POV of Naekie, ang Bida!
"Atiiiiiiiiiiiiiiii!!!?"
Wait!
Si Ading yun ah!?
Wala ba silang pasok?
Oh, baka naman nag cutting classes siya? Dami ng classes e no? HAHAH!
Ay patay sa akin itong batang ito.
"Ati ano bang ginagawa mo dyan sa damuhan? Parang kang shungae dyan!" Sabi nito sa akin habang hingal na hingal na aminoy isang tutang inagawan ng isang kilong tinik.
Nakauniform pa ang lande! Hindi manlang nagbihis e ang hirap hirap maglaba.
"Hoy Ati? Tulala?" Tanong ulit nito.
Hindi pa ako makapagsalita dahil nag-iisip pa ako ng isasagot ko. Nakita nya kasi ako dito sa gitna ng damuhan.
"Ah eh...Ha? Wala. Anong gagawin ko dito?" Maangan kong tanong.
"Ha? Anong wala!? Ati shungae ka ba? At syaka bakit mo naman kinalat yang mga kalakal natin? Ewan ko sa 'yo ha!" Usisa nito.
"Ah...Eh...Nahulog lang ka--si!" Pautal-utal na sagot ko sa kanya.
"Ay! Ati Parang may tinatago ka sa akin? Huh? My secret ka no! Ano yun? Ha? Ano 'yon? Tell it! Ano 'yon? Ha?" Sobrang pag-usisa nito sa akin.
"Ha? Anong secret ka dyan? Wala no!"
"Eh bakit nauutal ka? At syaka para kang kinakabahan at feel ko kung ano 'yun! HALA! Siguro ati nakapatay ka no!? Halaaaa!!!!" Salita nito sa akin habang nandudumilat ang mga mata.
Don't tell me!
Tinatakot nya ako?
No need! Sa face pa lang nya sobra na yung takot ko. HAHA!
"Ha? Sinasabi mo!? Bakit ka nga pala nandito?" Pabalik ko ng tanong sa kanya.
Chakae, hindi naman kasi ako ganoon kasama para makategi ng taon. Bakit ganon yung iniisip nya?
Warrr ko to eh! HAHAH, chaerot.
"Malamang ati wala ako don!" Pilosopo nito at tinuro ang kaldasa.
Aba!
Aba!
Aba!
Maria!
Abe pala yun,
Okae. Wahahahaha. Sornae na.
"Nagcutting classes ka no!?"
"Hoy Ati! Huwag mo sakin ituon yung usapan!"
"Hindi ko binabago ang usapan! Ang Tanong ko ang sagutin mo! Nagcutting ka ba? Ha? Anong oras pa lang nandito ka na."
"Minsan. Charotttttt! Alateri Ati?” Tanong nito "Hindi ako nag cutting no! Halfday lang kaya kami kaya maaga akong nauwi." Paliwanag nito.
"Oh eh bakit kayo nag'halfday? Anong ganap?" Tanong ko at the same time pagbabago na rin ng usapan.
"Ala lang, kemerutrut lang ni titser! Gusto mo 'yon, Ate?"
"Paanong kemerutrut fruit salad lang?"
"Wala lang, nagperform lang kami nung ginawa nating Reverse Poetry noong nakaraang araw. Ayun, marami kasing nag'perform kaya inabot na kami ng tanghali.” Mahabang tungon nito. “Oh Ano? You have something to ask pa?” Dagdag pa nya.
"Okay, wala naman na. Sinabi mo na lahat, ano pang itatanong ko? Ahahaha, chaerot! Oh kamusta yung performance mo?"
"Ano pa ba Ati!? Syempre so perfect! Alam mo naman si ako. Very Artistahin! Ganorn popcorn! Ahahaha!"
"Adi mahusay! Masaya ka na? Btw, Adi Congrats! I'm so proud of you! Galing galing talaga. Love you!" Dagdag ko pa.
"Thank you Ati! But yung tanong ko naman ang sagutin mo. Puwede ba?”
"Ano ba kasi yun?"
"Ay shunga ka? Nakalimutan kaagad ng super bilis? Ano 'to Ati? Bulol ka ganon? Ahahah Charot!"
"Sigee Sori na!" Sagot ko
"Eto na nga, sasabihin ko na. Atat e." Dagdag ko pa.
lumiwanag ang mukha ng bakla dahil sa aking tinuran! Taray! Flashlight yung mata ko Ganon? Ahahaha okae.
"Talaga ba?" Tanong nito sa akin with kurap kurap mata.
Parang Butiking naipitan ng pakpak eh! Wait may pakpak ba ang butiki?
Sa tingin nyo? Wala ata? Pero parang meron din? Ay Bahala na nga siya.
May kanya kanya naman tayong paniniwala at opinyon eh.
We should respect each other's belief nalang. Ganon!
"Oo! Pero alisin mo muna yang kulangot sa tenga mo! Charet sa ilong mo! Kaderder! Jusko ang bahooo!!!!" Linya ko sa kanya ng mayhalong pandidiri.
"Weh? Meron ba?" Tanong nya.
"Oo!" Matipid kong sagot.
"Nasaan?" Sabi nito sabay kapa sa ilong nya! Yung pa'simpleng kapa. Alam nyo yon? HAHAH!
Hindi ako sumagot bagkus ay kinuha nya ang salamin ko sa aking bulsa at inilagay nya ito sa kanyang harapan upang tignan kung mayroon ba talaga siyang hindi kanais-nais na dumi sa parte ng katawan nya.
Mga sasae tigpipiso lang tong salamin na 'toh huwag ng magtaka kung bakit meron ako nito! Ahahaha.
"Ay truly nga! Mygoshhhhh"Gulat nito nang makita nya ang kanyang itsura sa salamin.
Yakkkkssss Pabilog pa eh!
ihhh... So, kaders.
Tinapon nya ito sa malayong bayan haha at syaka kumuha ng Alcohol sa bag nya.
Ay tarayyy!
Bakit may pa alcohol ang Lola nyo! Aber??
Ang Arti ha!
Samantalang mas marumi pa 'tong mga kalakal na 'to kaysa sa kulangot nya kung tutuusin.
"Saan ba galing iyang Alcohol mo? Bakla ka ng universe!"
"Matagal na ito, Ati! Hindi ko lang nagagamit kaya puno pa. HAHA!" Sagot nya. "So, go na sabihin mo na yung chika mo." Sabi nya pa
at syaka naupo sa damuhan na amino'y isang matinong estudyante na nakikinig ng mabuti sa kanyang guro.
"Ay hindi ko na pala sasabihin dito. Sa tahanan nalang para safe." Pang-aasar na pagbitin ko sa pagka'echoserang nyang pagkatao.
"Ehhhh!!!" Reklamo nito.
"At bakit? Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yo na maupo ka dyan na parang isang matinong mamamayan ng ating bayan?"
Hindi 'to sumagot ngunit inirapan naman ako.
Bakit may pa'irap?
Eh kung tusukin ko kaya yung mata nya ng panglitson?
Tignan ko lang ang galing nya!
Ang taray, may pa irap eh!
Eh kung tusukin! Ay hahaha uulit na pala.
"Hoy! Ang mata mo! Sinasabi ko lang talaga Ading. Kilala mo ako." Punto ko.
"Kasi naman Ati eh!"
"Kasi Ano!? Ha? Ano?"
"Wala sabi ko sornae! Sige, payag ako na sa bahay mo nalang ikuwento."
Masunurin talaga siyang Bata.
Kaya love na love ko siya eh!
"Buti naman!"
"Oh siya. Ati kumain ka na ba?" Pagbabago nito ng usapan.
"Hindi pa eh, ikaw ba?"
"Hindi pa din Ati. Kumain muna tayo bago tayo ulit mangalakal nagugutom na din kasi ako.” Sagot nya sabay kuha ng bag nya at inilagay ito sa harapan nya.
Binuksan nya yung malaking zipper at kinuha yung Lunchbox na kulay violet ang takip! Shocial eh! Hahah!
"Sige toming tomi na rin kasi akis!" Sagot ko. Tomi means Gutom
Kumain kami ng mapaya ni kapatid. Masaya naming pinagsaluhan ang kakaunti pero napakahalangang biyaya ng maypakal.
Biyayang iyong ipagdarasal sa araw-araw na sana'y palaging matupad at ipagkaloob nya upang tayo'y patuloy pang mabuhay sa daigdig na ating kinabibilangan.
Ogg!! Dighay ni kapatid!
Bersyon ko 96.100%! Ahaha!
"Tara na Ading!" Pagyaya ko sa aking kapatid nang kami ay matapos na sa aming pagkain at nang makapagpahinga na ng kaunti.
Impernes medyo malilim dito sa damuhan kaya hindi mainit.
"Okae Ati!" Sagot nya at binitbit ang kanyang bag.
Ako naman ay inilagay ko yung mga ibang kalakal na natapon sa sako at syaka namin ipinagpatuloy ang naming pangangalakal.
Ganito ang aming buhay! Simple pero Masaya't Malandi higit sa lahat positibo. Malungot man minsan, pero kasama 'yan sa buhay. Hindi naman sa lahat ng oras ay palagi kang makakaramdam ng saya, sometimes we need to feel sadness. Sabeee?? Basta.
Oh ayan na!
Pulot!
And then lagay sa sako!
Pulot and then lagay!
Tingin sa paligid
Kung mayroon
Ilalagay!
Kung wala naman, magpapatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makakita.
Halos sa isang araw ay dalawang baranggay ang nalilibot namin ni Ading sa pangangalakal.
Nakakaramdam kami ng Pagod?
Oo syempre tao rin naman kami no! Ahaha, anong akala nyo sa amin? Banakal!? Cheee!
Pero hindi na namin masyadong iniinda 'yon. Wala naman di namang mangyayari e.
So, ipagtuloy lang natin ang laban. Pushhh lang, pak ganon!
Darating din ang araw na lahat ng ating paghihirap ay mapapalitan ng sarap. Aasenso rin kami. Hindi man ngayon, ngunit sinisigurado namin na balang araw.
Kumikita naman kami ng isang daang piso sa isang araw o kung mas sinuwerte talaga ay lagpas pa dito ang aming kinikita.
Ito yung ginagamit namin upang mayroon kaming maipangbili ng mga bagay na kakailanganin namin sa aming pang araw-araw na pamumuhay.
"Ati marami na 'to! At syaka gabi na rin oh!" Sabi sa akin ni kapatid na nagpabalik sa akin sa wisho.
"Ha? Oo nga!" Tugon ko sa kanya.
"So, tara na? Uwi na tayo para na rin maikuwento mo na 'yung kanina." Excited na sabi nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa aking kapatid tanda ng aking pagsang-ayon.
Tahimik lang kami sa aming paglakad ni Ading patungo sa aming tahanan. Ngunit kasabay ang gulo ang aking isipan ulot ng pag-iisip kung paano ko uumpisahan ang aking pag kukuwento sa kanya ng pangyayaring naganap kanina lamang.
At malaon ay tuluyan na nga kaming naka-uwi sa aming tahanan.
Itutuloy...