My name is Dyosavela. At ako ang Reyna ng mga kabaklaan.)
Hahaha, ino'normal mode ko na nga yung anes ko. Nahihirapan na si Otor. Pati na rin ako. Hehehe!
"Kailangan na nang bagong taga-paglistas, mahal na Reynae!" Wika ni Fewturetea sa akin habang ako ay naririto sa aking maaliwaslas na hardin.
Si Fewturetea ay ang aking kanang kamay dito sa kaharian. May kakayahan siyang makita ang mangyayari sa hinaharap.
"At bakit naman?" Tanong ko dito kasi nag mamaganda. Naka'violet pa na pilikmata ang lande.
Beking Beki. Itchuserah!
"Dahil may bago na naman po akong pangitain. Reynae!" Tugon nya sa akin.
"At ano naman iyon?"
"Muli naman pong nabubuhay ang puwersa ng mga kasamaan at ito ay nalalapit nang maghasik ng lagim sa kalupaan." Seryosong paliwanag nito sa akin.
"Kung ganoon, bababa ako sa kalupaan upang maghanap ng isang baklang karapat dapat na maging tagapagtanggoal ng bayan." Sabi ko sa kanya...
"Ngunit habang wala pa ako ay ikaw muna ang aatasan kong magbantay sa ating kaharian, Fewturetea!” Dagdag kong pananalita sa kanya.
Ang aming kaharian ay tinatawag na Ingeynasyon- kung saan ang mga nakatira dito ay puro mga kabaklaan na pumanaw na sa mundong ibabaw.
"Ay bet ko 'yan, Reynae! Sige gora ka na! But before you go, sarahan mo muna ng super powers mo yung lagusan nang sa gayon ay walang makapasok ditong kalaban." Paalala ni baklita sa akin.
Ako pa ang inutusan ng lande!
Ngunit gagawin ko na lamang para na rin sa kaligsatan nila at para na rin mahanap ko na nang mas maaga ang bagong tagapagtanggoal. -Ani ko sa aking isipan bago tuluyang bumaba sa kalupaan.
Narinig ko pa ang Babusshhh ng bakla! Ahahaha. Ang sweet.
Dumagsak ako sa isang damuhan. Damuhan talaga? Goshh Baka naman maahas pa ako dito! Naku lang.
Wait parang may tao doon? Ay meron nga! At feel ko ay beki rin siya.
Pak tumapak kaagad.
Try ko itis...
Aresa kesa shelungan nyesa akesa!
(Aray ko tulungan nyo ako!)
Malanding sabi ko with paawa epek para naman maawa siya sa akin at ginawa ko naring kaawa-awa ang aking sarili.
Shulungan nyesa akesa! Hapdisa puwetsa kes! Givelabansa Nyesa akesa ng napkensa
(Tulungan nyo ako! Mahapdi ang puwet ko! Bigyan nyo ako ng napkin)
Pagiimbento ko ng mga sasabihin dahil wala akong masabi, ngunit nararamdaman ko na mabuti ang taong ito at sigurado ako na ako ay kanyang tutulungan.
Nakita ko itong lumilingon lingon sa paligid at mamaya pa ay nakita na nya ako...
"Ano pong nangyari sa inyo?" Tanong nya sa akin with very concerned voices of the Philippines. Ahaha!
Sabi ko na nga ba, bakla din ito.
"Shulungan mesa akesa givelabansa mes akes ng napkensa!" Pagmamaka-awa ko sa kanya.
"Sige po, ngunit wait lang po. Hintayin nyo po ako bibili lang po ako sa tindahan. Mabilis lang po ako." Wika nito sabay takbo.
Ay taray! He understood.
Ilan saglit lamang ay dumating na 'to...
"Eto na po!" Abot nito sa akin ng napkin, tinapay at tubig
"Ay shushalen ka no! Maypa'water and bread! Laylesa! Mayaman ka gurl?” Ani ko sa kanya sabay bukas ng supot ng Tinapay at kumain.
Kunware gutom ganern!
Anong purpose nung Napkin?
Hahah..
Wala lang.
Kemelatik lang!
Ilalagay ko muna ito sa Bag ko.
"Ay hindi naman po sa ganon. Sa katunayan po nyan e ay nangangalakal lang po ako dito at sa hindi po sinasadya ay nakita ko po kayo dito.” Sabi nya sa akin habang ako ay patuloy lamang sa pagkain.
Natomi na talaga akis, dahil siguro sa pagkakabagsak! Ahahah, chaerot.
"Truly? Very much napakabuti mong bata ka. Nang dahil dyan sa kabutihan mo, hayaan mong ibigay ko sa 'yo ang isang bagay na makakapagpabago ng iyong buhay." Sabi ko gamit ang normal na salitang ginagamit nating mga Pilipino sabay abot sa kanya ng batong Asul with color Pink.
"Ano po ito? At paano po nito mababago ang aking buhay?" Tanong nya sa akin.
Naguguluhan siguro siya.
"Ayan ay isang mahiwagang bato na kung saan kapag ito ay iyong nilunok at isinigaw mo ang gusto mong pangalan ikaw ay magiging isang tagapagtanggoal na katulad ng super hero na iyong iniidulo." Paliwanag ko sa kanya habang patuloy lang sa pagkain.
Kinikilatis nya ng super bongga ang bato at ayon sa kanyang reaksyon nang ito ay kanyang mahawakan, bigla siyang nagulat dahil sa sobrang linis at kinis nito.
"Geysi! Geysi nes! Taposa na akesa, gorasa na akesa. Babursa!" Sabi ko sa kanya sabay tayo at tumakbo ng super tulin habang tumitili.
Finally, na hanap ko na siya sa mabilis na panahon na hindi nahaggard ang Pes ko.
Sure ako na gagamitin nya 'to sa kabutihan kahit hindi ko pa 'to sabihin sa kanya. Dahil alam kong napakabuti nyang bata.
Nawa ay magtagumpay siya laban sa kasamaan gamit ang kanyang napakalakas na sandata at ito ay walang iba kung hindi ang kanyang kabutihan ng kalooban, at ang mahigawang bato ang kanyang masisilbing gabay at lakas upang harapin ang mga pagsubok na kailangan nyang labanan.
ITUTULOYYYYYYYYYY!!!!..