Ading 32

1520 Words
Darnae's POV Darnae! Nandito ka! Nandito si Darnae! Ang cute ni Darnaee grabeeeee!! Anong ginagawa nya dito? Ay may kasama rin siyang paru-paro? Oo, Butterfly nga! Ang cutee din! kulay Blueeeeeee... Ang ganda nila!!! Darnae, sino 'yang kasama mo? Ang cuteeeee! Super hero din ba siya!? Mygoshhh!!!! -Mga hiyawan ng mga tao dito sa labas ng parking lot ng mall. Nandito na kami dahil sabi ni Ading sa akin ay dito daw nila nakita ang mga lalaking nabiktima ng mga Jiebonae. "Ang panghiiiiiiiiii!!!!!!!" Ani ko kay Ading. "True, Darnae lang baho!" Nandidiring sagot nito. Ang taray Darnae nalang ang tawag sa akin! Ay dapat may pangalan din siya! Isip ako wait! Wait! Ano na lang? Tanungin ko nalang sa siya! "Wait ano muna ang name mo? Dapat may super hero name ka rin, diba?" Tanong ko sa kanya habang naglakakad kami papunta doon sa mga lalaki upang makita ko ang itsura nila. Ngunit malayo pa lang kami ay naaamoy ko na ang mga mapapanghi nilang amoy. At huwag kayo naaamoy din ni Ading ito. Panalo! Kaeboga diba? "Adae Baterflae, Darnae keri na 'yan!" nito. Gusto ko yung name. Ang bongga lang ih. Adae. "Doon ba Ading?" Tanong ko sa kanya dahil nakikita kong nagkukumpulan ang mga tao sa gawing 'yon. Hindi pa man kami nakakalapit doon ay may naghiyawan nang mga tao. "NANDITO SI DARNAE! AT MAY KASAMA PA SIYANG ISANG PARU-PARO BA 'TO? WAIT, TIGNAN KO NGA! AY BUTTERFLY NGA!" Sigaw ng kung sino man sa mga tao dito sa parking lot ng mall. Nagtinginan ang lahat sa amin, ngunit may napansin akong apat na mga babae na kakaiba ang mga mata at sa palagay ko ay sila na nga ang mga Jiebonae dahil sa kanila din nanggagaling ang mapapanghing amoy. Tinitigan ko sila at syaka ngumisi ng nakaka-asar. Mukha silang nagulat. Nagtinginan silang apat at bigla nalang silang umalis. Umalis na ang mga unyango! "Adae Baterflae nakita ko na sila!" Sabi ko kay Ading na apura ngiti sa mga camera ng mga tao dito sa parking lot ng mall. Paulit-ulit nalang ako sa parking lot hahaha!!! "OMG ANG CUTIE NG PANGALAN NUNG KASAMA NI DARNAE ADAE BATERFLAE!" Hiyaw ng isang babae na amimoy pinasukan ng limang tubo sa kanyang lagusan. HAHAHA. Chaerot! Sumigaw pa si Ading sa mga ito habang tumatakbo ng "Babushhh!! Yes, I'm Adae Baterflae! May hahabulin lang kaming mga Baklang ibon ni Darnae. Kung gusto nyo sumunod kayo." Ayan. Binilisan pa namin ang aming pagtakbo dahil super bilis nilang tumakbo nang sa gayon ay maabutan namin sila. Nang malapit na namin silang maabutan ay biglang may lumabas na mga pakpak sa kanilang mga likuran. Iba't ibang kulay! Sila na talaga ang apat na baklang magkakapatid na ibon na tinatawag na Jiebonae. Kayaga ng sinabi ni Reynae ay iba't iba nga ang mga kulay nila, Blue, Green, Red at hindi magpapakabog ang isa dahil nga rainbow ang pakpak nito. Ang taray LGBT flag ang outfit ng lola nyo. Nagsiliparan ang mga ito ng makapagpalit sila ng anyo ngunit kasabay ng kanilang pagbabago ay ang pagkawala ng mapanghi nilang amoy. Alam ko na! Kapag taong ibon sila ay wala silang amoy. Kapag normal na tao lang sila, doon lang pumapanghi ang mga amoy nila. Sinundan namin ang mga ito ni Ading, ngunit tumigil sila sa kanilang paglipad nang sila'y makarating sa himpapawid. "At sino naman kayong mga hangal kayo? Tanong sa amin ni Adae ng baklang ibon na kulay asul ang mga pakpak, sa tingin ko ay siya si Parota! "Gusto nyo na bang mamatay? HAHAHA!" Dagdag nito sabay tawa ng super lakas. "Oh bakit hindi kayo makasagot natatakot na ba kayo?" Tanong nito ulit. Pangatlong beses na ha! Pero yung mga kapatid nya nakatingin lang sa amin, walang say! Bobo ba ito? Paano kami makakasagot eh apura tanong nya. Jusko! Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nyang Parota. Kasing daldal siya ng isang Parrot o loro! "Tanga ka ba? Paano kami makakasagot eh apura ang tanong mo! Bobae!" Sigaw ni Ading kay dito. Kung hindi nyo alam, kami ngayon ay kasalukuyang na sa himpapawid. Sasagot na ulit sana si Parota ngunit humiyaw si Lawina yung may mga pakpak na kulay rainbow... "Tama na ang satsat! Magbabayad kayo, mga paki-elamerong mga Baklang kay lalandi ng mga suot! Hindi kayo magaganda, mga gaga!" Hiyaw nito sa amin at nagtawanan silang lahat. Ay, ayan na naman ang magbabayad na 'yan! Nakakasira ng posisyon. "Before kaming magbayad, I just want introduce ourselves! I'm Adae Baterflae: Ang Baklang paru-paro! and this super hero beside me is Darnae: Ang Baklang Darna! Ngayon handa na kaming magbayad. Laban na!" Sagot ni Ading sa kanila. "Yung totoo, sino ang bida dito? ikaw?" Tanong ko kay Adae Baterflae. Siya nalang kasi ang kuda ng kudae!Hahaha, nawalan na ako ng role sa storyang ito. "Heheh, sori na ati! Ayaw mo kasing magsalita ih." Sagot nya sa akin. Ouchhhhhhhae! Ang sakit! Mabilisang kinurot ni Maya yung may pakpak na kulay pula ang mukha ko. Ang hapdi ang tulis ng kuko nya bumabaon! Pashnea! Ang bilis nyang lumipad, hindi ko manlang namalayan!  Habang kinukurot nya ako ay hiningahan ko siya ng sobrang lakas at naging sanhi iyon upang mabitawan nya ang kanyang pagkurot sa aking mga pisngi. "Ang bahonelya!" Angal nya sa akin. "Sorry ka! Two days na akong hindi nagtu'toothbrush, buti nga sa 'yo!" Sagot ko sa kanya. Tinignan ko si Ading sa gilid ko at nagulat ako dahil pinagtutulungan siya ng tatlong Bakla!!  Mga hangal sila Ngunit kahit anong gawin nilang pag-atake kay Ading ay hindi siya tinatablan. Don't tell me, may shield power din siya? Ang taray! Nakuha nya ang dalawang super powers! So lucckyyyy!!! Mabilis kong winasiwas ang aking mga braso upang makabuo ng malakas na hanggin at ng mga dry nails. Ilang saglit pa ay nakabuo na ako at tumama ito sa direksyon nila Ading ngunit habang nakatingin ako sa kanila ay mabilis na hinila ni maya ang aking mga buhok. Winagwag nya ito ng sobrang bilis. Impakta ka! Ang sakit! Diminyaeeeee! Mabilis akong humarap sa kanya at dali dali ko siyang tinitigan hanggang sa hindi na siya makagalaw. Bigla kong tinampal ang kanyang mukha at syaka ko siya sinapak sa ulo na naging dahilan upang mahulog siya sa ibaba. Tumingin ako kila Ading at ngayon ay papa-atake na ulit ang tatlo sa kanya. Bakelya may pasa sa mukha si Ading? "Ang sakit Darnae! Tinamaan ako ng kuko! Chakeettttt dumudugo buwisit ka!" Hiyaw sa akin ni Adae. Bakit siya tinamaan? "Ha? Akala ko may shield ka!? Bakit ka tinamaan?" Takang tanong ko. "Hindi ko rin alam. Pero sila hindi naman ako tinatamaan!" Sagot nito. Hindi na ako nakasagot pa sa kanya dahil dali daling akong lumipad papunta kay Lawina ang panganay sa apat na baklang ibon na 'to! Bigla kong hinila ang kanyang isang paa mula sa kanyang ibaba at syaka ito pinaikot ng sobrang bilis ngunit nang itatapon ko na ito ay may biglang tumama sa likod ko at naging dahilan ito para mabitawan ko siya at mahulog ako sa ibaba. Darnaeee!!! Hiyaw ni Adae sa akin. Boggshhh!!! Aray ang sakit sa likod ha! Pagbabayad kayo!!!!! Lumipad akong muli sa itaas, nakita ko pang hinapampas ni Ading si Kalapata yung may pakpak na green sa puwet nito habang nakahawak siya sa mga pakpak nito! "Buwist kang bakla ka! Bakit mo binalibag ng sanga ng puno si Ati ko? Ha? Baliw ka ba? Dapat sa 'yo ganito, pinapalo sa puwet!'' Salita ni Ading dito. Siya pala ang tumira sa likuran ko! Ibon na ahas pa! Tumitira ng patalikod! Nakita kong nakaabang sa akin sina, Maya, Parota at Lawina sa itaas. Dali dali akong pumuta doon sabay sabing... "Adae dalin mo sa akin si kalapata!" Agad naman nya itong dinala sa akin. "Takpan mo ang tenga mo!" Sigaw ko kay Ading. Nagtataka pa siya nung una pero tinakpan nya rin naman ito. Pagtakip nya ay mabilis akong sumigaw ng... DARNAE!!! At nakakabiging tinig ang lumabas sa aking bibig at nag'cause ito para mabingi sila ng todo-todo. Mga bakla kayo! Ang sakit ng likod at pisngi ko sa inyo! Agad din akong sumugod sa kanila habang humihiyaw ngunit isang malakas na sampal ang aking nakuha mula kay Lawina. Ha?  Hindi ba siya tinatablan ng power ko? Paano siya nakagalaw? "Hahahaha, walang talab sa Ati namin ang ganyang klaseng kapangyarihan! Hahaha. Hangal ka!" Hiyaw ni Parota sa akin. Totoo nga! Hindi siya tinatablan. "Puro hiyaw ka lang naman eh wala ka namang ginagawa!" Sagot ni Ading  dito at bigla siya lumipad papunta kay Parota at binigyan niya ito ng isang malakas na suntok sa kanyang bungangae. "Nang matigil ka na! Ang plenty mong say! Wala namang saysay!" Ani pa nya after nyang suntukin sa bibig si Parota. Papaluin sana ni Parota si Adae ng kanyang mga pakpak ngunit hindi ito tinablan. Bakit ganoon? Kanina tinablan siya sa atake ko? Paano 'yon!?  May time lang na gumagana yung shield?  Maya-maya pa ay naramdamaan ko na parang nagdidiikit ang aking mga kamay at paa. Ano ang nangyayari sa akin? Tinignan ko ito at ako'y nagulat dahil binabalot ito ng mga pakpak na parang isang posas. Oo tama posas na gawa sa pakpak. Tumingin ako sa aking harapan kung saan ito nagmumula at ito ay galing kay Lawina! Buwisit siya! Paano nya 'to nagawa!? "Pakawalan mo ako dito bakla ka!" Hiyaw ko sa kanya. "Tara na! Umalis na tayo!" Hiyaw nito sa mga kapatid nya at hindi sumagot sa akin. Humarap ang mga kapatid nya sa kanya na parang nagtatanong. "Hindi pa ngayon ang tamang panahon! Gora na!" Sagot nito. At bigla silang lumipad ng sobrang bilis. Kasabay ng pag-alis nila ay ang pag-alis din ng mga pakpak na posas sa mga kamay at paa ko. Ginagawa lang siguro nila 'to para makatakas sila. Ganon na nga! Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD