Ading 33

899 Words
Naekie's POV Ilang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay wala paring paramdam ang mga baklang ibon. Ako na kaya ang nangyari sa kanila? Nalalapit na ang araw ng pag-alis ni Tita papunta sa ibang bansa at nalalapit na rin ang graduation ng aking nag-iisang kapatid na si Ading sa elementarya. Hays ang bilis talaga ng araw. Katulad ng mga ordinaryong araw na nagdaan, ganoon pa rin ang ganap hanggang ngayon. Si Dave apura pa rin ang pang-aasar sa akin at panggagago. At yung Saciah na yon ay nakiki-epal pa! Apura lantod nung isang araw na kakabuwisit! Naghahalikan pa ang mga pashnea. Nasilip ko lamang. Nakaramdam ng kirot sa puso, oo pero agad ko namang pinipiligan iyon dahil wala naman ako sa lugar upang magselos, kung ganon nga ang aking nararamdaman. Syaka na lilito na talaga ako. Kasi nung una crush ko lang siya pero habang tumatagal yung mga pangaasar at panggagago nya sa akin ay kasabay na rin ng paglalim ng nararamdaman ko para sa kaniya. Alam ko na hindi ito tama kaya pipilitin ko itong pigilan dahil sa mga dahilan na tanging ako lamang ang nakakaalam. Si Ading naman, masayang masaya dahil sumisikat na rin siya hindi lamang sa social media pati na rin sa television. Ay magkamuka lang ata iyon? Hahaha, hayaan  na natin! Masayang masaya rin naman ako para sa kanya bilang kapatid nya. Sa mga araw na lumipas ay may mga natulungan na rin siyang mga ordinaryo at inosenteng mga tao, kahit na wala ako sa kanyang tabi laban sa mga taong ordinayo lang din. Mga tao na tila naiwaksi na sa kanilang isipan ang paggawa ng mga katotohanan at puro mga kamalian nalang ang kanilang pinaggagagawa. Hindi naman mawawala sa isang super hero ang magtamo ng mga galos o sugat. Kaya minsan ay nagkakaroon rin kami ng ganyang mga bagay. Minsan ba tinanong ko manlang kung bakit ako yung napili ng Maykapal para sa ganitong kalaking obligasyon. Siguro hindi  naman mawawala 'yon para sa isang taong kagaya natin na tanungin sa mga sarili natin kung bakit tayo ang naatasan sa ganitong uri ng obligasyon. Oo, natanong ko rin 'yan sa ang aking sarili minsan sa tuwing may hindi magandang nangyayari ngunit wala na akong magagawa dahil ito na 'to, hindi na natin ito mawawaksi sa ating mga sarili. Natuklasan na rin namin ni Ading na sa tuwing na sa kanya ang mahiwagang bato ay mananatili siya sa kanyang normal na katauhan, ang pagiging si Ading. Pero kapag ang mahiwagang bato ay nahiwalay sa kanyang pangangalaga ay babalik siya sa kanyang super hero na katauhan o mas kilala ng lahat bilang si Adae baterflae. Hahaha, bongga dibaaaa? Ang kanyang kapangyarihan ay gagana lamang sa mga taong kinamumuhian nya. Ngunit kung tao na ito ay nakakasama nya sa isang bubong hindi rin siya tatablan ng kapangyarihan nya. Kaya ganoon na siguro ang nangyari nung tinira ko siya ng ipo-ipo with kuko powers ko dahil tinablan siya at nung itinry nya ring basahin ang mga isipan naming tatlo sa bahay. Si Dave, si Tita Tibang at ako ay hindi nya ito nagawa pero ito ay nagagawa nya sa mga taong kinamumuhian nya. Kawawa naman ang magiging kaaway ni Aading. Pero nagtataka din siya dahil gumana yung power nya doon sa may mga tao sa parking lot ng mall kahit hindi nya naman kinamumuhian ang mga iyon. Maharil gumagana din ito sa mga taong hindi nya kakilala o sa mga taong walang gagampanan na mahalaga sa buhay nya. Si Reynae naman ay sobrang dalang nalang magparamdam. Baka busy sa pagiging reyna nya. Marami kasi siyang obligasyon na kailangan nyang gampanan, hindi lamang para sa akin. Sa pagiging sa tagagabay ko. Ngunit lalo na sa kanyang buong nasasakupan. Si Tita Tibang naman, ayun, walang sawa pa rin ang pagtulong sa aming magkapatid. Naka'usap na rin namin muli ang asawa ni Tita Tibang, na si Tito Eman. Sobra kaming nagpasalamat sa kanya. Kasabay ng aming pasasalamat ang mga hulang dahan dahang nanalaytay papunta sa ibabang parte ng aming mga mata. Mga uhog na patuloy sa pag-agos mula sa aming ilong. HAHAHA! Walang uhog, charot lang 'yan! Naka-usap na rin naman kasi namin dati si Tito Eman sa personal nung mga panahon na nandito pa siya sa bahay nila. Masasabi ko na dito nagmana si Dave ng kanyang kaguwapuhan. Puti naman ang Nakuha nya sa kanyang ina. Ngunit ang ugali nya ay hindi ko matiyak kung saan nya ito na mana. Marahil ay gawa-gawa nya lamang iyon sa kanyang sarili. Masaya dito kila Tita Tibang hindi dahil sa hindi na kami nangangalakal kung hindi dahil kahit papaano ay nararamdaman namin ang buhay na mayroon kang kahit naiisa lamang na magulang. Nararamdaman din namin ang buhay na marangya na kailanman ay hindi namin naramdaman ni Ading kahit noon na nabubuhay pa ang aming mga magulang. Hindi sa sinisisi namin ang aming mga magulang sa kadahilanang hindi nila sa amin naibigay ang ganitong uri pamumuhay. Bagkus nagpapasalamat pa ako, kami sa kanila. Dahil kahit na ngayon na malaya si Tita Tibang naibigay lahat ng gusto namin at pangangailangan namin ay naturuan nila kaming maging isang mabuting indibiduwal na hindi kaagad sunggab ng sunggab sa mga biyayang nakahain sa aming harapan. Bagkus kahit na ganoon pa man ay naturuan nila kami na dapat paghirapan muna ang mga bagay upang sa gayon kung ito ay aming makukuha ay maslalo naming mararamdaman ang lubos kasiyahan dahil alam namin sa sarili namin na pinaghirapan namin ang mga ito, bago ito tuluyang mapasa-amin. Maraming salamat po sa lahat!! Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD